(Alisson) Nakasandal ako sa tiles na dingding. Naka- long sitting ako sa ilalim ng shower. Hinayaan ko ang aking sarili na mabasa sa tubig na nagmula dito. Kasabay ng paglagaslas ng tubig mula dito ay ang sunod- sunod na pagtulo ng aking luha. Sobra akong nasaktan at nandiri narin sa aking sarili. Nagpagamit ako sa aking asawa habang ibang babae ang nasa kanyang isip. Parang isang puta ang naging tingin ko sa aking sarili. Parang nababoy ang aking p********e. Paulit- ulit kong sinabunan ang aking sarili sa pag- asa na mabura ang dumi na iniwan ni Ethan sa aking katawan. Hanggang sa tuluyan akong napahagulhol dahil kahit malinisan man ang aking katawan, hindi naman mabubura ang katotohanan na dinungisan ng aking asawa ang aking dangal. Ginamit lang ako ni Ethan. Ginawa nya akong parausa