LYKA’S POV Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya. Kakaiba talaga itong lalaking ‘to. Mas naunang pang maningil kaysa ibigay ang uutangin ko. Pero mukhang mauuwi sa totoo ang pagbibiro ko sa kanya. Kapag palagi siyang ganito ay hindi talaga malabo na bibigay ako sa charm niya. “Mr. Griffin, matulog kana. Inaantok na ako,” sabi ko sa kanya. “Ayaw mo ba akong katabi?” Nakanguso na tanong niya sa akin. Ang gwapo niya tapos nagpapacute pa. Sarap niyang pugpugin ng halik. Hoy Lyka! Tumigil ka nga sa kaharutan mo. Saway ko sa sarili ko dahil kung anu-ano na naman ang sinasabi at naiisip ko. Baka mabaliw na ako nito dahil kinakausap ko na sarili ko. Pero grabe naman kasi talaga ang lalaking ‘to. “Babe,” tawag niya sa akin. “Ohhh?” Gusto kong tampalin ang bibig ko dahil bigla na lang patan