#HGDChapter29 Love yourself "Thine..." Agad kong pinahid ang mga luha ko at binalingan si Madam na pumasok sa kuwartong pansamantala kong inokupa sa bahay niya tatlong araw na ang nakakalipas. "Hay nako, ano ba talagang nangyari sa 'yong bata ka? Tatlong araw ka nang nagkukulong dito. Halos hindi ka na kumakain ah," nag-aalala niyang saad at lumapit sa akin. Bumaba ang tingin niya sa dalawang bagay na nasa kama na kanina ko pa tinititigan. "Umiiyak ka na naman, mauubusan ka na ng tubig sa katawan niyan," sabi niya sabay dampot ng blankong cheke at ang kontrata na pinirmahan ni Hurricane. "Ito ba ang nagpapaiyak sa 'yo o ang taong nagbigay sa 'yo nito?" Tinitigan ko ang mga hawak ni Madam. Yumuko ako at inilagay ang parehas kong palad sa mukha ko. Ang mga luha ay nag-umpisa na na