Nagulat si Lily nang makita ang lalaking nagngangalang Silver Ching. What a small world at nagkita sila nitong muli. Palaisipan sa kanya ang pakay nito sa kaibigang si Lyn. Hindi niya alam kung anong naging koneksyon nito sa kaibigan. Nagulat pa nga ito nang makita siya na kasama si Isaac. "Ms. Gamboa, I never thought that we see each other again, and your with Mr. Montenegro," magiliw na turan ni Silver sa dalaga. Buong respeto nitong kinuha ang kaliwang palad ng dalaga at akmang hahagkan iyon ni Silver nang harangin ito ni Isaac. Kiyemeng ngumiti naman si Lily sa binata. Ngunit bigla niyang naramdaman ang biglaang paghigpit ng mga braso ni Isaac na kasalukuyang nakapulupot sa kanyang maliit na bewang. Napalingon tuloy siya sa binata. Napansin niya ang biglang pag-igting ng mga pang