Napapikit ako ng aking mga mata habang pinapakinggan ang aming wedding song, Beautiful in White ni Shane Fillan.
"Tara na, anak. Kanina pa naghihintay si Xander sa altar," napatingin ako kay mommy na nasa aking kaliwa.
"Huwag kang kabahan, anak. Pagkatapos nito ay magiging masaya ka na nang lubusan," sabi naman ni daddy na nasa aking kanan.
Ngumiti ako sa kanila. Humugot ako ng malalim na hininga at tumingin sa harapan.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na naglalakad ako kasama ang aking mga magulang papunta sa altar para pakasalan ang lalaking nagpapatibok ng aking puso, nagbibigay ng saya sa aking buhay at bubuo ng aking kwento.
Sa bawat bigkas ng singer sa kantang Beautiful in White ay sinasabayan ko ng hakbang. Nakangiti akong tumitingin sa mga bisitang nakatayo, mga bisita na nakangiti sa akin at halata sa kanilang mukha na masaya sila para sa akin.
Papalapit na kami nang papalapit sa kinatatayuan ni Xander. Nakangiti siyang nakatingin sa amin at pansin ko sa kanyang kumikislap na mga mata dahil sa kasiyahan. Nang tumigil kami sa paglalakad nina mommy at daddy, lumapit si Xander at inilahad ang kanyang kanang kamay. Inabot ko ito na nakangiti at sabay kaming naglakad sa harap ng altar.
Nagsimula ang seremonya. Pinakinggan namin lahat ang naging sermon ng pari at itinatak sa aming isipan at sa aming puso. Nang matapos ang sermon, susunod ang aming palitan ni Xander ng vows.
"Alhea," pagtawag ni Xander sa aking pangalan.
"Alam kong hindi pa gaanong katagal ang ating samahan bilang magkarelasyon. Mula sa tatlong buwan natin na magkasintahan, inalok kita ng kasal dahil naniniwala akong wala sa tagal ng relasyon bilang magkasintahan kung gaano kita kamahal dahil ang importante ay kung gaano nating kamahal ang isa't isa, " sabi sa akin ni Xander.
" Sa siyam na buwan na ating pagsasama bilang mag-fiance, doon ko naramdaman ang kakaibang saya at sinabi ko sa aking sarili, nakita ko na ang babaeng makakasama ko hanggang sa aking pagtanda," nakangiti niyang sambit sa akin.
Hindi ko maiwasan ang hindi kiligin sa sinabi ni Xander sa akin. Oo, palagi niyang sinasabi sa akin na mahal niya ako pero bawat pagsambit niya ng mga katagang iyan ay hindi nawawala ang kilig sa aking katawan.
" Oo, mahigit isang taon pa lang tayong magkarelasyon pero sinisigurado ko sa iyo na hindi ka magsisisi sa akin dahil gagawin ko ang lahat para mapasaya kita, gagawin ko ang lahat para ating dalawa, sa hirap man o sa ginhawa, asahan mong parati akong nasa likod mo, nakasuporta sa iyo at magmamahal ng lubos."
Maikli ang vow sa akin ni Xander pero sapat na ang mga sinabi niya para mapaluha ako.
Pinunas ni Xander ang luha sa aking mga mata gamit ang kanyang hinlalaki at ngumiti. Kinalma ko ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at bumuntong hininga.
"Alexander," pagtawag ko sa pangalan niya.
"Maniwala ka man o sa hindi, noong una kitang makita ay nakuha mo na ang akiing atensyon. Simula noon, hindi ka na mawala sa aking isipan. Naisip ko nga noon na baka ginayuma mo ako kaya ako nagkaganoon," pagbibiro ko.
"Kung ginayuma mo man ako, hindi ako magrereklamo dahil ikaw ang nagbibigay ng kasiyahan sa aking puso, sa aking buhay, Xander. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakangiti, kung bakit ako nakakaramdam ng kakaibang saya at nagbibigay ng kulay sa akin mundo," nakangiti kong sambit sa kanya.
" Gaya ng sinabi mo, gagawin ko rin ang lahat para maging mabuting asawa sa iyo. Susuportahan kita sa lahat ng bagay, hindi kita iiwan kahit na anong mangyari. Lahat na pagsubok na dararing sa atin ay matapang kong haharapin para sa ating dalawa, hindi ako susuko hanggang kaya ko dahil ikaw, ikaw ang dahilan ng kasiyahan sa aking mundo, Xander," pagtatapos ko.
Nagpalakpakan ang mga bisita sa palitan namin ng vows.
" Alhea at Alexander, " pagtawag ng pari sa aming dalawa.
Tumingin kaming dalawa ni Xander sa pari na magkahawak ng kamay.
" Kung ganoon, sa presensya ng Maykapal at ng simbahan, hinihiling ko na kayo ay manatili, "sabi sa amin ng pari.
"Alhea at Alexander. Pumunta ba kayo dito na bukal sa inyong loob para ibigay ninyo ang inyong sarili sa isa't isa?" tanong sa amin ng pari.
"Opo , father!" sagot naming dalawa ni Alexander habang nagkakatitigang dalawa.
"Mamahalin niyo ba ang isa't isa bilang mag-asawa? "
"Gagawin namin, Father."
"Tinatanggap niyo ba ang mga magiging anak niyo na ibibigay ng Diyos at dahil sila dito ayon sa batas ng Diyos at ng simbahan?"
"Opo, Father"
"Dahil ito ay inyong kagustuhan na makasal, maghawak kayo ng kamay at magsumpaan."
Sabi ng pari sa amin at si Alexander ang mauuna. Susundan namin kung ano ang sasabihin ng pari.
"I Alexander taking Alhea, to be my wife, I promise to be true to you, in great times and bad, in sickness and health, I will love you and honor you, all the days of my life!" nakangiting sambit ni Alexander sa akin.
"I Alhea taking Alexander, to be my husband, I promise to be true to you, in great times and bad, in sickness and health, I will love you and honor you, all the days of my life!" nakangiti ko namang sambit kay Xander.
Matapos ang sumpaan ay sumunod na ang pagsusuot ng singsing. Matapos dasalan ng pari ang mga singsing muli na naman kaming magsasalita sa isa pang sumpaan at mauuna si Markus.
"This ring, I give to you as a token of my love and devotion to you. I pledge to you all that I am and all that I will ever be as your husband. With this ring, I gladly marry you and join my life to yours," pagsunod ni Alexander sa sinabi ng pari habang isinusuot niya ang singsing sa aking daliri.
"This ring I give to you as a token of my love and devotion to you. I pledge to you all that I am and all that I will ever be as your wife. With this ring, I gladly marry you and join my life to yours," sumunod naman akong sumupa sa kanya at kasabay din ng pagsuot ko ng singsing sa kamay ni Alexander.
"Alexander, you may now kiss your bride! "
Palakpakan ang lahat nang halikan ako ni Alexander sa kanilang harapan. Napapikit ako. Para akong nasa isang fairytale na kwento na masasabi kong nakamit ko na ang happily ever after ng buhay ko!
Alam kong ito pa lang ang simula ng aming bagong buhay at hinding hindi ako bibitaw sa kahit na anong pagsubok na aming haharapin.
Matapos ang halikan naming dalawa ni Alexander, humarap kami sa mga taong nandito sa loob ng simbahan. Nakangiti kaming dalawa sa kanila at kita namin ang saya nila para sa amin ni Alexander.
Muli kaming nagkatinginan ni Alexander at muling naghalikan sa harap ng mga taong saksi sa aming pagmamahalan.
Matapos ang seremonya, nagtungo kami sa reception ng aming kasal. Napili namin ang isang private resort para ipagdiwang ang napakaimportanteng araw na ito sa aming dalawa ni Alexander.
Nagkaroon ng sayawan, kainina, at marami pang iba.
Matapos ang kasiyahan, umalis kaming dalawa ni Xander at nagtungo sa isang sikat na lugar para sa bagong kasal.
Pagpasok pa lang naming dalawa ni Alexander ay agad niya akong binuhat at hinalikan. Napapikit ako ng aking mga mata. Naramdaman kong naglakad siya at pinahiga niya ako sa kama. Nagkatitigan kaming dalawa ni Alexander. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din ang kanyang ginawa.
Dahan-dahan niya akong hinalikan muli at doon na nagsimula ang isang gabi na puno ng pagmamahalan mula sa aming dalawa. Isang perpektong gabi para sa aming dalawa ni Xander, isang gabi na puno ng pagmamahal at ang gabing ito magsisimula ang lahat bilabg buhay may asawa.
Nang makabalik kaming dalawa ni Alexander dito sa aming bahay, naging maayos ang lahat. Walang naging problema, naging swabe ang aming pagsasama.
"Sa susunod na buwan ay lilipad na kami ng Mommy mo, Alhea. Alam kong kaya na ni Alexander na patakbuhin ang kompanya at alagaan ka ng mabuti," sabi ni Daddy sa akin.
Sinabi na nila sa akin noon na pagkatapos ng kasal namin ni Alexander, magsasama silang dalawa ni mommy na masaya at tahimik. Titira sila sa bahay na ipinatayo nila sa Maldives para mag-enjoy sa nalalabi nilang buhay sa mundo na magkasama.
Sana lang ay ganito rin ang mangyari sa aming dalawa ni Alexander. Alam kong maraming mga pagsubok ang darating sa aming dalawa pero hindi ko hahayaan na masira ito.