Chapter 4

2305 Words
Chapter 4 ........... Karl's Point of View : Nagising ako dahil sa malakas na tunog na nagmumula sa labas. Agad akong napatayo dahil sa gulat at napatanong sa aking sarili kong ano yun. "Wake Up,Chickens!!!" Yan ang paulit-ulit na sigaw ng isang lalaki mula sa labas na sinabayan pa niya ng pagtambol ng isang bagay na masakit sa tainga. Unti unting humina ang tunog at sigaw ng lalaki. Napabuntong hininga na lamang ako at napatingin sa orasan na nakakabit sa dingding. Napataas ako ng aking kilay dahil alas kwatro pa lamang ng madaling araw. Napatingin ako sa kabilang kama at nakita ko ang lalaking kasama ko dito sa kwarto. Si Markus. Nakahiga at parang wala lang sa kanya ang ingay kanina. Nakatihaya at kitang kita ko ang hubad niyang katawan. Napailing na lamang ako dahil naaalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Hindi ko nga alam kong anong trip ng lalaking to kagabi. Nagsasayaw ba naman na mala macho dancer sa harap ng salamin pagkatapos niyang maligo? Talagang sinadya pa niyang ipakita o ipanood sa akin yung ginawa niya. Ilang saglit pa ay muling bumalik ang ingay sa labas. "Wake up,Chickens!!!" Napabuntong hininga na lamang ako at nagtungo sa pinto para tignan kung bakit nagsisigaw yung lalaki. Sumilip ako sa pinto at nakita si coach na naglalakad habang sumisigaw na may pinapalong plangganita. May nakita naman akong lumabas sa isang kwarto kaya tinawag ko siya at tinanong kong anong meron. "Yan ang pamamaraan ni coach sa paggising. Sa ikatlong balik niya, dapat ay nakalabas na tayo ng kwarto dahil kung hindi, kawawa ka." Sagot niya sa akin. Dahil sa aking nalaman, agad akong nagtungo sa banyo para maghilamos at makapaghanda na. Natatakot ako sa sinabi ng kateam ko kanina na kung hindi ako lalabas pagkatapos ng ikatlong balik niya ay kawawa ako. Ginising ko na rin ang kasama ko sa kwarto. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagtungo na ako sa banyo para maghilamos. Paglabas ko ng banyo ay paparating na ang tunog na ginagawa ni coach kaya patakbo akong lumabas ng kwarto. Nakita ko pa si Markus na aligagang nagdadamit at agad ding sumunod sa akin. Habang mabilis akong naglalakad ay nakita ko ang aking mga kateam na lumalabas ng tinutuluyan namin. Mabilis din naman akong sumunod sa kanila. Paglabas ko, nakita ko ang aking mga kateam na naghihintay. Mga ilang minuto rin kaming nakatayo sa harap ng aming tinutuluyan nang lumabas si coach habang may hawak na isang kahoy. Nakalabas na rin si Markus kanina pero halata sa kanya na hindi siya nakapaghilamos. Magulo pa ang kanyang buhok pero kahit na ganun ay hindi naman nabawasan ang kanyang kagwapohan. "Nandito na ba ang lahat!?" Sigaw na tanong ni coach sa amin. Sabay sabay naman kaming sumagot at pagkatapos ay sinabi na ni coach ang aming gagawin. "Sa larong Volleyball ay kakailanganin natin ang lakas ng ating katawan, ang ating bilis at liksi. Kaya ngayon ay lahat tayo ay tatakbo paakyat ng bundok na iyon!" Sabi niya sa amin at itinuro ang malapit na bundok. Napalunok ako sa aking nakita. Hindi naman masyado malayo ang bundok pero may kataasan ito. "At kung sino man sa inyo ang mahuhuli sa tuktok, goodluck na lang!" Nakangising paalala ni coach sa amin. Naghanda kaming lahat sa pagtakbo. Wala kaming dala ni kahot na ano. Kahit na tubig sana ay wala dahil biglaan ang pagtawag sa amin ni coach. Nang pumito ng malakas si