Kabanata 16

1618 Words

Maagang nagising si Selena dahil may klase siya ng maaga. Pero sa totoo lang ay wala siyang ganang kumilos. Natamad siya biglang mag- aral. At simula ito nang mamalagi na si Abigail sa bahay ni Xian. Talagang selos na selos si Selena kay Abigail. Pinagmasdan ni Selena ang kaniyang sarili sa salamat. Pasimple siyang ngumiti at saka pinagmasdan ang kaniyang katawan. Maganda ka, Selena. Magandang- maganda. May ibubuga ka sa Abigail na iyon. Maaagaw mo si Xian sa babaeng 'yon. Magtiwala ka sa sarili mo. Bumuntong hininga si Selena. At pagkatapos ay malanding ngumiti habang nakatingin sa salamin. "Humanda ka sa akin, daddy X. Haharot na rin ako kagaya ng panghaharot mo kay Abigail. Masyado kang malandi. Kauuwi lang ng babaeng 'yon dito sa Pinas, kayo na agad. Humanda ka talaga sa akin..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD