Chapter 3

2477 Words
Chapter 3 ............. Karl's Point of View : "Goodluck sa magiging practice niyo,Karl. Papahiramin na lang kita ng mga notes ko tungkol sa mga pag-aaralan namin." Sabi sa akin ng aking kaibigan habang nakatayo kami dito sa bukana ng aming building. Lagpas alas-sais pa lang ng umaga pero nandito na ako sa aming paaralan. May dalang isang malaking traveling bag dahil ngayon na ang araw kung saan ay pupunta na kami sa Santa Fatima kung saan ginaganap ang dibdibang training ng volleyball team. "Salamat, Divina. Huwag kang mag-alala, mang-uuwi ako ng pasalubong para sayo." Pasasalamat ko sa kanya. "Naku, aasahan ko yan,ha! Sige na, pumunta ka na sa oval at baka maiwan ka pa." Nakangiti niyang sambit sa akin. Ginantihan ko na lang siya ng ngiti at nagpalam na sa kanya. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko na nagvibrate ang aking cellphone. Agad ko itong kinuha sa aking bulsa at nakita kong may tumatawag. Napangiti na lang ako nang makita ko ang pangalan kaya agad ko na itong sinagot. "Hello?" "Nasaan ka na?" Tanong niya sa akin. "Papunta na po ako sa meeting place namin. Bakit po?" Pang-aasar ko sa kanya. "Huwag mo sabi akong tawaging "po"! Asawa ko na lang, mas bagay!" Napailing at napangiti na lamang ako sa kanyang sinabi. "Alam mo ikaw,Margo? Hindi ka na naman nakainom ng gamot mo! Nababaliw ka na naman!" Nakangisi kong sagot sa kanya. "Pasensya ka na,my loves kasi ayaw kong gumaling sa pagkabaliw ko sayo!" Nakayamdam ako ng init sa aking mukha dahil sa kanyang banat. Araw-araw na lang siyang ganyan kapag tumatawag siya. Palagi na lang niya akong kinukulit o 'di kaya naman ay binabanatan ng kung ano-ano. Hindi ko nga maintindihan yung taong yun kung bakit ganun siya sa akin. Nagsimula lang naman ito noong kumain ako mag-isa sa Mcdo eh. Dahil puno noon ay nakiupo siya sa akin. Wala naman akong nagawa noon dahil wala din naman akong kasama at noong panahong yun ay nagkapalagayan kami ng loob. Nagkwentuhan at nagpalitan ng aming basic informations hanggang sa umabot na siya dito. Nililigawan ako ni Margo. Hindi nga ako makapaniwala noong sinabi niya yun sa akin eh. Sino ba naman ang hindi magugulat kong isang araw ay hihingi ng permiso ang isang lalaking gwapo, matangkad, maputi, maganda ang katawan na sinamahan pa ng kabaitan na lalake? Tapos ang hiningihan niya ng permiso ay isa ring lalake? Hindi ba? Nakakabaliw? "Hoy, hindi ka na nagsalita? Kinikilig ka na diyan no?" Napabalik ako sa aking ulirat nang muli siyang magsalita. "Loko ka talaga,Margo! Sige na, tawag ka na lang mamaya pagdating namin sa Santa Felipa. Baka maiwan kasi ako ng aming sasakyan,eh." Sabi ko na lang sa kanya dahil kapag nagtagal pa ang pag-uusap namin ay tuluyan na akong maiwan. Hindi pa naman yan nauubusan ng kwento o ng pinag-uusapan. "Sige na nga, kahit na ilang oras lang na hindi kita makausap, mamimiss na kita. Pagkatapos ng training niyo, labas tayo,ha! Tapos sasagutin mo na ako." "Bumalik ka na nga diyan sa trabaho mo at baka malugi yang kompanya ng pamilya mo! Kung ano ano ang sinasabi eh!" Pagtataboy ko sa kanya. "Huwag na huwag kang magkakamali na maglandi sa mga kasama mo! Kung malalaman ko na may umaaligid sayo, lilipad talaga ako para suntukin ang mukha niya!" Pahabol pa niya. Napabuntong hininga na lamang ako sa kanya. "Sige na, paalam na muna mahal ko! I love you!" Huling mga salita niya. Naputol na ang tawag pero nasa tainga ko pa rin ang aking cellphone. Nakangiti habang binabalikan ang salitang binitiwan ni Margo sa akin. Tahimik Habang ninanamnam ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Margo ay bigla na lamang may umakbay sa akin na siyang nagpabalik ng aking ulirat. Napatingin ako sa taong yun at laking gulat ko na lamang nang makita ko si Markus na nakangisi habang nakatingin sa akin. Hindi ko maiwasan ang hindi pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot siya ng itim na sando na tinernuhan niya ng navy blue na pantalon na may butas sa parte ng kanyang tuhod. Bumagay naman ang kanyang asul na sapatos. Naningkit ang aking mga mata. Kilala ko na siya hindi lang sa kanyang pangalan kundi pati sa lahat ng ginagawa niya. Kilala siya bilang isang magaling na Player na kahit anong sports at gindi langvyun dahil magaling din siyang mangbilog ng mga babae. Ito ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, siya ang dahilan kung bakit ako sumali at inaral ang larong volleyball! "Tara na, baka tayo na lang ang hinihintay nila." Anyaya niya sa akin sabay lakad habang nakaakbay sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakaakbay at tinanggal ito sa aking balikat at bahaguang lumayo sa kanya. Hindi ako komportable sa kanya at ayaw ko siyang makasama dahil sa isang rason na ako lang ang nakakaalam. Napatingin siya sa akin nang matanggal ko ang kanyang kamay sa aking balikat. Nagtitigan kaming dalawa at ilang saglit pa ay nginitian niya ako na sinabayan pa niya ng pagkindat! Napataas ako ng aking isang kilay dahil sa ginawa niya. "Halikana,Karl. Sabay na tayo maglakad. Sinisigurado kong hindi ka mapapahamak sa tabi ko." Nakangisi niyang anyaya sa akin. Hindi ako tanga para hindi malaman na may binabalak ang lalaking ito sa akin. Hindi ko lang alam kung ano yun pero sige. Kung yan ang gusto niya, makikipaglaro ako sa kanya. Muli ko siyang nilapitan na nakangiti. Nakita ko ang kanyang malalaki at makinis na braso. Hindi ko alam kung bakit lumabas ang aking kapilyuhan at dahan dahan ko itong hinawakan at hinimas habang nakatingin sa kanya. Kitang kita ko ang paglaki ng kanyang mga mata dahil sigiro sa aking ginagawa pero ito ang gusto niya at pagbibigyan ko siya. Bigla siyang napalayo sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Napangisi na lamang ako sa kanyang naging reaksyon. "Tara na?" Ako naman ngayon ang nagyaya sa kanya. Nilagpasan ko siya sa kanyang kinatatayuhan at nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kanyang presensya sa aking tabi. "Ano ang pakiramdam na nakapasok ka sa team?" Biglang tanong niya sa akin. "Masaya kasi matagal ko ng gusto sumali sa volleyball team kaya lang pinagbabawalan ako noon ni ate. Pero ngayon nasa Amerikana na siya ay malaya na akong makapaglaro sa hilig ko." Sagot ko sa kanya. Mag-iisang linggo na rin noong nalaman kong nakapasok ako sa team. Kompyansa naman ako noon na makapasok dahil ginalingan ko talaga ang try outs para lang sa aking minimithi. Noong makapasok ako ay sobrang tuwa ko, bakit? Dahil siguradong mapapalapit ako kay Markus, si Markus na tinaguriang "The Player!". "Mabuti naman kung ganun. Alam mo, noong una kitang nakita ay nagkaroon ako ng interes sayo. Hindi ko alam kung bakit pero nakuha mo ang atensyon ko." Sabi niya sa akin na pinagtaka ko. Ano ang ibig niyang sabihin? "Noon ngang natalo mo ako ay hindi ka na mawala sa isip ko,eh. Hindi dahil sa pagtama ng atake mo sa aking ulo noon pero sa totoo lang ay parang may iba pang natamaan sa katawan ko." Dagdag pa niya. Naguguluhan ako sa kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa mga sinasabi niya. Sa mga salita niya, parang may ibig sabihin. "Ano naman yun?" Nagtataka kong tanong sa kanya pero nginitian niya lamang ako na sinabayan pa niya ng pagkindat. Ilang minuto rin ang aming paglalakad bago kami makarating sa oval kung nasaan ang aming sasakyan patungo sa Santa Felipa. Nakita ko ang aming mga kateam na abala na sa pag-aayos ng kanilang gamit. Mabilis naman kaming naglakad ni Markus at inayos na rin ang aming mga dalang maleta. May kunuha naman ng aming mga gamit at isinilid ito sa lalagyan ng gamit sa bus. "Nandito na ba ang lahat!?" Sigaw na tanong ng aming coach. Nang masigurado na nandito na kaming lahat ay nagbigay si coach ng mga paalala kung ano ang mga gagawin at hindi gagawin pagtungtong namin sa Santa Felipa. Pagkatapos ay isa isa na kaming umakyat sa bus na aming sasakyan. Pagpasok namin ay mga mga gamit sa mga upuan na nagsasabing nakabakante na ang mga ito. Nang makakita ako ng bakante y agad akong nag-ayos at pagkatapos ay umupo na. "Pwede bang makitabi sayo?" Nakangising sambit ng isang lalaki sa akin. Napatango na lamang ako sa kanya bilang sagot. Inayos na rin niya ang ilang gamit niya at pagkatapos ay tumabi na siya sa akin. "Ang kinis pala talaga ng kutis mo,tol! Nakakainggit." Papuri niya sa akin na pinagtataka ko. Makinis din naman ang kutis niya ah kaya bakit siya maiinggit? "Ang ganda rin ng iyong mga mata at ang labi mo napakapula! Ang sarap sigurong halikan yan!" Dagdag pa niya na kinagulat ko. Ano ba ang sinasabi ng lalaking to!? Bakit ganyan siya makapagsalita sa akin!? "Ano bang pinagsasabi mo,tol? Huwag mong sabihin na nababakla ka sa akin!?" Sabi ko naman sa kanya na kinangisi niya. "Paano kung sabihin kong tama ka? Maniniwala ka ba?" Deretsyo niyang sagot sa akin na kinagulat ko. "Huwag kang magbiro ng ganyan,tol. Hindi maganda yang sinasabi mo!" Sabi ko naman sa kanya. "Hindi ako nagbibiro,tol. Sa mala-anghel mong mukha, sa napakasarap mong labi ay natatamaan ako." Sabi niya na nagpainit ng aking pisngi. Alam kong namumula na ako dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang seryoso naman siya. Napangisi na lamang ako dahil sa mga narinig ko. Kung seryoso siya sa sinasabi niya, baka mapadali ang misyon ko! "Huwag kang magsalita ng ganyan,Markus. Baka maniwala ako!" Nakangiti kong sambit sa kanya. Natigil lang ang aming usapan nang magsimula nang umandar ang aming sasakyan. Napabuntong hininga ako at tumingin sa labas ng bintana. Napapangiti ako sa nangyayari ngayon. Mukhang umaayon ang tadhana sa akin. Mukhang mapapadali ang aking misyon. Tahimik Habang abala ako sa pagtingin sa labas ay bigla kong maramdaman ang pagdantay ng ulo ng katabi ko sa aking balikat. Napasulyap ako dito at nakita ko ang kanyang mga mata na nakapikit. Sa hindi ko alam na dahilan ay lalo kong napagmasdan ang kanyang mukha. Nakasuot siya ng shade sa kanyang mata at alam kong nakapikit siya. Makinis naman ang kanyang balat at maganda ang korte ng kanyang mukha. Hindi nakakapagtaka na maraming kababaihan ang nahuhumaling sa kanya dahil talagang gwapo siya. Pinabayahan ko na lang siya sa kanyang pwesto at ako naman ay kinuha ang akingbheadset at cellphone para magpatugtog ng mga kanta. "You And Me" By: Shane Fillan Everyday I look at you And I can't believe the view Lying there next to me It always feels brand new Busy streets packed out bars Taxi cabs and cars Life is fast Probably last Still together What we have is beautiful If I lost you Then I'd lose it all 'Cause this world would be Empty without you It scares me that this life would mean Nothing without you Someday we'll have to say goodbye I need to let you know that I Will never try To fill the space between It'll only ever be You and me Candle light, A glass of wine A dinner made for two All the noise of the city I drown it out for you Then we kiss as we dance I hope this feeling lasts forever Life is fast, Raise a glass, We're still together And you're still so beautiful If I lost you Then I'd lose it all 'Cause this world would be Empty without you It scares me that this life would mean Nothing without you Someday we'll have to say goodbye I need to let you know that I Will never try To fill the space between It'll only ever be You and me And you're still so beautiful If I lost you then I'd lose it all 'Cause this world would be Empty without you It scares me that this life would mean Nothing without you Oh, someday we'll have to say goodbye I need to let you know that I Will never try To fill the space between It'll only ever be You and me Mga ilang oras din ang naging byahe namin. Mag-aalas kwatro na ng hapon nang tumigil ang bus na aming sinasakyan sa isang resort yata ito. Masarap ang simoy ng hangin at nakakagaan ng pakiramdam. Isa isa na kaming bumababa ng bus at nagsibuhat sa aming mga dalang mga gamit. Hinarap naman kami ni coach at sinabing magpahinga na lang muna kami ngayongbaraw t bukas na ang simula ng aming isang linggong training sa lugar na ito. "Kayong mga dating player ay alam niyo na kung saan kayo pupunta. Ituro niyo na lang sa mga bago ang mga kwarto na gagamitin natin at makikipag-usap pa ako sa namamahala dito." Sabi sa amin ni coach. Pagkatapos niyang sabihin nun ay agad din siyang umalis habang kami ay nagsimula nang bihatin ang aming mga dala. "Ako na magdadala ng bag mo." Prisinta ni Markus sa akin. "Huwag na,kaya ko naman,tol." Pagtanggi ko sa alok niya pero mapilit siya at agad na lang niyang kinuha ang aking traveling bag. Napailing na lamang ako at sinundan siya sa pupuntahan namin. Pagdating namin dito sa isang bahay, agad na nagkanya kanya ang aming kateam. May nagpaliwanag naman kung paano ang gagawin. Ang bahay natutuluyan namin ay may limang kwarto. Tamang tama lang sa amin na 16 na members ng team. Kaya ang ibig sabihin ay may apat na kwarto na kung saan tatlo ang magsasama at ang isa naman ay apat. "Sama tayo sa isang kwarto ha!" Sabi sa akin ni Markus. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngisi niya. "Tayong dalawa lang!" Dagdag pa niya na kinagulat ko. "Hindi ba bawat kwarto ay tatlo ang magsasama? Kaya paano yang sinasabi mo?" Tanong ko naman sa kanya. "May isang kwarto dito na pang dalawahan lang kaya doon tayo pupunta. May dalawang kwarto naman na pang-apat at may dalawang kwarto naman na pangtatlohan." Nakangisi niyang sagot sa akin. Ganun pala yun! Kaya naman pala! Napaisip ako kung papayag ba ako sa gusto niya o hindi pero nang mapagtanto kong kami na lang dalawa ang naiwan ay wala na rin akong nagawa pa. "Sige, tara na para makapagpahinga na rin tayo." Sabi ko na lamang sa kanya. Lumawak naman ang kanyang pagngiti na para bang nanalo ito sa sugal. Alam kong may binabalak siya at gusto ko rin yang iniisip niya. Alam kong gusto niyang makipaglaro sa akin kung ano man kaya hindi ko siya uurungan. Kung inaakala niyang mahuhulog ako sa butas na ginagawa niya, sinisigurado kong siya ang mahuhulog sa butas niya. Ako si Karl Lyndon Buenaventura at nandito ako para sa isang misyon! Isang misyon na magpapamukha kay Markus Alegre sa lahat ng ginagawa niya! Isang misyon na sa tanang buhay niya ay hindi niya inaasahan! Tignan natin ngayon,Markus kung hanggang kailan ka! Hanggang kailan yang pagiging "The Player!" mong gag* ka! .........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD