Chapter 4

2806 Words
Malamig ang simoy ng hanging dumadampi sa aking balat. Nakapikit ang aking mga mata habang tinatangay ng hangin ang aking buhok. Ang aking mga mata ay patuloy pa rin sa pagluha, ang aking dibdib ay naninikip pa rin dahil sa mga nangyari, dahil sa pagkawala ng aking mga magulang. Para akong nabagsakan ng isang bundok! Para akong binuhusan ng maraming balde ng malamig na tubig at para akong sinaksak ng ilang libong punyal sa aking dibdib! Ganito kasakit1 Ganito kasakit ang mawalan ng magulang!  Hindi ko lubos maisip na kukunin na pala ng Maykapal ang aking mga magulang, ang aking mga magulang na nag-aruga sa akin simula noong maisilang ako sa mundong ito. Ang nagbigay ng buong pusong pagmamahal at pag-aaruga sa akin. Ang aking mga magulang na nagturo ng tama at mali. Hindi talaga natin alam kung kailan tayo kukunin ng Maykapal. Biglaan ang lahat na ito at hindi ako nakapaghanda sa ganitong sitwasyon. Natatandaan ko pa noong nag-aaral pa ako. Kahit na busy sila sa aming kompanya, hindi sila nagkulang sa akin bilang anak nila. Inililiban nila kung ano man mga meeting o kahit na ano tungkol sa kompanya para lang samahan ako sa mga family day sa aking paaralan, para umatend sa akin graduation o kapag nakakatanggap ako ng karangalan. Alam kong hindi ako perpektong anak, may mga pagkukulang ako sa kanila. Ilang beses din nila akong napagalitan pero alam kong para rin naman sa akin ang lahat ng iyon. Pinagalitan nila ako dahil ang gusto nila ay maging maayos ang aking buhay, dahil gusto nilang maging mabuti akong tao at pinagalitan nila ako dahil mahal na mahal nila ako! Ganyan naman ang ating mga magulang, ang gusto nila ay ang ikakabuti ng kanilang mga anak. Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa aking mga magulang na nasa kabaong. Naramdaman ko ang isang kamay mula sa aking balikat. Napatingin ako sa humawak sa akin at nakita ko si Alexander. Naglakad ako papunta sa gilid kung nasaan ang mic. Tumingin ako sa mga bisitang nandirito ngayon na nakikiramay sa pagkawala ng aking mga magulang. Nakatingin silang lahat sa akin at naghihintay sa aking sasabihin. " Itong umaga na ito ay ang huling araw na makikita ko ang aking mga magulang, " panimulang pagsasalita ko. Sa unang pangungusap pa lang, hindi ko na napigilan pa ang aking emosyon. Lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata. " Siguro ay iniisip niyong napakaswerte ko dahil anak ako ng mga magulang ko? May sarili kaming kompanya, hindi naming problema ang pera o mga mamahaling mga kagamitan at napupuntahan ko ang mga lugar na gusto kong puntahan? " tanong ko sa kanila. Alam ko naman na iyan ang iniisip ng karamihan tungkol sa pagkakaroon ng gintong kutsara sa bibig. " Pero alam niyo ba na ang lahat ng iyan ay parang bonus na lang sa akin? " dagdag ko pa. " Masasabi kong swerte ako dahil sila ang mga magulang ko hindi dahil sa yaman o kahit na anong mamahaling mga kagamitan na ibinigay nila sa ajin kundi dahil sa pagbibigay nila ng purong pagmamahal. Ipinaramdam nila sa akin kung gaano kasarap ang buhay, itinuro nila sa akin kung ano ang tama at mali at ang pinakaimportante sa lahat ay ang paghubog nila sa akin bilang isang mabuting tao sa mundong ito, " nakangiti kong sambit sa kanila. " Kilala niyo naman ang aking mga magulang. Marami silang tinutulungan tulad na lang isang ampunan na kung saan buwan-buwan silang nagbibigay ng mga supplies para sa mga bata. Siguro isa sa inyo ang nabigyan ng trabaho para maipagpatuloy ang paglaban sa buhay. Siguro, ilan sa inyo ay nakasama ang aking mga magulang na ngumiti, na natuto sa mga magulang ko tungkol sa mga trabaho o kung ano-ano pa! " " Lahat na naiwan ng mga magulang ko, lahat ng mga gawain nila noong nabubuhay pa sila, ipinapangako kong ipagpapatulpy ko ang lahat ng iyon! " " Hindi ko iiwan ang mga taong nagbigay sa kanila ng tiwala, nagmahal sa kanila dahil alam kong wala kami sa position namin ngayon kung hindi dahil din sa mga taong nakapaligid sa amin, " sabi ko sa kanila. Tumingin ako sa kanilang mga kabaong at pinunas ang luha mula sa aking mga mata. " Dad, Mom, maraming maraming salamat sa lahat ng ibinigay niyo sa akin. Salamat sa pag-aaruga at pagbibigay ng aral na siyang magagamit ko sa aking buhay. Salamat sa lahat ng sakripisyong ginawa niyo at maraming maraming salamat sa pagmamahal na ipinaramdam niyo sa akin. " " Dad, Mom... " Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil nagsimula na akong umiyak. Nahihirapan na akong huminga kaya napahawak ako sa mic na nasa aking harapan. " Asahan niyo na ang lahat ng ala-alang pinagsamahan natin ay mananatili sa aking puso. Hinding hindi ko kayo makakalimutan dahil kayo, kayo ang nagbigay sa akin ng buhay. Kayo ang humawak sa aking kamay para tahakin ang landas na ikakabuti ko, " pautal-utal kong sambit sa aking mga magulang. Naramdaman kong hinaplos ni Alexander ang aking likod. " Magpahinga na kayo, Dad, Mom. Alam kong masaya na kayong dalawa ngayon na magkasama sa paraiso. Alam kong magkahawak kayo ng kamay na nakangiti habang nakaupo. Sana ay bantayan po ninyo kami sa lahat ng oras!" Pagtatapos ko at doon, bumuhos ang emosyon kanina ko pa pinipigilan para lang makapagsalita. Inalalayan ako ni Alexander na makaupo at doon bumuhos pa ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pagkatapos kong magsalita, nagsimula ang pagtugtog ng isang kantang palaging pinapakinggan ng aking mga magulang, Endless Love. Gaya sa kanta, alam kong ipagpapatuloy nina Mommy at daddy ang kanilang pagmamahalan sa kabilang buhay. Nang matapos ang kanta, muli kaming tumayo ni Alexander at lumapit sa kabaong ng aking mga magulang. Sumunod naman ang mga kamag-anak namin at mga taong nakikiramay. Nakitabi sila sa amin ni Alexander. Nang muling tumugtog ang kantang endless love ay sinimulan na nilang ibaba ang mga kabaong ng aking mga magulang. Nag-alay kami ng mga bulaklak habang pababa nang pababa ang kanilang mga kabaong. Mas bumigat pa ang aking pakiramdam habang pinapanood kong unti-unti na silang bumabaon. Hindi naman ako iniwan ni Xander sa aking tabi. Nakahawak siya sa aking baywang habang ang aking ulo ay nakasandal sa kanyang balikat. Matapos ang libing ng aking mga magulang, agad din kaming umuwi. Pagpasok ko sa aking kwarto, humiga ako at doon pinagpatuloy ang aking pagdadalamhati. " Kailangan kong pumunta sa kumpanya, Alhea, " sabi sa akin ni Xander. Hindi ko siya nagawang sagutin. Nakatingin lang ako sa isang litrato namin ng aking mga magulang. " May aayusin lang ako at kapag natapos ko na iyon ay agad akong uuwi, " dagdag pa niya. Hindi ko pinansin si Xander hanggang sa lumabas siya ng aming kwarto. Ioinikit ko ang aking mga mata at niyakap ang litratong hawak ko. Dumaan ang araw at linggo. Nakakulong lang ako dito sa kwarto namin ni Alexander. Nagmumukmok at walang ganang lumabas ng kwarto. Hindi ko rin naaasikaso si Xander sa mga nakaraang araw pero alam kong naiintindihan niya ang aking sitwasyon. Mahirap. Masakit ang mawalan ng mga magulang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sina Mommy at Daddy. Habang nakahiga ako sa kama, napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Pumasok si Manang Carina na may dalang pagkain. Nilapitan niya ako at ipinatong niya ang pagkain sa mesa na nasa tabi ng aking kama. " Mananghalian ka na muna, Alhea," sabi niya sa akin. " Iwanan niyo na lang po diyang, Manang. " Naramdaman kong napabuntong hininga si Manang Carina dahil sa aking sagot. " Iiwanan ko ito? Tapos ano? Hindi ka na naman kakain, Alhea? " mga tanong niya sa akin. " Simula noong mailibing sina ma'am at sir ay pinabayaan mo na ang sarili mo. Hindi ka kumakain ng maayos, hindi ka lumalabas dito sa kwarto niyo. Ano ang balak mo sa sarili mo, Alhea? Ang ikulong at paikutin ang buhay mo dito sa apat na sulok ng kwarto niyo? " dagdag pa niya sa akin. " Hindi ko alam, Manang," maikli kong sagot sa kanya. " Sa tingin mo ba masaya ang mga magulang mo na ganyan ang ginagawa mo, Alhea? " dahil sa tanong niyang iyan, napatingin ako sa kanya. " Ang bawat tao ay hahantong sa kamatayan, Alhea. May mauuna, may mahuhuli. Alam kong masakit ang mawalan ng mahal sa buhay pero hindi iyon dahilan para panghinaan ka ng loob, " sabi pa niya sa akin. " May mga tao na nag-aalala sa iyo, nagmamahal. Isipin mo na lang na ang lahat ng ito ay nangyari dahil may plano ang Maykapal. Isipin mo na lang na ang iyong mga magulang ay nasa maayos ng kalagayan, " dagdag pa niya. " Kaya ipagpatuloy mo ang buhay, Alhea. Gaya nga ng sinabi mo noon sa libing ng mga magulang mo na ipagpapatuloy mo kung ano ang iniwan nila, hindi ba? " Napatingin ako sa litrato namin ng aking mga magulang. Tama si Manang Carina, kailangan kong lakasan ang aking loob para magampanan ko kung ano ang sinabi ko sa aking mga magulang. Kailangan kong tumayo sa aking mga paa para ipagpatuloy ang buhay! Napatingin ako kay Manang Carina. Ngumiti siya sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha at hinaplos ang aking pisngi. " Alam ko na malakas kang babae, Alhea. Alam kong malalampasan mo ang unos na ito. Ang lungkot na iyong nararamdaman dahil sa pagkawala ng mga magulang mo ay gamitin mo para maging mas malakas. Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa lungkot dahil kapag hindi ka makalabas, walang mangyayaring maganda sa buhay mo. " Napabuntong hininga ako dahil sa mga sinabi ni Manang Carina sa akin. Umupo ako sa kama at bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Gumanti naman siya sa aking hakap at hinaplos niya ang aking likod. " Maraming maraming salamat po, Manang. Gagawin ko po ang mga sinabi niyo! " sabi ko sa kanya. " Pero bago iyan, kumain ka na muna. Tignan mo ang sarili mo, pinabayaan mo na ang maganda mong mukha at ang iyong katawan, " sabi niya sa akin. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at nakita ko siyang nakangiti na ginantihan ko naman. Alam kong hindi madaling labanan ang pangungulila ko sa aking mga magulang pero hindi dapat ako tumigil sa buhay. Tama ang lahat ni Manang Carina sa akin kaya kaipangan kong magpakatatag. Marami pang tao sa aking likod at nandito si Xander sa aking tabi. Gagamitin ko sila para bumangon! Matapos akong makakain, lumabas na si Manang Carina. Tumayo naman ako sa aking kama at nagtungo sa banyo para maligo. Pagpasok ko sa banyo, tinignan ko ang aking sarili sa salamin. Kita ko ang pagbabago ng aking katawan, medyo pumayat ako, mugto ang aking mga mata at para bang galing ako sa isang malubhang karamdaman. Napailing na lang ako at nagsimulang tanggalin ang aking mga damit para maligo. Pagkatapos kong maligo, lumabas ako ng aking kwarto at tinawag si Manang Carina na abalang tinitognan ang mga gawain ng aming mga kasambahay dito sa loob ng bahay. Siya kasi ang parang lider ng mga kasambahay dito, siya rin ang kumakausap sa mga ito kung ano ang gagawin, kung saan ang parte nila at kung ano-ano pa. Lumapit siya sa akin na nakangiti dahil nakita niya akong lumabas ng kwarto. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong gawin at sinabi ko naman sa kanya agad ang plano ko. " Gusto kong ipagluto si Xander ng hapunan, Manang. Pwede mo ba akong tulungan? " tanong ko sa kanya. " Gustong gusto, Alhea! Masaya akong makita ka ngayon na nakangiti! " sabi niya sa akin at magkahawak kamay kaming pumunta sa kusina para maghanda sa aming pagluluto. Medyo naging seryoso kami sa pagluluto dahil ang gusto ko, pagdating ni Xander mula sa trabaho ay masasarap ang maihahanda ko sa kanya. Kapag alam kong hindi maganda ang lasa nito,  agad kong pinapalitan ang niluluto namin. " Ano iyang niluluto mo, Manang? " nagtataka kong tanong sa kanya. " Pinakbet, Alhea. Para may gulay naman kayo na kakainin at hindi puro karne na lang, " sagot niya sa akin. " Hindi ko gusto ang amoy, Manang. Parang nakakasuka! " sabi ko sa kanya. " Ha? Hindi ba paborito mo ang pinakbet ko? " nagtatakang tanong ni Manang Carina sa akin. " Gawa na lang po tayo sa salad Manang. Baka ayaw ni Xander iyan dahil sa amoy, " sabi ko na lang sa kanya. Nagtataka ang kanyang mukha dahil sa aking sinabi. Wala din naman siyang nagawa kundi ang itigil ang kanyang niluluto at tinulongan niya ako sa aking mechado. " Ang dami naman yata nating niluluto, Alhea. Baka mapagod ka ng husto niyan, " sabi sa akin ni Manang. Ngintian ko siya, " para sa atin lahat ito, Manang," sabi ko na lang. Naisipan ko kasi na ipagluto lahat ng kasama namin dito sa bahay kaya amrami kaming niluluto.  " Naku, matutuwa ang mga kasama ko nito! " komento niya. " Alam kong mahirap din ang ginagawa niyo dahil kayo ang dahilan kung bakit maayos itong buong bahay, Manang kaya gusto kong bigyan sila ng masarap na hapunan," nakangiti kong sambit kay Manang Carina. Nagpatuloy kami sa pagluluto. Napatingin ako s aorasan nang matapos kaming makapag-luto, 6:43 na pala ng gabi! Hindi ko napansin ang oras dahil sa aming ginawa. " Ayusin niyo na lang po ang pagkain sa may Garden, Manang para kapag dumating si Xander ay kakain kami kaagad. Maliligo lang po ako," sabi at paalam ko sa kanya. " Iyong tama lang po, Manang, Ah. Maghanda na rin kayo ng hapunan ninyo dito para makapaghapunan na kayo, "pahabol ko pa bago ako bumalik sa aking kwarto para maligo ulit dahil pinagpawisan ako sa pagluluto. Lagpas alas-syete ay lumabas na ako ng aking kwarto. Dumeretso ako sa Garden kung nasaan ang aming hapunan ni Xander. Umupo ako at napangiti na lang ako nang ginawa nilang parang romantic dinner ito. " Ok na ba ang lahat, Alhea? " nakangiting tanong sa akin ni Manang Carina. " Ok na ok na po, Manang. Mauna na po kayong kumain at baka nagugutom na kayo. Hihintayin ko na lang si Xander, Manang," utos ko sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin dito sa garden at mabango dahil s amga bulaklak na nakapalibot dito. Hinintay ko si Xander na makarating. Parati akong nakatingin sa aking relo at halos isang oras na akong nahmghihintay sa kanya. Pabalik-balik din si Manang Carina para sabihan akong kumain na pero sinabi kong hihintayin ko si Xander. Baka madami lang siyang trabaho kaya nag-overtime siya. Tinawagan ko na rin siya pero hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Nagugutom na ako pero gusto kong sabay kaming dalawa ni Xander na kumain. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa naging dalawang oras na! Alas dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Dahil gabi na rin, pinaipasok ko na lang ang mga pagkain at inilagay sa lamesa. Nagtungo ako sa sala para hintayin si Xander. " Kumain ka na, Alhea. Baka maraming ginagawa si Xander," sabi sa akin ni Manang Carina. " Hihintayin ko pa po muna si Xander, Manang. Baka pauwi na iyon," sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga siya at tinabihan na lang niya ako sa pagkakaupos dito sa sala. " Matulog na po kayo. Kaya ko naman pagsilbihan si Xander, Manang," utos ko sa kanya. " Samahan na lang kita, Alhea para hindi ka mabagot, "nakangiti niyang sambit sa akin. Ilang oras pa ang lumipas bago ako makarinig ng tunog ng sasakyan. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo at nagtungo s apintoan ng aming bahay. Ilang saglit pa, pumasok si Xander na may bitbit na isang briefcase. Nagulat pa siya nang makita niya ako kaya nginitian ko siya. Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. " Kamusta ang trabaho?" tanong ko sa kanya sabay kuha ng kanyang briefcase. Hindi siya sumagot sa akin at tinitigan niya lang ako ng seryoso. " Kumain ka na ba? Nagluto ako para sa hapunan natin. Tara, kain tayo?" tanong ko pa sa kanya. " Tapos na akong kumain. Kailangan ko nang magpahinga," sagot niya lang sa akin at mabilis na naglakad paakyat na pinagtaka ko. Napatingin ako kay Manang Carina dahil sa nagingsagot ni Xander sa akin. ' Baka pagod lang talaga siya,' sabi ko sa aking sarili. " Ipaghahanda na ba kita, Alhea? " tanong ni manang sa akin. Tumango na lang ako sa kanya dahil sa totoo lang ay gutom na gutom na ako. Habang kumakain ako, hindi ko maiwasan ang maisip ang naging reaksyon ni Xander kanina. Para bang may mali? Nakaramdam ako ng lamig kanina dahil sa mga titig niya at sa pagsasalita niya. Napailing ako. ' Pagod lang siya! ' Paulit-ulit kong sinabi sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD