DALAWANG araw na hindi nakapasok si Noah dahil nilagnat siya. Nangyari iyon kinabukasan nang gabing binangungot siya. Pagkagising niya uli noon ay nanginginig na ang kaniyang katawan at sobrang taas na ng lagnat niya. Mabuti na lang, Sabado kinabukasan at day off pa niya. Kapag Linggo naman ay wala talaga silang pasok. Muntik na nga siyang isugod sa ospital. Mabuti na lang at maraming halamang gamot si Lola Sabel na bigay ng kaibigan nitong albularyo. Katulad nang sinabi ng kaniyang pamilya, inisip na lang din ni Noah na baka sobrang sama ng kaniyang panaginip kaya nilagnat siya. Bago pumasok sa trabaho nang araw na iyon ay naisipan niya na dumaan muna sa MnM pizza. Miss na miss na niya si Michelle. Sa ilang araw na wala silang komunikasyon ay ito ang laman ng isip niya. Kung bakit kas