Kabanata 43

1516 Words

Sinigurado ni Selena na wala ng dugo pa sa braso ni Nike. Nilinis niya ito gamit ang bulak at saka betadine na dala niya. Tumingin siya kay Nike na pinagmamasdan ang mahabang daplis ng patalim sa braso ni Nike. Hindi tuloy maiwasang makaramdam ng awa ni Selena para kay Nike. Na sa kabila ng pagtataboy niya sa binata ay mabuti pa rin ito sa kaniya. "Nike...gusto ko lang sanang magpasalamat sa iyo. Sa pagtulong mo sa akin kanina. Medyo ang tanga ko rin sa part na hindi ko napansing may lalaki na pa lang nakasunod sa akin. Syempre, school ito eh. Hindi ko naman aakalain na may maglalakas ng loob na gawin ang bagay na iyon. Sa totoo nga lang ay nahihiya ako sa iyo dahil kahit na pinagtatabuyan kita, iniiwasan at pinalalandakan na hindi kita gusto, mabait ka pa rin sa akin. Maraming salamat, N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD