Chapter 3

2061 Words
"Kumain ka na muna,Xander. Pinagluto pa naman kita ngayon," anyaya ko kay Xander nang makita ko siyang palabas na ng bahay. Tinignan niya lang ako at pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay. Napabuntong hininga na lang ako. Isang linggo na noong umalis sina mommy at daddy dito sa bahay at nagtungong Maldives para doon sulitin ang kanilang pagsasamang dalawa. "Alam mo, Alhea, may napapansin ako sa asawa mo," napatingin ako kay Manang Carina, isa naming kasambahay. "Simula noong umalis sina sir at ma'am ay parang may nagbago sa asawa niyo. Hindi ko lang alam kung ano iyon pero may masama akong kutob," sabi niya sa akin. "Kung ano-ano ang napapansin ninyo, Manang. Wala naman akong ibang napapansin sa kanya," sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa kusina. "Wala ka bang napapansin o ayaw mo lang aminin na may napapansin ka?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami. Napaiwas ako ng tingin kay Manang Carina dahil sa kanyang sinabi. Sa totoo lang ay may napapansin ako kay Xander simula noong umalis sina Mommy at Daddy. May mga pagkakataon na kapag nandito siya sa bahay ay deretso siya sa kwarto at magpapahinga. Inaaya ko siyang kumain pero ayaw niya. Kapag magkatabi kami, hindi siya nagsasalita. Natanong ko ang tungkol iyan sa kanya pero ang palagi niyang sagot ay abala siya sa pagpapatakbo ng aming kompanya. Alam ko naman na may kinakaharap na problema ngayon ang Buenaventura dahil sa pagsulputan ng ilang bagong kumpanya pero may iba akong nararamdaman.  Pinaniwalaan ko ang kanyang sinabi. Hindi na ako nagtanong pa sa kanya pero may pakiramdam din ako na may iba, may ibang dahilan si Xander kung bakit ganoon ang galaw niya. Inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-aalaga ng aking mga halaman dito sa likod ng bahay. Gusto ko rin sanang magtrabaho at tulungan siya sa pagpapatakbo ng aming kompanya pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya sa akin, dito lang ako sa bahay at siya na ang bahala sa lahat. Ang kailangan ko lang gawin ay pagsilbihan siya bilang asawa ko. Nagpumilit ako pero noong tumaas ang boses, nanahimik at pinabayaan ko na lang. Bilang mag-asawa, wala naman akong nakitang problema sa aming dalawa. Pagdating niya dito sa bahay, deretso siya ng kwarto at magpapahinga. Minsan naman ay nakaharap siya sa kanyang laptop at may ginagawang trabaho. Kapag nilalapitan ko siya at sinasabi na itigil niya ang pagtatrabaho kapag nasa bahay siya, palagi niyang sinasabi na kailangan niya itong tapusin at kung ano-ano pang dahilan. Naramdaman ko rin na para bang may nagbago sa kanya. Noong magkarelasyon kami, palagi siyang nakangiti sa akin at palagi siyang may mga sinasabi na nagpapakilig sa akin. Ngayon ay naging seryoso siya sa buhay. Palaging nakatutok ang atensyon niya sa trabaho. Minsanan ko na rin siyang nakikitang ngumiti na pinagtaka ko. Pagdating naman sa kama, huli kaming naglaro noong matapos ang aming kasal at hindi na iyon nasundan pa. Palagi akong nagbibigay ng motibo sa kanya pero hindi siya kumakagat at ang dahilan niya, pagod siya sa trabaho. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya. Ang nakakapagtaka lang, bakit parati siyang tumatanggi? Kasi sa pagkakaalam ko sa mga lalaking asawa, mas agresibo sila sa usapan sa kama. Araw-araw ay ganoon ang nangyayari sa aming dalawa ni Xander. Tinatanong ko siya sa mga bagay-bagay na nangyayari sa kanya sa araw-araw. Maikli lang siyang sumagot,  hindi gaya noon na ikwekwento niya sa akin ang buong detalye na nangyari sa kanya. Kahit na ganoon ang mga napapansin ko, tumahimik lang ako dahil baka pagod lang talaga siya sa trabaho. "Ok na ba ang timpla, manang Carina?" tanong ko kay manang nang matapos akong magluto ng tanghalian. "Ok na, Alhea! Masarap na siya," napangiti ako sa sagot ni manang. "Sige, manang. Maliligo lang ako. Pwede po bang pakihanda na lang ito para kukunin ko na lang mamaya at maihatid ko kay Xander?" "Walang problema, Alhea! Siguradong magugutuhan ni sir Xander ang luto mo," sagot niya sa akin. Nginitian ko siya at pagkatapos ay pumunta ako sa aking kwarto para maghanda. Nang matapos akong makapag-ayos ng aking sarili, humarap ako sa salamin. Sinigurado kong kaaya-aya ang aking itsura dahil pupuntahan ko si Xander sa aming kompanya para maghatid ng pananghalian sa kanya. Napangiti na lang ako dahil sa aking naisip. Gusto kong surpresahin si Xander at sabay kaming kakain ng pananghalian. Siguradong masusurpresa siya sa gagawin ko. "Ang ganda mo talaga,Alhea! Pwede ka nang maging modelo sa itsura mo," sabi ni manang sa akin. "Nangbobola na naman kayo, Manang," nakangiti kong sambit sa kanya.  "Hindi, ah. Kamukha mo kaya iyong artista sa palabas, si miss Shaina Magdayao!" Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni manang. Marami na ring nagsabi sa akin iyan noong nag-aaral pa ako na kamukha ko raw ang artistang iyon na pinatutuhanan ng aking mga kaibigan. "Oo na, Manang. Nasaan na po ang pinahanda ko?" tanong ko sa kanya. "Sandali at kukunin ko, " sabi niya at kinuha niya ang baunan na naglalaman ng aming pananghalian ni Xander. Nang maibigay sa akin ni Manang Carina ang baunan, nagpasalamat ako sa kanya at lumabas ng bahay. Paglabas ko ay nakita ko si manong Nathan na naghihintay sa akin. Nasabihan ko siya kanina na pupuntahan ko si Xander kaya nakapaghanda siya. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Sumakay ako s alikod ng sasakyan at hinintay na umandar. Halos kalahating oras din ang naging byahe namin papunta sa aming kompanya. Bumaba ako sa bungad ng gusali habang si manong Nathan ay ipinarada ang sasakyan sa parking lot. Naglakad ako papasok ng aming kompanya. Binati ako ng guard na nagbabantay sa bungad. Kilala nila ako dito dahil palagi akong dinadala ni daddy noon dito. Nang makapasok ako, nagtinginan ang mga emplayado sa akin at binati nila ako. Ngumiti lang ako sa kanila at naglakad papunta sa office ni Xander. "Good morning, ma'am Alhea! Masaya kaming makita ka dito. Ano po ang sadya niyo?" tanong ng isang department head sa akin. "Wala naman po. Gusto ko lang dalhan ng pananghalian ang asawa ko. Nandoon ba siya sa office niya?" sagot at tanong ko sa kanya. "Opo,ma'am. Nasa office niya po siya," nakangiting sagot niya sa akin. "Sige po, aalis na po ako at susurpresahin ko ang aking asawa," sabi ko sa kanya. "Sige po, ma'am, ingat po kayo," sabi niya sa akin at pagkatapos ay umiling siya na pinagtaka ko.  Habang naglalakad ako, nakita ko ang mga ilang empleyado na nakatingin sa akin. May mga nakangiti at meron din namang nagbubulong-bulungan. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kakaiba, isang pakiramdam na para bang mabigat. Napabuntong hininga na lang ako at binalewala kung ano man ang nararamdaman ko. Nang makarating ako dito sa office ni Xander, hindi ko na nagawa pang kumatok at agad kong binuksan ang pinto. Napalingon siya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Kita ko ang gulat sa kanyang mukha na para bang nakakita siya ng multo.  "Tatawag na lang ako mamaya sa iyo kung naipadala ko na ang kailangan mo. Basta gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo," narinig kong sambit niya sa kausap niya sa kanyang telepono.  Nang maibaba na niya ang kanyang cellphone ay ngumiti siya sa akin. Nilapitan ko siya habang hawak ang baunan na naglalaman ng aming pananghalian. Nilapitan niya rin ako at hinalikan sa aking labi.  "Mukhang masaya ka ngayon, Xander?' tanong ko sa kanya.  "Sino ba naman ang hindi mapapangiti kapag bumisita ang asawa mo sa trabaho, hindi ba, Alhea?" balik niyang tanong sa akin.  "Ano 'yang dala mo? Nakakaamoy ako ng masarap na pagkain, ah!" tanong pa niya.  Iniharap ko ang baunan, "Pinagluto kita ng pananghalian, Xander. Gusto ko sanang sabay tayo kumain kaya pinuntahan kita," nakangiti kong sagot sa kanya.  "Ang sweet naman ng asawa ko. Kaya mahal na mahal kita, Alhea!" sabi niya sa akin na kinakilig ko.  "Syempre naman, Xander. Ito na nga lang ang ginagawa ko para sa iyo kaya dapat pagbutihin ko ang pagiging isang ulirang asawa," sagot ko.  "Kain na tayo? Bigla akong nagutom sa naamoy ko," anyaya niya sa akin.  Nagpunta kami sa mesa dito sa loob ng kanyang office. Inasikaso ko siya at pagkatapos ay sabay kaming kumain.  "Ang sarap nito, Alhea! Ikaw ba talaga ang nagluto nito?" tanong niya na may pagdadalawang-isip.  "Tinulungan ako ni Manang Carina sa paghahanda ng pagkain pero ako ang nagluto," sagot ko sa kanya.  "Kung ganito palagi ang kakainin ko, baka lulubo ang katawan ko at hindi mo na ako magustuhan," sabi niya sa akin na kinangiti ko.  "Alam mo Mr. Alexander Morales, kahit na ano pa ang magiging itsura mo, kahit pa na lumaki ang katawan mo dahil sa taba, kahit pa na mabungal ka pa, mamahalin pa rin kita. Hindi ang pisikal mong katangian ang nagustuhan ko sa iyo kundi kung anong klase kang lalaki," sabi ko sa kanya.  "Dahil sa sinabi mo, Alhea, aagahan ko ang pag-uwi mamaya," sabi niya sa akin na sinabayan pa niya ng pagkindat.  Nahampas ko ang kanyang balikat dahil sa kanyang sinabi. Alam ko ang nakakaloko niyang ngiti at tingin na ganoon.  Pinagpatuloy namin ang aming pagkain. Habang kumakain ay napag-usapan naming dalawa ang mga nangyayari sa aming buhay, kung ano ang kalagayan ng kompanya at kung ano-ano pa.  Nang matapos kaming kumain, agad din akong umuwi dahil may tumawag kanina sa kanya at kailangan niyang umalis para sa isang meeting. Tinanong ko pa siya kung sino iyon at ang sinabi lang niya ay isang importanteng investor.  Nakangiti akong naglakad palabas ng aming kompanya. Nang makauwi ako sa bahay, masaya kong sinabi kay manang Carina na nagustuhan ni Xander ang niluto ko kaya napagdesisyonan kong araw-araw ay dadalhan ko siya ng pananghalian.  Araw-araw ko siyang dinadalhan ng pananghalian at dahil doon ay bumalik ang dati niyang nakagawian sa aming relasyon. Ang mga napansin namin ni manang Carina noon sa kanya ay unti-unti nang nawawala dahil sa mga nakaraang araw, naging sweet siya ulit sa akin, palagi siyang may dalang kumpol na bulaklak kapag uuwi siya.  Tama ang nasa isip ko noon kung bakit naging ganoon ang galaw at pakikitungo sa akin ni Xander sa nakaraang linggo, dahil naging busy siya sa trabaho. Minsan, napag-usapan namin ang tungkol sa napansin namin ni manang Carina sa kanya at humingi siya ng paumanhin at ipinaliwanag niya ang dahilan.  Naintindihan ko naman siya at dahil doon ay nawala ang mga negatibong iniisip ko tungkol sa kanya. Naging maganda ang aming relasyon ni Xander. Minsan ay lumalabas din kami para magkasama na kaming dalawa lang at kung ano-ano pa.  Masaya ako sa kanyang piling. Wala na akong mahihiling pa dahil nakatagpo ako ng isang lalaking perpekto sa aking paningin. Wala akong maipintas sa kanya dahil sinisigurado niyang ginagawa niya ang lahat ng kanyang obligasyon bilang isang mabuting asawa sa akin.  "Ma'am, may tawag po kayo," napatingin ako kay manang Carina nang pumasok siya sa aking kwarto.  "Tawag para sa akin? Sino po sila, manang?" nagtataka kong tanong sa kanya.  "Ang sabi po niya sa akin, ma'am ay taga Philippine embassy raw sila sa Maldives," sagot ni manang Carina sa akin.  Napaisip ako sa sinabi ni manang Carina sa akin. Philippine Embassy sa Maldives? Ano kaya ang kailangan nila sa akin?  "Sige po, manang bababa na po ako," sabi ko na lang sa kanya.  Sinundan ko si manang Carina papunta sa sala kung nasaan ang telepono.  "Hello?" "Magandang araw po, ma'am! Ito po ba si Miss Alhea Morales?" tanong ng isang lalaki sa akin sa kabilang linya.  "Opo, ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, sir? " tanong ko sa lalaking nasa kabilang linya.  "Huwag po kayong mabibigla, ma'am," sabi niya sa akin na kinakaba ko.  "Bakit po? Ano po ba ang nangyayari?" tanong ko sa kanya.  "Si Mr. Florantino Buenaventura at Mrs. Gabriella Buenaventura ay natagpuang patay sa kanilang kwarto." Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa gulat. Nabitawan ko ang hawak kong telepono at nagsimulang bumagsak ang luha mula sa aking mga mata.  Ano at paanong nangyrai iyon?  Agad kong kinuha ulit ang telepono at tinanong ang lalaki.  "Paano? Ano ang kinamatay nila, sir?" nauutal kong tanong sa kanya "Ayon sa imbestigasyon, nalason ang mga magulang mo, ma'am. Suspect ang lahat ng kasambahay at mga kasama nila dahil sa nangyari," sagot niya sa akin.  Nilason? Nilason ang mga magulang ko?  Bakit?  Ano ang dahilan? Sino ang walang kaluluwang may gawa ng krimen na iyon para sa mga magulang ko! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD