KINABUKASAN ay tanghali na nang magising si Selena. Wala naman siyang pasok kaya ayos lang na tanghaliin siya. Napasarap kasi ang kaniyang tulog sa malambot na kama at malamig na aircon. Mayroon din namang aircon sa kama niya at malambot din naman ito pero iba ang pakiramdam niya sa bago niyang kuwarto.
Kinusot kusot ni Selena ang mata niya at saka bumangon ng may ngiti sa labi. Iniligpit niya ang pinaghigaan niya at saka lumabas ng kaniyang kuwarto. Pagkababa niya ng hagdan ay naabutan niyang kumakain si Xian. Tila nag-init ang kaniyang pisngi at lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib. Naalala niya kasi bigla ang nakita niya kagabi.
Ang mahaba at matabang alaga ni Xian.
Napalunok ng laway si Selena habang naglalakad palapit sa kusina kung nasaan si Xian. Nang mapansin siya nito, agad siyang nginitian ni Xian.
"Good morning, Selena. Mag- breakfast ka na. Nauna na akong mag-almusal sa iyo dahil may lakad pa kasi ako ngayong umaga," nakangiting sambit ni Xian sa kaniya.
Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Selena. Hindi niya kasi magawang titigan sa mata si Xian dahil sa nakita niya kagabi. Napansin naman ni Xian na tila hindi komportable si Selena. Kaya naman kinausap niya ito.
"Ayos ka lang ba, Selena? Bakit parang hindi ka komportable?" tanong ni Xian sa dalaga habang nakatingin sa mukha nito.
Nanlaki naman ang mata ni Selena at hindi alam ang kaniyang sasabihin.
"P-Po? Ayos lang po ako...ah...siguro naninibago lang po ako." Agad na nag-iwas ng tingin si Selena matapos niyang sabihin iyon.
"Ah okay...hayaan mo. Masasanay ka rin. Hangga't hindi pa bumabalik ang Daddy mo, puwedeng puwede ka lang na manatili dito. Napakalaki ng bahay kong ito kaya naman marami kang puwedeng gawin. Para na rin hindi ka ma- boring. Basta, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin, okay?" malambing na sabi ni Xian sabay ngiti.
Nag-angat ng tingin si Selena at pilit na gawing kaswal ang kaniyang galaw. Upang hindi mahalata ni Xian ang pagkailang niya.
"Ahm...kailan po ba babalik si Daddy?"
Tumikhim si Xian sabay kamot sa kaniyang ulo. "Ah....eh...hindi ko rin alam. Wala siyang binanggit sa akin. Kagaya nga ng sinabi ko sa iyo, ayaw niyang magsabi sa akin. Kaya wala akong alam. Pero pinangako naman niya na babalik siya kaagad. Siguro busy lang siya at maraming ginagawa."
Tumango tango naman si Selena. "Ah okay po. Kasi hindi ko siya makontak sa kahit anong social media accounts niya. Pati sa tawag, hindi niya sinasagot. Sa text ko naman, hindi siya nagre- reply."
"Siguro masyado lang busy ang Daddy mo. Iyon bang sa sobrang busy niya ay hindi na niya mahawakan ang phone niya. Naranasan ko rin iyon no'ng marami akong ginagawa. At sa tingin ko, ganoon lang din ang Daddy mo," pagpapalusot ni Xian.
Hindi na lang umimik si Selena. Iniisip niya pa rin kung nasaan na ba ang Daddy niya. Nakaramdam siya ng matinding kaba. Ngayon lang siya iniwan ng dati niya ng matagal. Kalimitan ay oras lang ito umaalis at babalik na rin. At ang mas ipinagtataka niya pa, bakit kailangan pa siyang ipabantay sa ibang tao.
"Hi, Selena!" tawag ni Nike na siyang matagal ng kaibigan ni Selena.
Guwapo, mestizo at matipuno ang katawan ni Nike. At matagal na itong may gusto kay Selena pero hindi niya ito pinapansin.
"Oh bakit?" tanong ni Selena sa kaniya.
"Bakit hindi kita nakita sa bahay ninyo kahapon? Nakasara lang ito. Umuwi ka ba sa inyo? Bakit parang walang tao doon?" sabi ni Nike sa kaniya.
Bumuntong hininga si Selena. "Hindi na muna ako magpupunta sa bahay naming iyon. Doon muna ako pansamantalang nakatira sa bahay ni Kuya Xian. Siya ang inutusan ni Daddy na magbantay at mangalaga muna sa akin. Umalis kasi si Daddy at hindi ko alam kung saan pumunta."
Nanlaki ang mata ni Nike. "Ano? Bakit doon ka naman niya iniwan? Eh lalaki 'yon! Tapos wala pang asawa! Baka may gawing masama sa iyo 'yon, Selena. Umalis ka na sa bahay na iyon."
Tumaas ang kilay ni Selena. "Hoy! Umayos ka nga sa pananalita mo. Huwag kang ganiyan. Hindi ganoong klaseng tao si Kuya Xian. Matagal na silang magkaibigan ni Daddy. Almost ten years na at ni minsan kapag pinababantayan ako noon ni Daddy sa kaniya, wala siyang ginawang masama sa akin! At saka ang tanda tanda na ni Kuya Xian. Hindi siya katulad ng iniisip mo. Mabuting tao siya."
Tinikom naman ni Nike ang kaniyang bibig sabay kamot sa kaniyang ulo. Inirapan naman siya ni Selena.
"Sige na. Pupunta na ako sa klase ko. Bye," sambit ni Selena sabay lakad paalis.
NANG MATAPOS ANG klase ni Selena, ang driver ni Xian ang sumundo sa kaniya sa eskuwelahan. Pagkapasok ni Selena sa bahay ni Xian, sinalubong siya ng kasambahay para kumain na.
"Ma'am Selena...may naluto na po akong pagkain. Kumain na po kayo," sabi ng kasambahay ni Xian.
Ngumiti si Selena. "Salamat po. Sige po ako na ang bahalang mag-asikaso ng pagkain ko. Magbibihis lang po ako."
Kaagad na nagtungo si Selena sa kaniyang kuwarto at saka nagbihis. Mabilis lang din siyang natapos sa pagkain. Ilang sandali pa ay dumating na si Xian. Napansin ni Selena na para bang hindi maganda ang lagay ng binata.
"Kuya Xian? Ayos ka lang po ba? Bakit ganiyan ang itsura ninyo?" tanong ni Selena sabay lapit sa binata.
Pilit na ngumiti si Xian. "Ayos lang naman ako. Medyo masakit lang ang ulo ko. Pero huwag mo na akong intindihin. Kumain ka lang diyan ng marami," mabagal na sambit nito at saka nagtungo na sa kaniyang kuwarto.
Sinundan na lamang siya ng tingin ni Selena. Hindi tuloy maiwasang mag-alala ni Selena para kay Xian dahil ibang iba ang itsura nito. Para bang hinang hina. Namumula ang mukha nito pati ilong.
Nang matapos maghugas si Selena ng kaniyang pinagkainan ay nagtungo na siya sa kaniya ng kuwarto. Nanunod siya ng movie sa kaniyang cellphone. Sa kaniyang panunuod, hindi niya namalayan ang oras. Gabi na pala kaya naman lumabas na siya ng kaniyang kuwarto.
"Ate...kumain na po ba si Kuya Xian?" tanong niya sa isang kasambahay.
Umiling ang kasambahay. "Hindi pa nga po. At sa tingin ko, may sakit si Sir. Kapag may sakit kasi si Sir...hindi po siya kumakain. Ayaw naman niyang magpaasikaso sa amin. Dati kasi, iyong yumao niyang girlfriend ang nag-aalaga sa kaniya sa tuwing may sakit siya. At ngayong wala na ito, wala ng nag-aalaga sa kaniya at ayaw naman din niyang magpaalaga sa iba."
Napatango na lamang si Selena. Naghanap siya ng bimpo pamunas at maliit na palanggana. Nilagyan niya ito ng tubig para punasan si Xian. Marahan siyang kumatok sa kuwarto ng binata. Hindi naman ito naka- lock kaya nakapasok siya sa loob. Nakita niyang mahimbing na natutuloy ito. Hinawakan niya ito sa noo.
"Hala...ang init!" bulaslas ni Selena kaya agad siyang kumilos.
Pinunasan niya ng basang bimpo ang mukha ni Xian. Nilagyan niya rin ng basang bimpo ito sa noo. Nagising si Xian dahil doon. Nginitian siya ni Selena.
"Kuya...sobrang init mo po. Eh nag-alala po ako sa inyo kaya pumasok na ako dito at pinunasan kayo. Para hindi na tumagal pa ang sakit ninyo," malambing na sambit ni Selena.
"Maraming salamat, Selena. Pero hindi mo na dapat pa ito ginawa. Nag-abala ka pa. Nakakahiya naman," malumanay na sabi ni Xian.
"Ayos lang po. Wala naman akong ginagawa. Siya nga pala, ikukuha ko kayo ng pagkain. Kailangan niyong kumain para may lakas kayo. May sabaw naman po iyong ulam natin. Sandali lang kuya, ha?" sambit ni Selena at saka nagmamadaling lumbas ng kuwarto ni Xian.
Napangiti na lang si Xian. Bigla niya tuloy naalala ang yumao niyang nobya. Ito kasi ang nag-aalaga sa kaniya noon kapag may sakit siya.
Mabilis na nakabalik si Selena sa kaniyang kuwarto dala ang pagkain niya. Sinubuan siya nito kaya nakakain siya ng maayos at saka nabusog.
"Maraming salamat, Selena," sambit ni Xian sabay ngiti.
Nginitian din siya ni Selena. "Walang ano man, Kuya. Pagaling ka po, ha? Kapag may kailangan ka, message mo lang ako para mapuntahan kita dito."
"Oo sige. Salamat ulit."
Agad na lumabas si Selena ng kuwarto ni Xian. Napangiti na lamang siya. Ewan niya ba pero tila biglang mas gumuwapo sa kaniyang paningin si Xian.