Chapter 5

1847 Words
Matapos akong kumain, agad akong pumasok sa aming kwarto ni Xander. Pagpasok ko, naghahanda na siya para matulog.  Napatingin siya sa akin at nginitian ko siya. Nilapitan ko siya para sana yakapin pero agad siyang gumalaw papunta sa aming kama. Umupo siya dito at nakatingin lang sa kanyang harapan.  " May problema ba, Xander? " nagtataka kong tanong sa kanya.  Tumingin siya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam kung anong klaseng tingin ang ipinupukol niya sa akin pero parang may kakaiba akong nararamdaman, parang may mali!  Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa kanya. Tumabi ako sa kanyang pagkakaupo at hinawakan ang kanyang braso. Hindi naman siya gumalaw at ibinaling niya ang tingin niya sa ibang direksyon.  " Kamusta na ang imbestigasyon sa pagkamatay nina Mommy at Daddy? " tanong ko na lang kay Xander.  Bago maiuwi ang mga labi ng aking mga magulang dito sa bansa, sinabihan ko si Xander na kumuha ng mga magagaling na imbestigador para mapadali ang paghahanap namin ng katarungan sa pagkamatay ng aking mga magulang.  Ang mga kasama ng aking mga magulang sa Maldives ay lahat sila ay suspect. Hindi ko na alam ang naging lakad ng imbestigasyon dahil sa pagdadalamhati ko sa pagkawala ng aking mga magulang.  " Ayon sa mga kinuha kong mga imbestigador, nahuli na ang nanlason sa mga magulang mo, " sagot niya sa akin na kinagulat ko.  Napatayo ako dahil sa kanyang sinabi. Humarap ako sa kanya kaya napaangat siya ng kanyang ulo. Tumingin siya sa akin at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha na nakatingin sa akin.  " Talaga? Sino ang may gawa ng krimen na iyon! " tanong ko sa kanya.  Napabuntong hininga siya, " Ang nagbabantay na nurse sa mga magulang mo. Ayon sa imbestigasyon,  ang ibinibigay niyang mga supplements o mga vitamins sa kanila ay lason pala na siyang unti-unting pagbagsak ng kanilang katawan hanggang sa hindi na makayanan ng mga magulang mo, " sagot niya sa akin.  " Bakit? Bakit daw niya iyon nagawa? " tanong ko pa sa kanya.  " Hindi niya sinagot ang tanong na iyan. Ginisa rin ng mga inbestigador ang nurse at tinanong kung mayroon bang nag-utos sa kanya at kung ano pang mga impormasyon na kailangan nilang malaman pero wala silang nakuha kahit isang sagot, " sagot ni Xander sa akin.  Dahil sa mga sinabi niya, napagtanto ko na mayroong isa o mga taong gustong patayin ang aking mga magulang. Pero sino? Wala naman akong alam na kaaway ng aking mga magulang. Mababait naman sila sa mga taong nakapaligid sa kanila kaya bakit? Bakit nila ginawa ang bagay na iyon?  " Wala ka na bang nalaman na iba pang impormasyon? " tanong ko pa.  Agad siyang napatingin sa akin at ang kanyang malamig na mata kanina ay biglang nanlisik. Hindi ko alam pero medyo nakaramdam ako ng takot dahil ngayon ko lang nakita si Xander na tumingin sa akin ng ganyan.  " Matutulog na ako. Maaga pa ako papasok bukas dahil may mga naiwan pa akong mga trabaho na hindi natapos, " sagot niya sa akin.  Agad siyang humiga sa aming kama at tumalikod sa akin. Napailing na lang ako. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtungo ako sa aming banyo para maghanda na rin sa pagtulog.  Kinabukasan, maaga akong nagising para ipaghanda ng agahan si Xander. Alas singko pa lang ng umaga ay bumababa na ako papunta sa kusina para magluto.  Habang nagluluto ako, dumating si Manang Carina at tinulungan niya ako sa paghahanda ng agahan. Mag-alas syete ng umaga nang bumaba si Xander mula sa aming kwarto.  Agad ko siyang tinawag para mag-agahan pero nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Hindi man lang niya ako nilingon o tinignan man lang.  Napatingin ako kay Manang Carina. Nagkibit balikat na lang siya.  Siguro ay marami lang siyang gagawin sa kumpanya kaya wala na siyang oras na kumain.  " Maghahatid na lang ako sa kanya ng pananghaliaan, Manang. Baka kakain na lang siya doon sa opisina niya ng agahan, " nakangiti kong sambit kay Manang Carina.  Kumain na lang ako ng agahan kasama si Manang Carina at ang aming mga kasamabahay. Nang matapos kaming kumain, nagtungo ako sa aking kwarto.  Napatingin ako sa isang pintoan na matagal ko ng hindi napapasok. Napangiti na lang ako at naglakad papunta sa isa pang pinto ng aming kwarto ni Xander.  Pagbukas ko ng pinto, kinapa ko ang switch ng ilaw para lumiwanag sa buong kwarto. Nang nagkaroon ng ilaw, doon ko nakita ang mga pinagkakabalahan ko kapag wala akong ginagawa.  Nilapitan ko ang mga ito at isa-isa ko silang tinignan. Napatigil ako nang matapat ako sa isang gawa ko kung saan nakaukit ang mukha ng aking mga magulang.  Napangiti ako nang makita ko ang aking inukit gamit ang charcoal. Ito ang libangan ko kapag wala akong ginagawa. Ang gusto ko sanang kunin noong kolehiyo ako ay fine arts pero dahil nag-iisa lang akong anak ay sinunod ko ang payo ng aking mga magulang na kumuha ng business course.  Hindi naman nila ako pinilit noon. Sa kataunayan nga ay sinabihan nila akong sundin ko ang aking gusto pero sa huli, business course pa rin ang kinuha ko dahil inisip ko noon na nag-iisa lang akong anak at kung sakali, ako ang magmamana sa pinaghirapan ng aking mga magulang.  Napabuntong hininga ako. Inikot ko ang aking paningin at nakita ko ang aking mga gamit sa pagguhit. Nilapitan ko ito at kinuha ang charcol na huli kong ginamit. May mga nakahanda namang mga toned paper dito na wala pang ukit kaya kumuha ako ng isa at nagsimulang gumuhit.  Hindi ko na namalayan ang oras dahil nawiwili akong gumuhit. Ilang buwan na rin akong hindi nakaguhit dahil sa mga nangyari kaya ngayon, napapangiti ako habang ginuguhit ko ang mukha ng aking asawa, ang mukha ni Xander. Nasa ganoong pagguhit ako nang may kumatok dito sa pribado kong kwarto. Alam kong si Manang Carina ang kumakatok dahil siya lang naman ang pinayagan kong tumawag sa akin kapag nandito ako sa loob maliban kay Xander. Tumayo ako sa pagkakaupo at pinunasan ang aking mga kamay. Pagkatapos ay lumapit ako sa pinto para pagbuksan si Manang Carina. Pagbukas ko, nakita ko siyang nakangiti. " Mukhang may maganda kang ginagawa sa loob,Alhea? " " Ginuguhit ko si Xander,Manang," nakangiti kong sambit sa kanya. " Masaya akong makita kang gumuguhit ulit,Alhea. " sabi sa akin ni Manang Carina. " Wala naman akong magawa dito, Manang kaya aabalihin ko na lang sarili ko sa pagguhit," sabi ko sa kanya. " Tapos mo na ba? Hindi ba ipagluluto mo si Xander ng pananghalian? " mga tanong niya sa akin at doon naalala ko na dadalhan ko pala si Xander ng pananghalian. Napatingin ako sa aking relo. Alas dyes na pala! " Manang, patulong po sa pagluluto! " sabi ko sa kanya. " Walang problema, Alhea, " nakangiti niyang sagot sa akin. Sabay kaming lumabas ng aming kwarto at nagtungo sa kusina para magluto. Si Manang ang tagahiwa at taga-prepare ng mga ingredients at mga gagamitin ko habang ako ay nagsimula nang magluto. Pinagluto ko si Xander ng mechado, isa sa kanyang paboritong pagkain. Alam kong magugustuhan niya ito kaya pinagbutihan ko ang pagluluto. Nang matapos kaming makapagluto, pinahanda ko kay Manang Carina ang baon at ako ay muling pumunta sa aming kwarto para maligo at makapaghanda. Nang makarating ako dito sa main building ng aming kumpanya, deretso ako sa office ni Xander. Nakangiti akong naglalakad. Binabati ako ng mga empleyado na sinasagot ko na lang ng pagngiti. Pagdating ko dito sa harap ng kanyang opisina,  kumatok ako ng tatlong beses. Walang sumagot kaya binuksan ko na lang ang pinto. Pagbukas ko, nakita ko si Xander na nakatayo. Nakatingin siya sa akin habang may kausap sa kanyang telepono. Nang makita niya ako, nginitian ko siya at ipinakita ang baunan na naglalaman ng aming pananghalian. Nilapitan ko siya at tumayo sa kanyang harapan. " Hintayin mo ako diyan, pupunta na ako, " sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya. Ibinaba niya ang kanyang cellphone at inayos niya ang mga papel na nasa lamesa niya. " Mananghalian na muna tayo,Xander, " anyaya ko sa kanya. Parang wala siyang narinig na sinabi ko. Patuloy niyang inayos ang mga papel at inilagay ito sa kanyang briefcase. Nang maayos na niya ito ay hinarap niya ako. " May mahalaga akong kakausapin. Kailangan ko nang umalis, " sabi niya lang sa akin at nagmamadaling lumabas ng kanyang opisina. Hindi ako nakapagsalita nang makalabas siya. Naiwan akong mag-isa dito sa loob. Napatingin ako sa baunan na dala ko. Bakit pakiramdam ko ay may kakaiba sa kinikilos ni Xander? Bakit parang umiiwas siya sa akin? Napailing na lang ako at napabuntong hininga. Lumabas na rin ako ng kanyang opisina at umuwi. Pag-uwi ko, nagulat si Manang Carina kung bakit hindi nagalaw ang niluto namin. Sinabi ko na lang sa kanya na umalis si Xander. Nagtanong pa siya kung nasaan siya pero wala akong nasagot. Simula noong araw na iyon, napansin ko ang pagbabago sa pakikitungo sa akin ni Xander. Napansin din Manang Carina ang tungkol doon at sinabihan pa niya ako na parang may mali. Alam kong may mali talaga kaya sinubukan kong kausapin si Xander tungkol aa bagay na iyon. Noong kinausap ko siya, wala akong nakuhang sagot dahil umiwas siya. Doon na ako nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Ayaw ko mang isipin ang tungkol doon,  hindi ko pa ring maiwasan. Kinuha ko ang aking cellphone at hinanap ang numero ng isang taong mapagkakatiwalaan. Agad naman niya itong sinagot. " David, " pagtawag ko sa kanya. " Ma'am Alhea? Napatawag ka, ma'am? " tanong niya sa akin. Si David, isa sa pinagkakatiwalaan ng aming pamilya pagdating sa pag-iimbistiga. Siya rin ang isa sa kinuha ni Xander para mag-imbestiga sa pagkakamatay ng aking mga magulang. " May ipapagawa sana ako sa inyo, " sabi ko sa kanya. " Kahit na ano, ma'am Alhea. Ano ba iyon? " tanong niya. " Pwede bang sundan niyo si Xander kung ano ang pinaggaggawa niya sa araw-araw? Kung saan siya pumupunta o ano ang pinagkakabalahan niya? " sabi ko sa kanya. " Bakit hindi mo na lang tanungin si Xander, ma'am? " " Natanong ko na siya pero wala akong nakukuhang sagot mula sa kanya. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa pakikitungo niya sa akin ngayon, " sabi ko sa kanya. " Meron ka bang alam, David? " tanong ko pa. " Wala, ma'am! " nauutal niyang sagot niya sa akin. " Alam kong may alam ka David dahil ikaw lang ang pinagkakatiwalaan namin na imbestigador. May mga nasabi ba siya? May mga nalaman? " mga tanong ko sa kanya. " Ayaw kong maglihim sa inyo, ma'am. Alam niyo naman na ang mga magulang mo ang tumulong sa akin para makapag-aral at makapunta ako kung nasaan ako ngayon, " sabi niya. " Hindi ko alam kung ito ang dahilan ng sinasabi niyong pakikitungo ni Xander sa inyo, ma'am, " dagdag pa niya. " Ano iyon? Tungkol ba saan? " agad kong tanong sa kanya. " Tungkol ito sa inyong mga magulang, tungkol sa pagkamatay ng ama ni Xander! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD