(Alisson) Ilang araw ko nang iniiwasan si Ethan, habang mas nagiging close naman kami ni Reymark sa isat- isa sa mga lumilipas na araw. Alam ko naman na may gusto si Reymark sa akin, katunayan nga dyan ay ang madalas nyang pagpaparamdam na parang gusto nya akong ligawan. Pero, sa ngayon, wala pa talaga sa plano ko ang makipagrelasyon. Hindi pa ako tuluyan naka- move on mula kay Ethan at hanggang ngayon, sariwa pa ang sugat na nilikha ni Ethan sa aking puso. Ayaw kong gawin panakip- butas si Reymark. Makaka- move on ako kay Ethan na walang masasaktan. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung kailan plano ko nang kumawala kay Ethan saka naman sya sunod na sunod sa akin na parang binabantayan lahat ng galaw ko. Naglalakad ako ngayon palabas sa school gate. Absent kasi ang dalawang huling p