Chapter 11

1440 Words
LYKA’S POV “Stop teasing me kung gusto mo pa na makalakad bukas.” Bulong niya sa tainga ko. "Chef, inaantok na ako." Biglang sabi ko sa kanya. “You can’t do this to me, babe.” pabulong na sabi niya sa akin. “Sorry, Chef..” inaantok na sagot ko sa kanya. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng antok. At hinayaan ko na lang si Chef na nakayakap sa akin. Bahala na siya kung ano gusto niyang gawin. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil tinangay na ako ng antok. ***** Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng alarm clock ko. Mabilis na hinanap ng mga mata ko si Lucio. Bumangon ako dahil wala siya sa tabi ko at napatingin ako sa sarili ko dahil may suot na akong damit ngayon. Mabilis akong lumabas sa silid ko para hanapin ang anak ko. Paglabas ko ay bumungad sa akin si Chef na karga si Lucio. Kaagad akong lumapit sa kanila. Akmang kukunin ko sa kanya si Lucio pero pinigilan niya ako. “Ako na ang magbabantay sa kanya. Maligo kana dahil sabay tayong papasok sa trabaho.” Seryoso na sabi niya sa akin. “Bakit hindi ka na lang mauna? Bakit kailangan na sabay pa?” Wala sa sariling tanong ko sa kanya. “Tsk! Bakit mo rin ako tinulugan?” Parang bata na tanong niya sa akin. “E inaantok na talaga ako,” nakanguso na sagot ko sa kanya. “Humanda ka talaga sa akin,” mahinang sabi niya pero narinig ko pa rin naman. “Hmmf, bahala kana nga diyan. Makaligo na nga,” sabi ko rin sa kanya at nagmartsa ako papunta sa loob ng banyo namin. Sa totoo lang ay nilunok ko na lang talaga ang hiya ko. Habang kaharap ko siya kanina ay hinihiling ko na lang na mabiyak ang sahig at kainin ako. Tama nga siya dahil bigla na lang akong natulog. Eh ano naman ang magagawa ko dahil bigla na lang akong inantok. Naligo na ako dahil mala-late na ako trabaho ko. Mahirap pa naman itong lalaking ito. Iba siya kapag nasa trabaho. Parang ako na lang palagi ang nakikita niya. Palagi na lang galit. Napahinga na lang ako ng malalim bago ako lumabas sa banyo. Nakapulupot lang kasi sa katawan ko ang tuwalya. Nakasanayan ko na kasi na hindi magdala ng damit dahil baka mahulog o mabasa sa loob ng banyo namin. At isa pa mga kapatid ko lang naman ang kasama ko dito sa bahay. Pero iba na ngayon dahil kasama ko ang boss ko. Bakit naman kasi nakalimutan mong magdala kanina ng damit? Tanong ko sa sarili ko. Wala na akong time para mag-inarte dahil nakita naman na niya lahat ng ito. Paglabas ko ay halos lumuwa ang mga mata ko dahil nasa kusina namin siya at nagluluto. At talagang topless pa siya. Ibinabalandra niya talaga ang maganda niyang katawan. "Loving the view, babe?" Biglang tanong niya sa akin. Tumikhim na lang ako at hindi na sumagot sa kanya. Pero narinig ko ang mahina niyang tawa. Mabilis akong pumasok sa silid ko para magbihis. Pero nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil biglang may yumakap sa akin mula sa likuran. Kahit hindi ako lumingon ay alam ko na si Chef ang nasa likuran ko ngayon. “B–Brixon,” nauutal na bigkas ko sa pangalan niya. “Yes, babe.” Bulong niya sa tainga ko. “L–Labas ka muna. Magbibihis lang ako,” utos ko sa kanya. “Gusto man kitang singilin ngayon pero mamaya na lang.” Sabi niya sa akin at biglang pinanggigilan ang leeg ko. “Ohhh,” hindi ko napigilan ang sarili ko. Sh*t talaga! Biglang uminit ang pakiramdam ko sa ginawa niya. