BRIXON’S POV “May bago ka na pa lang girlfriend?” tanong sa akin ng kapatid ko. “Yeah,” mabilis na sagot ko sa kanya. Habang may malawak na ngiti sa labi. “Seryoso ka naman ba sa kanya? Binabahay mo na kasi.” “Sobra, bro.” nakangiti na sagot ko sa kanya. “That’s good kasi ang buong akala namin ay forever ka na lang maglalaro. At wala ka ng balak mag-asawa.” “Tigilan mo ako, kambal tayo kaya iisa lang ang style natin.” natatawa na sabi ko sa kanya. “Sige na, alis na ako. Mukhang hinihintay ka na ng asawa mo.” pabiro pa na sabi niya sa akin. “Oo, isturbo ka kasi.” pabiro na sabi ko. Sa totoo lang sa aming tatlo ay si Blaze talaga ang pinaka-seryoso sa lahat. Madalas tahimik at hindi marunong magbiro. “Hindi kita iisturbuhin kung sinasagot mo lang mga tawag namin. Inaasahan nila gran