#HGDCh12 Arianne 11 pm. Kahit pipikit-pikit ang mga mata ko dala nang kaantukan ay may pagmamadali kong binuksan ang pinto nang tumunog ang doorbell. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang bumungad sa akin si Hurricane. He's still handsome pero mahahalatang ilang araw na siyang walang matinong tulog. Kitang-kita ang pagod sa mga mata niya. "Damn that old hag, pinatagal pa ang meeting papayag din naman pala sa huli," aniya na hindi na hinubad ang suit at nagtungo agad sa dining table. "Iinit ko lang saglit 'tong ulam--" "I'm hungry it's okay." Sinimulan niyang kainin ang menudo na ni-request niya kaninang umaga. Ganado siyang kumain pero halata pa rin ang pagod sa mga mata niya. It's been five days simula nang tumira ko dito sa katabing unit niya. Bored na bored na nga ako kaya excited