Kabanata 11

1442 Words

"Selena..." masayang sabi ni Nike nang makita niya si Selena. "Hello, Nike. Bakit?" tanong nito sa kaniya. Malawak na ngumiti si Nike. "Wala naman. Gusto lang kitang makita. Parang lalo ka yatang gumaganda ngayon?" Ngumisi naman si Selena. "Ganoon talaga siguro kapag inspired," sambit niya sabay hagikhik. Inspired ako kay Daddy X! Ang guwapo niya talaga at ang yummy pa! Higit sa lahat ay may malaking kargada! Sana lang talaga ay magtuloy- tuloy na ang pasimpleng landian namin! "Inspired ka naman saan? Kanino?" naguguluhang sabi ni Nike. "Inspired ako sa sarili ko. Kasi pakiramdam ko eh nagiging masipag na ako mag- aral. Iyon lang naman. Eh ikaw ba?" sabi ni Selena sabay titig kay Nike. Malawak na ngumiti si Nike. "Inspired ako sa iyo. Makita lang kita.. buo na kaagad ang araw ko."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD