Chapter 2
Markus's Point of View:
"Tama na ang laro! Sapat na ang mga nakita ko para malaman ang kakayahan ninyo." Napatingin ako kay coach dahil sa kanyang anunsyo.
Dahan dahan akong tumayo habang nakahawak ang isa kong kamay sa aking batok. Medyo may sakit pa ito kaya hinihimas ko pa ng kaunti.
"Maganda ang naging laro ninyo,Markus! Ipinakita mo sa akin na nag-improve ka na dahil kahit wala ang tulong ko ay kaya mo nang hawakan ang mga kateam mo." Papuri niya sa akin na kinangiti ko.
Dapat lang naman niya akong purihin dahil ako ang star player ng aming paaralan pagdating sa volleyball. Marami na akong napatunayan dito at marami na akong pinanalong laro na nagdahilan para tawagin o bansagan nila akong "The Player"!
Kung hindi niyo natatanong ay pang tatlo ko nang laro ang volleyball. Noong freshman ako ay sa badminton ako naglaro at nakasama rin ako noon sa pinadala para sa taonang UniLympics na kung saan ay lahat ng Universities dito sa aming rehiyon ay kasali. Dahil madali akong magsawa sa isang bagay ay noong Sophomore ako ay sa basketball naman ako naglaro. Naging maganda naman ang record ko sa basketball at naging star player din ako noon kaya nakarating ang aming university noon sa top 4 sa buong Pilipinas. At noong nakaraang taon ay nagpasya akong sumali dito sa volleyball team at sa hindi ko inaasahan ay dito ko natagpuan ang larong labis kong kinasaya. Naging masaya naman ako sa badminton at basketball pero kakaiba ang larong volleyball sa akin. Kung inaakala niyong madali lang ang larong ito ay nagkakamali kayo. Para din itong basketball na kailangan ng lakas, liksi at talas ng pag-iisip. Hindi lang puro palo ng bola ang ginagawa dito. Marami ding mga basic routines o skills na dapat mong matutunan bago ka makapaglaro ng volleyball ng maayos tulad ng serving, passing, at marami pang iba.
"At ikaw naman,Karl ay may nakita akong potensyal sayo. Sa napanood kong laro ninyo ay mukhang may makakatapat na kay Markus."
Napadilat ako ng aking mga mata dahil sa aking narinig. Tama ba ang narinig ko? May tatapat sa akin sa laro!?
"Sa pinakita mo kanina, meron kang katangian ng pagiging leader at sa tingin ko ay magkakasundo kayo ni Markus. Magaling kang gumawa ng strategies na maaari nating gamitin sa nalalapit na UniLympics sa susunod na mga buwan. Malakas din ang iyong mga atake at nagawa mo pang paluhudin si Markus. Mukhang magiging masaya ang taon na ito para sa Volleyball team!" Dagdag pa ni coach.
Napatingin ako sa lalaki at nakita kong nakangisi siyang nakayuko habang kinakamot ang kanyang ulo. Napataas ako ng kilay dahil sa aking nakikita sa kanya.
"Hindi naman coach, wala pa ring makakatalo kay Markus." Sabi pa niya.
Put*! Pasikat din itong lalaking to ah! Kung inaakala niyang madadaan ako sa mga ganyan niya, nagkakamali siya! Matagal ko nang alam na ako ang hari sa paglalaro kaya sinisigurado kong ako pa rin ang magiging hari hanggang sa pagtatapos ko! Hindi ako papayag na masasapawan lamang ako ng katulad niya!
"Sige,team! Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang ating training! At yung mga bago naman ay makikita niyo ang resulta kung nakapasok kayo sa susunod na araw sa bulleting board. Kita na lang rayo sa susunod na linggo team at ihanda ang sarili dahil hindi ako magiging santo sa inyo!"
Pagkatapos sabihin yan ni coach ay nagsialisan na ang ilan sa mga player at ang ilan naman ay nilapitan nila si Karl at pinalibutan. May namamangha at may pumupuri sa kanya habang siya ay abala sa pagkamot sa kanyang batok.
Napailing na lamang ako sa aking nakikita. Kung inaakala niyang magiging madali ang buhay niya sa volleyball team ay nagkakamali siya. Dahil ako ang team captain ay isa ako sa kasama ni coach para sa training. Sisigiraduhin kong magsisisi siya sa pinasukan niya, sisigiraduhin kong hindi siya magtatagal!
"May klase ka pa ba?" Biglang tanong ng isang lalaki sa akin.
"Wala na pero babalik na ako sa apartment para magpahinga. Bakit nga pala, Xandro?" Sagot at tanong ko sa kanya.
"Ah, ganun ba? Si Allysa kasi eh. Sa susunod na linggo na ang aniversary namin at plano ko sanang surpresahin siya." Sabi niya sa akin na kinangisi ko.
"Naku si Lover boy,talagang patay na patay sa kasintahan niya! Sige ba,tutulong ako sa paghahanda." Sabi ko na lang sa kanya.
"Yes! Salamat,pare! Maasahan ka talaga!" Sabi niya sa akin sabay hampas sa aking balikat.
"Aalis na kami,captain. Kita na lang tayo next week kung makukiha ako." Biglang paalam ng isang lalaki na sa boses pa lang ay kilala ko na siya, si Karl.
Dahil sa talino ko ay biglang gumana ang utak ko. Hinarap ko si Karl at tumango sa kanyang paalam. Sinundan ko siya ng tingin habang papalayo siya at pagkatapos ay humarap ako kay Xandro.
"Sino ba yun at ganyan ka makangiti?" Nagtatakang tanong sa aking ni Xandro.
"Pwede rin ba akong humingi ng pabor?" Nakangiting sambit ko sa kanya.
"Naku, baka kalokohan lang yan,ha!"
"Hindi, gusto ko lang naman na malaman ang record ng lalaking yun. Kung sino ba talaga siya, ano course niya, year, saan siya nakatira mga ganun?" Sabi ko sa kanya na napatango tango lang.
"Bakit pa? Sino ba yun?"
"Basta! Karl Lyndon Buenaventura ang pangalan niya."
Napailing na lang siya at bumuntong hininga. Napangiti ako dahil halata kong papayag na siya.
"Sige, kung wala lang akong hinihiling na pabor sayo, hindi ko gagawin yan. Bakit hindi na lang ikaw ang umalam?" Napilitan niyang sambit.
"Busy lang ako sa studies ko. Alam mo naman, goodboy ako!" Nakangisi kong sagot sa kanya na kinailing niya.
"Sabihin mo, busy ka sa pakikipaglaro sa mga babae mo!" Pagbabara niya.
Ngumisi na lamang ako sa kanya. Kilala na rin niya pala ako. Sabagay, kaming apat lang naman ang nakatira sa apartment ng mahigit tatlong taon kaya pati yata amoy ng utot namin kilala na namin ang isa't isa.
Naglakad na kaming lumabas ng campus dahil sasamahan ko raw siyang bumili ng mga gagamitin sa kanyang ihahandang date.
Pumunta kami sa malapit na mall at dito na rin kumain ng haponan pagkatapos naming bumili ng mga gagamitin.
Madilim na nang makarating kami sa aming apartment. Pagpasok namin ay inilagay na mina namin ang lahat ng pinamili namin sa gilid. Nakita ko si SC President na abala sa pagdutdot sa kanyang laptop. Nilapitan siya ni Xandro at tinanong kung ano ang ginagawa niya.
"Ano na naman yang ginagawa mo, Arc?" Tanong ni Xandro sa kanya.
"Wala, gumagawa lang ako ng mga Operational Plan paara sa mga gaganaping mga activities ng ating paaralan." Sagot ni Arc sa tanong.
Napailing na lamang ako dahil gabi gabi siyang ganyan. Nagtataka nga kami kung bakit siya ang lahat ang gumagawa. Meron naman siyang mga officers pero sabi niya da amin ay wala silang kwenta. Kaya ayun, siya lahat ang gumagawa.
"Si genius pala,nasaan?" Tanong ko naman sa kanya.
"Si Dmitri? Parang hindi niyo naman alam. Umalis na siya." Sagot niya sa amin.
Hindi na kami nagulat sa sinabi niya. Gabi gabi kasi siyang lumalabas at sa mahigit tatlong taon naming pagsasama ay hindi namin alam kung saan siya nagpupunta kapag gabi. Tinatanong naman namin siya minsan pero hindi siya nagsasalita.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagdesisyong magtungo sa aking kama. Pagkahiga ko ay agad kong kinuha ang aking cellphone at nagulat na lamang ako ng makita ko ang maraming mensahe sa aking inbox.
Binuksan ko ang mga ito at napangiti na lamang ako sa mga nabasa ko. Mga babae na namang sabik sa laro sa kama. Kinakamusta at inaaya na naman nila ako pero dahil pagod ako ay hindi ko na lamang sila nireplayan.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon para pumasok. Hindi naman sa pagiging masipag pero kailangan ko rin pagtuonan ng pansin ang aking pag-aaral. Kahit na puro laro at babae ang laman ng aking isip ay sinisigurado ko naman na makakapasa ako sa mga subjects ko.
Paglabas ko ang aking kwarto ay nadatnan ko si Xandro na abala sa pagluluto ng aming agahan. Siya kasi ang naatasan na magluto para sa aming lahat dahil may angkin siyang talento dito. Ako at si Arc naman ang bahala sa gastusin sa mga pagkain habang si Xandro ang sa tubig at kuryente. Pagdating naman sa pagbabayad ng apartment, hati hati na kami. Hindi pantay 'di ba? Pero wala naman problema doon dahil kilala na namin ang isa't isa at alam namin ang estado ng buhay ng bawat isa.
"Ang aga mo naman yata?" Gulat na sambit ni Xandro sa akin.
Sinabi ko sa kanya na may kailangan akong gawin ngayon. Hindi na naman siya nagtanong pa at nagluto na lamang. Ako naman ay nagtungo na sa banyo para makaligo. Pagkatapos ay bumalik ako sa aking kwarto para maghanda na sa pagpasok.
Matapos kaming kumain na apat ay nauna akong lumabas ng aming apartment. Naglakad lamang ako sa pagpasok dahil malapit lang naman ito sa tinutuloyan namin.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong isang lalaki na naglalakad din papasok sa aming paaralan. Simula pa lang ng umaga ko ay siya na ang nakita ko! Hindi ko alam pero nag-iinit ang ulo ko sa kanya simula pa noong matapos ang laro namin. Para kasing balak niya akong agawan ng isang bagay eh at alam kong ang kasikatan sa laro ang balak niya. Kung yun man ang motibo niya ay hindi ko siya uurungan. Makikipaglaro ako sa kanya!
Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang hindi ko na siya makita. Nagtungo ako sa aming classroom at gumawa ng isa naming requirement para sa course kong Business Ad.
Sakto naman na natapos ko ang requirement ko nang magsidatingan ang aking mga kaklase at mga ilang minuto lang ay dumating na rin ang aming unang prof.
Pagkatapos ng klase sa umaga ay agad din akong lumabas ng aming classroom. Paglabas ko pa lang ay may isang grupo ng kababaihan ang nakaabang sa akin. Ngumiti sila at lumapit sa akin.
"Hi,Markus! Mas oras ka ba ngayon?" Tanong ng isa sa kanila. Napaharap ako sa kanya at nakita kong maganda naman siya. Matangkad siya na sa tantya ko ay mga 5'7 ang taas niya, maganda ang kanyang mga mata at makinis at maputi ang kanyang balat. Sa madaling salita ay swak ito!
"Lahat ng oras ko ay ilalaan ko sa isang magandang dilag na kagaya mo." Nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakita ko naman ang pagngiti niya sa akin. Bingo! Madali ka lang kunin na babae ka!
"Kung ganun,pwede ba kitang yayahing mag-lunch?" Alok niya sa akin.
Iba na talaga ang panahon ngayon. Ang babae na ang mag-aalok sa mga gwapo at malakas ang dating na kagaya ko ang inaalok. Hindi ko naman sila masisisi dahil alam naman nilang solve sila sa kagaya ko.
"Matatanggihan ko ba ang alok ng isang anghel? Saan ba tayo?" Sagot ko sa alok niya.
Nagkatinginan naman silang tatlo. Hindi ko na lamang pinansin ang tinginan nila dahil nakatitig lamang ako sa kausap ko.
"Ikaw, ikaw ang bahala." Napangisi ako sa sinabi niya.
Huli ka! Hindi ako makakatanggi sa kagaya niya. Parang ok naman siya at malinis kaya inaya ko na siya at sinabing kami lang dalawa dapat. Nagpaalam naman siya sa mga kasama niya at pagkatapos ay sabay kaming naglakad. Habang naglalakad kami ay bigla kong naramdaman ang aking cellphone na nagvibrate. Kinuha ko ito at nakita ko na tumatawag si Xandro. Napataas ako ng aking kilay. Ano naman kaya Ang kailangan nito? Tumigil kami saglit para masagot ang tawag niya. Nagpaalam ako sa kasama ko sandali para sagutin ang tawag.
"Bakit? Istorbo ka naman,eh!" Sabi ko sa kabilang linya.
"Yung pinapagawa mo, nagawa ko na!" Sabi niya sa akin.
Ang bilis ah! Ok talaga itong si Xandro!
"Sabihin mo na lang mamaya sa apartment. May gagawin pa kasi ko eh." Sabi ko sa kanya.
"Sa tingin ko dapat mong malaman ang sasabihin ko. Siguradong matutuwa ka." Dahil sa sinabi niya ay naguluhan ako.
"Anong ibig mong sabihin? Bakit,ano ba ang meron sa Karl na yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Pumunta ka na lang dito sa Guestel at magpaalam ka na lang muna sa babaeng kasama mo." Sabi niya sa akin sabay patay ng tawag.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hinarap ko ang babaeng kasama ko at nilapitan siya.
"Pasensya na pero may gagawin pa pala ako. Ibigay mo na lang ang cellphone number mo at tatawagan na lang kita." Sabi ko sa kanya sabay abot ng aking cellphone sa kanya.
Kinuha naman niya ito at nilagay ang number niya. Tinanong ko ang kanyang pangalan at sinagot namn niya ako.
"Sige, Anica. Tatawagan na lang kita kapag may oras ako. Pasensya ka na talaga,ha." Paalam ko sa kanya.
"Ok lang, may mga susunod pa namang araw,eh." Sabi niya sa akin.
Muli akong nagpaalam sa kanya at pagkatapos ay mabilis akong nagpunta sa Guestel ng aming paaralan. Pagpasok ko ay agad kong nakita si Xandro kasama ang kanyang girlfriend na abala ng kumakain. Nilapitan ko sila at inaya naman nila akong umupo sa harapan nila.
"Order ka na muna." Sabi sa akin ni Xandro.
"Hindi na, hindi naman ako magtatagal eh. Sige na sabihin mo na ang tungkol sa lalaking yun!" Exicted kong tanong sa kanya.
Napabuntong hininga siya at binitiwan ang kanyang kutsara at tinodor. May kinuha siya sa kanyang bag at inilabas ang isang papel.
"Karl Lyndon Buenaventura. 3rd year student taking Bachelor of Secondary Education major in Physical Sciences. 20 years old, nakatira siya sa isang subdivision at anak siya ng isang negosyante. May ate siya at nasa America." Panimula niya sa akin.
"At magugulat ka sa nalaman ko!" Pambibitin niya sa akin.
"Ano yun? Sabihin mo na! Binibitin mo naman ako eh!"
Ngumiti siya sa akin at sinabi niya ang kanyang nalaman. Napangiti na lamang ako sa aking naririnig. Hindi ko akalain na ganun siya!
Ngayon, kung gusto niyang makipaglaro, makikipaglaro ako sa kanya.
Siya ang nagsimula nito kaya ako ang tatapos!
At sinisigurado kong ako ang mananalo!
Humanda ka sa akin Karl Lyndon Buenaventura!
Paglalaroan ka ng isang Markus Alegre!
...............