(Alisson) They say "When you carry a life and it's there, and then gone, a part of your soul dies forever." Yong ang nangyari sa akin ngayon. Hindi na kompleto ang buhay ko. Sa tingin ko may kulang, may nawala na hindi na maibabalik. Someday, I'll move on but never forget, sapagkat kailanman hindi malilimutan ng isang ina ang anak na nawala sa kanya. Dalawang buwan na ang nakakalipas, at hanggang ngayon, umiiyak parin ako pag naalala ang nawala sa akin. Nanghihinayang ako, karamihan sa plano ko ay bahagi dun ang baby ko, pero sa isang iglap, kailangan kong baguhin ang lahat. Marami akong gustong gawin kasama ang baby ko. Bahagi na sya ng aking pangarap. Pero parang bula at naglaho lang ang lahat. At wala akong ibang sinisisi kundi ang aking sarili. Hindi ko sya naalagaan mabuti.