coach ay mabilis na tumakbo ang aking mga kasama kaya hindi na rin ako nagpahuli pa. Habang tumatakbo ako ay biglang may mabilis na dumaan. Napatingin ako sa taong yun at nakita ko si Markus na matuling tumatakbo. Napataas ako ng aking kilay. Humugot ako ng hangin at bibilisan ko na rin ang pagtakbo. Hindi ako magpapatalo sa lalaking yun at syempre ayaw ko rin namang maparusahan kapag nahuli ako. Mabilis ang pagtakbo naming lahat. Walang may gustong magpatalo. Napansin ko rin si coach na nakasakay sa isang bisekleta. Napailing na lamang ako. Pagdating namin sa baba ng bundok ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at mabilis na umakyat. Nakasilip na ang araw nang makarating kaming lahat sa tuktok ng bundok. May ilan sa aking mga kateam na nakaupo at meron ding mga nakahiga na dahil sa pagod. Si coach naman ay nakangising nakatayo lamang sa aming harapan. "Magaling, dahil maganda ang ipinakita niyo ay wala akong paparusahan sa inyo." Anunsyo ni coach sa amin. "Pero, hindi pa natatapos ang inyong unang ensayo. Ang gagawin niyo naman ngayon ay bumalik sa ating tinutuluyan at sa pagkakataong ito ay mapaparusahan na ang mahuhuli!" Napatayo kaming lahat sa sinabi ni coach. Pambihirang buhay ito! Hindi pa kami masyado nakakapagpahinga ay tatakbo na naman kami!? Yung totoo? Para saan ba ang pagtakbo namin!? Muling pumito si coach ng malakas at pagkatapos ay nagsimula na naman kaming tumakbo pababa sa bundok. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa pagod. Wala pa kaming tubig na maiinum. Nanunuyo na ang aking lalamunan at parang hihimatayin na ako pero kailangan ko itong gawin. Alam kong mahirap ang magiging training namin dahil ayun sa sinabi noon ni coach sa amin ay lilipad ang aming team sa susunod na Unilympics at kami ang magiging champion! Halos sabay sabay kaming dumating sa aming tinutuluyan. Bagsak kaming lahat. Hindi na naming inalintana ang lupang hinihigaan namin basta maibsan lamang ang pagod na aming nararamdaman ngayon. Gusto sana naming pumasok na sa aming mga kwarto pero pinigil kami ni coach dahil may sasabihin pa raw siya. Yung sinabi niyang paparusahan ang mahuhuli ay hindi na namang natupad dahil maganda naman daw ang aming performance. Siguro sinasabi lang yun ni coach para takutin kami. Ewan ko lang "Bago kayo bumalik sa inyong kwarto, nais ko lang sabihin na maghanda handa na kayo dahil magiging madugo ang inyong pag-eensayo. Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na ang mga dating players natin ang graduate na kaya nawalan ang team ng mahahalagang player. Dahil sa training na ito, kikilatisin ko kayo ayun sa inyong kakayahan. Meron na tayong Ace na si Markus pero ang problema ngayon ay ang Libero at setter dahil yung mga dati ay graduate na." Anunsyo ni coach sa amin. Marami pa siyang mga sinabi sa amin pero parang walang pumasok sa aking isip. Ang gusto ko lang ngayon ay makainom ng tubig! "Sige na, magpahinga na muna kayo at maya maya lang ay tatawagin ko na lang kayo para sa agahan." Pagkasabi ni coach iyon ay agad na kaming pumasok sa aming tinutuluyan at nagtungo sa kusina para uninom. Nang maibsan ang uhaw ko ay mag-isa akong naglakad papunta sa aming kwarto. Habang naglalakad ako, bigla akong inakbayan ng isang tao. Napatingin ako dito at nakita ko si Markus na nakangiti. "Tanggalin mo nga yang kamay mo! Napakabigat,eh!" Sabi ko sa kanya pero hindi niya ginawa. "Bakit? Ayaw mo bang akbayan ka ng isang gwapo na kagaya ko?" Nakangisi niyang tanong sa akin. "Pasensya na pero hindi ako interesado sa gwapo lalo na kapag Markus ang pangalan." Ganti kong sagot sa kanya. "Houh! Magkakaila ka pa, siguro ay nag-iinit na katawan mo no? Dahil kasama mo ako?" Pagmamayabang niya sa akin. "Ano bang problema mo at ganyan ang mga sinasabi mo?!" Naiinis kong tanong sa kanya. May ideya na ako sa mga sinasabi niya pero nakakagulat lang naman kung paano niya nalaman. "Alam ko kung ano ka,Karl. Siguro sumali ka sa volleyball team para magpasikat sa akin,no? Para mapalapit ka sa akin dahil may gusto ka sa akin? Aminin mo,Karl tama ako, 'di ba?" Sagot niya sa akin. Napatigil ako sa aking paglalakad. Nagkatitigan kaming dalawa. Ngumisi ako sa kanya at inilapit ang aking mukha sa mukha niya. "Mahangin ka rin ano,Markus? Totoo nga yung sinasabi nilang malaki ang kompyansa mo sa sarili. Para sabihin ko sayo, hindi ako interesado sa gaya mo. Sabihin mo nang tama ang alam mo pero hindi ako gaya ng iba na naghahabol sa gwapo." Sabi ko sa kanya. "Talaga ba? Tignan lang natin kung hindi ka titiklop sa karisma ko,Karl. Wala pang nakakatanggi sa akin at alam kong nagpapapabebe ka lang at ang totoo ay pinagnanasaan mo ako!" Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko na lang pinansin ang mga yun at naglakad na lang ako papunta sa aming kwarto. Nang medyo nakakalayo na ako sa kanya ay bigla niyang tinawag ang aking pangalan kaya napalingon ako sa kanya. "Kung akala mong hindi ko alam na may balak kang masama sa akin, nagkakamali ka,Karl. Kung gusto mong makipaglaro sa akin, tatanggapin ko ang hamon. Maglaro tayo hanggang may sumuko! At sisiguraduhin kong ikaw yun!" Sigaw niya sa akin. Nginitian ko na lamang siya at tumalikod na sa kanya. Pagpasok ko sa kwarto namin ay agad akong nagtungo sa isang kabinet na kung saan nakalagay ang aming mga gamit. Nang makakuha ako ng aking gamit ay umupo na muna ako sa kama para makapagpahinga. Habang nagpapahinga ako ay siya namang pagpasok ng isang lalaki. Napatingin siya sa akin na nakangisi. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay. Ilan saglit pa ay dahan dahan niyang itinaas ang kanyang damit habang nakatingin sa akin. Napalunok naman ako nang makita ko ang kagandahan ng kanyang katawan. Nakita ko na ito kagabi pero iba ang dating nito sa akin ngayon dahil kitang kita ko ang pagdaloy ng pawis niya sa napakagandang hulma ng kanyang katawan. "Ang ganda ng katawan ko,no?" Bigla niyang sambit sa akin. Alam ko yang ginagawa niya. Alam kong parang nilalandi niya ako pero sinisigurado kong hindi yung tatalab. Inilihis ko na lamang ang aking paningin sa ibang direksyon at hindi pinansin ang kanyang sinabi. "Karl..." Pagtawag niya sa akin na para bang naglalambing pero hindi ko siya pinansin. Humiga na lamang ako sa kama para makaiwas sa kung ano man ang ginagawa niya. Ilang saglit pa ay naramdaman kung umuga ang kamang kinahihigahan ko. Napatingin ako sa kabilang side ng kama at nakita ko ang hubad na likod ni Markus. Inilihis ko na ulit ang aking paningin. Gumalaw ulit ang kama at alam kong humiga siya. Hindi ko pinag-aksayahan ng minuto na tignan pa siya. Mga ilang minuto rin siguro ang nakakalipas ng biglang may dumantay sa aking katawan. Napalunok ako dahil sa ginagawa ng kasama ko. Agad akong tumayo sa pagkakahiga para makatakas sa ginagawa niya pero nang tignan ko siya ay nakangisi siyang nakatingin sa akin. Doon ko rin nakita na tanging puring brief na lang ang suot niya! "Dito ka na muna, enjoy muna tayo!" Nakangisi niyang anyaya sa akin na kinasingkit ng aking mga mata. "Ano ba talaga ang problema mo!?" Inis kong tanong sa kanya. "Wala naman. Gusto lang kitang makatabi. Bakit,ayaw mo ba?" Sagot niya sa aking tanong. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, magpakamatay ka na lang. Nanggugulo ka pa eh!" Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yan ay tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang aking mga damit at twalya at nagtungo sa loob ng banyo. Halos kalahating oras din akong naligo. Nagpupunas na ako ng aking katawan nang biglang may kumatok sa pinto ng banyo. "Matagal ka pa ba diyan!?" Sigaw niya mula sa labas ng banyo. Napabunting hininga na lamang ako at binilisan ang aking pagkilos. Nang matuyo na ang aking katawa ay nagsuot na rin ako ng aking damit. Hinawakan ko ang dorrknob ng banyo at nang bahadya kong nabuksan ito ay bigla na lamang may nagtulak dito na nagdahilan para mapaatras ako. Lumaki ang aking mga mata dahil sa aking nakikitan isang lalaking nakangisi, isang lalaking walang damit pang itaas at ang matindi pa ay wala siyang kahit na anong suot sa pang-ibaba! Kitang kita ng aking mga mata ang isang bagay sa pagitan ng kanyang nga paa. Isang bagay na nakaluyloy na para bang isang nakabitin na ahas. Isang bagay na unti unting gumagalaw patayo na nagpalunok sa aking laway. "A-anong.." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking mga balikat. "Nagugustuhan mo ba ang nakikita mo?" Tanong niya sa akin. Kahit na hindi ko nakikita ang kanyang mukha ay alam kong nakangisi siya. "Bakit parang kinakabahan ka? Huwag kang matakot,Karl masaya to!" Dagdag pa niya na kinagulat ko. Itinaas ko ang aking mga kamay at ioinatong ito sa kanyang hubad na dibdib. Inipon ko ang aking lakas at bigla ko siyang itinulak. "Bakit? Ayaw mo ba? Huwag ka ng maarte,Karl alam ko naman na gusto mo ang gagawin ko,eh."  Uminit ang aking dugo dahil sa kanyang sinabi. Para akong naiinsulto dahil hindi porke ganito ako ay yan na ang hanap ko! Pero sige, king yan ang gusto niya pagbibigyan ko siya. Ngumisi ako at unti unti akong lumapit sa kanya. Nakangisi rin siya sa akin at nang makalaoit ako ay dahan dahan kong hinaplos ang kanyang pisngi sa kaliwa. "Alam mo, Markus? Gwapo ka, sikat kang manlalaro, maraming naghahabol sayo." Sabi ko sa kanya na mas kinalako ng pagngisi niya. "Pero hindi porke na sayo na ang lahat at magagawa mo na ang mga nais mo. May panahon din na ikaw din ang makakaranas ng mga pinaparanas mo sa iba. Hintayin mo lang,Markus malapit na!" Huling sambit ko sa kanya. Agad akong lumabas ng banyo at dahil nakadamit na naman ako ay lumanas na rin ako ng kwarto. Matalino rin pala ang Markus na yun. Akala ko sa laro lang siya magaling. Tignan lang natin kung sino ang mananalo sa aming dalawa. Ang laro niya ay iba sa laro ko. Ang pamamaraan niya ay masyado nang gasgas sa mga kwento. Kaya humanda ka,Markus dahil simula na ng pagpaparanas sayo sa ginawa mo sa ate ko. Sa ate ko na noong nalaman mo ang sikreto niya ay bigla mo na lang siyang iniwan at pinandirihan. Mararanasan mo lahat yun,Markus dahil ako, ako si Karl Lyndon na magpapabagsak sa iyo! ....................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD