LYKA'S POV Pinanindigan nga ni Brixon ang pagiging masungit niya. Buong araw ba naman akong binubulyawan. Kung wala lang kami sa trabaho ay talagang papatulan ko siya. Pero naalala ko na ako rin naman pala ang nag-utos sa kanya. Pero nasobrahan naman siya. Ang OA na ng dating niya sa akin. Hindi na natural dahil halatang pinipilit na lang niya magalit sa akin. “What do you want for dinner, babe?” Tanong niya sa akin pagkapasok namin sa kotse niya. Kaming dalawa ang pinakahuling umuwi. Nag-early close rin ang restaurant. “Wala,” suplada na sagot ko sa kanya. “Galit ka ba sa akin, babe? May nagawa ba akong mali?” sunod-sunod na tanong niya sa akin. “Tinatanong mo pa talaga ako,” naiinis na sagot ko sa kanya. “Bakit ka ba galit sa akin?” tanong pa niya ulit. Huminga ako ng malalim bago