"Kailangan ko ba talaga 'to?" tanong ni Lyn sa kaibigang si Lily. "Of course! Para hindi ka magmukhang nerd, kahit man lang sa ganitong ayos magmukha kang tao," palatak ni Lily sa kaibigan. Napasimangot si Lyn. Napangiwi siya sa kulay peach na dress. Hindi siya mahilig sa mga dresses. Ang hilig niya'y mga maluwang na pantalon or either slacks na hindi hapit sa kanyang katawan. At mga t-shirts na maluwang sa kanya, masasabi talaga ng tao na nagmumukha siyang manang. Nagsusuot din naman siya ng palda pero puro dark ang kulay niyon. Paborito niya ang itim. Hindi ba ang weird lang? Nagpaalam muna saglit si Lyn sa kaibigan para tunguhin ang restroom. At dahil sa pagmamadali niya'y hindi niya napansin ang isang bulto. Muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at maagap ang lalaking naka