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya tinarayan ko siya. Pero ngumiti lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi bago lumabas sa silid ko. Sinampal ko naman ang sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko. Masisisi ba ako kung kasing gwapo niya ang humaharot sa akin. Talaga namang bibigay ako dahil nakakapanghina ang kagwapuhan niya. Literal na makalaglag panty talaga. Pero dahil nga babaero siya kaya hindi rin dapat ako nagpapaniwala sa mga sinasabi niya. Naku Lyka sa una lang ‘yan magaling kapag nagsawa na ‘yan sa ‘yo ay maghahanap rin ‘yan ng iba. He likes you kasi gusto ka lang niyang pagsawaan. Bulong sa akin ng kontrabida kong utak. Kung sabagay ay may point naman siya pero ano nga ba ang magagawa ko. Eh traydor itong katawan ko na malandi. Kaysa mabaliw sa kakausap sa sarili ko ay lumabas na ako para silipin kong umalis na ba siya. Pero sadyang wala talaga yata siyang balak na umalis. Seryoso yata siya sa sinasabi niya isasabay niya ako. “Kain na tayo, babe.” nakangiti na yaya niya sa akin. Hindi na ako nagsalita at umupo na ako. Kinuha ko sa kapatid ko si Lucio para makakain ito ng maayos. Pinadede ko naman ang anak ko. Deadma lang ako kahit na alam ko na nakatingin sa akin si Chef. Ngayon pa ba ako dapat mahiya eh naisubi na rin niya ito. “Ang sarap niyo po magluto, Sir Chef.” Masaya na sabi ng kapatid ko. “Talaga? Puwede na ba akong mag-asawa?” biglang tanong niya sa kapatid ko. “Oo naman po, Sir Chef.” sagot naman ng kapatid ko. “Call me Kuya Brix,” nakangiti pa na sabi niya sa kapatid ko. “Ang swerte po ng magiging asawa niyo, Kuya Brix.” “Bakit naman?” Malawak ang ngiti na tanong nito sa kapatid ko. “Kasi gwapo po kayo at masarap magluto. Sigurado ako na hindi magugutom ang magiging asawa niyo.” Bigla namang tumawa si Chef. Sa aming apat ay ako lang ang hindi tumawa. Sinaway ko na ang kapatid ko na ‘wag kulitin si Chef. “Tama na ‘yan, Yen. Kumain na kayo,” seryoso na sabi ko sa kanila. “Okay po, ate. Sorry po.” Sabay na sagot sa akin ng dalawa kong kapatid. Naging tahimik rin si Chef. Alam ko na tama naman ang sinabi ng mga kapatid ko na swerte ang magiging misis niya kung sakaling magkakaasawa na ito. At ako magiging kabilang lang ako sa mga babaeng naikama niya. Masakit man pero ‘yun ang totoo. Sa aming lahat ay ako ang unang natapos kumain. Inasikaso ko muna ang anak ko bago ako nagpaalam na papasok na ako sa trabaho. Naglalakad ako palabas ng eskinita namin at nakasunod lang sa akin si Chef. Dahil sa taglay niyang kakisigan ay nakuha niya ang atensyon ng mga tao dito sa amin. Kitang-kita ko sa mga mata nila ang paghanga. Kaya yumuko na lang ako. Dahil sigurado ako na magiging laman akong balita dito sa amin. Bago pa lang kami dito pero alam ko na may tataas ang kilay dahil ang isang katulad ko na single mom ay may kasamang gwapong lalaki na may mamahaling sasakyan. “Chef, hindi na po ako sasabay sa ‘yo.” Sabi ko sa kanya. “And why?” Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin. “Magje-jeep na lang po ako.” sagot ko sa kanya. “At sa tingin mo papayagan kita?” Seryoso na sabi niya sa akin. “Pero Chef, nakakahiya po.” saad ko sa kanya. Naging tahimik ito kaya tumingala ako pero nanlaki ang mga mata ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan. Pilit ko siyang tinutulak pero hindi niya ako hinayaan. Gumalaw ang labi niya pero nanatili ako at hindi ko tinugon ang halik niya. Bumitaw siya at mabilis akong hinila papasok sa loob ng kotse niya. Nakakaramdam ako ng inis sa kanya. Lalo na ngayon nakikita ko ang mga sesmosa kong kapitbahay na nagbubulungan. At alam ko na ako talaga ang pinag-uusap nila. “Lumayo ka nga sa akin!” may inis na bulyaw ko sa kanya. “Babe, relax. Aayusin ko lang ang seatbelt mo. You know naman safety first,” sabi niya sa akin sabay kindat. “Tigilan mo ako sa safety first mo. E hindi ka nga gumamit ng c*ndom!” naiinis na sabi ko sa kanya. Hindi ito nagsalita at tumawa lang ng tumawa. Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya. “Ouch, Babe! Ganyan ka ba maglambing, nanakit?” Nakangisi na tanong niya sa akin. “Arghh.. Magreresign na talaga ako!” Sigaw ko sa kanya. “Kung makakaalis ka pa sa buhay ko.” Feeling gwapo na sabi niya sa akin habang may malawak na ngiti sa labi. “Bwisit ka!” sigaw ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD