Dei's POV “Kumusta ang pag aaral niyo?” tanong ng lolo ni Ice. “Ok lang naman po,” I answered. Kailangan kong mag-ingat sa mga isasagot ko. “By the way, pinatuloy ko muna si Avery sa kwarto niyo nang mapag-alaman kong pinsan mo siya,” sabi naman ng daddy niya. “You should have asked my permission first,” ani Ice. “Why would I? I owned that university and dorm. By the way, are you both free this saturday?” tanong ng daddy niya. “Nah! May pupuntahan ako.” Ice answered. “Saan? Hindi ba pwedeng i-cancel ’yang lakad mo?” tanong muli ng lolo niya. “No, dadalawin ko si Basty since umalis agad sila kanina sa university.” Nagulat ako nang padabog na ilapag ng daddy niya ang hawak niyang kutsara't tinidor. “What? Nasa university si Basty? Is he with her?” galit na tanong ng daddy niya. “Of