#4

2522 Words
4 "Ang papa, mama?" Tanong niya sa kanyang mama ng makadulog siya sa hapag na inaayos nito ang kanilang pagkakainan. "Nanpunta siya ng Nexus, hijo. Halika na. Kumain ka na muna." "Hindi po ba natin siya hihintayin?" "Nauna na siyang kumain kanina bago umalis, hijo. Saka halos kakaalis lamang niya dahil sinundon siya ng delta ng kaharian kaya tayo na lang muna ang magsasalo." Sagot ng kanyang mama na may ngiti sa mga labi at hindi maitatago ang kasiyahang nakadalaw na din siya after five years na hindi siya nakauwi dito sa kanila. Humila siya ng upuan saka naupo. Pinagsilbihan siya ng kanyang mama kahit na may dama sila. "Kaya ko na, mama." Pagpigil na niya sa kanyang mama na halos hindi na ito makakain dahil pinagsisilbihan siya. "Namiss lang talaga kita, hijo. Ang tagal mo kasing hindi pumarito sa atin." "Sinabi ko naman sainyo na naging abala ako sa hospital sa Val Verde, mama." "Hayaan mo na lang ako, hijo. Masaya akong pagsilbihan ang unico hijo ko." "And I told you, mama. Stop treating me like a kid." Muli ay pagpuna niya sa trato ng kanyang magulang. Isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw niyang umuwi sa kanila dahil na rin sa itinuturing parin siyang parang pitong taong gulang. And he hate it pero hindi naman niya maipakita dito ang pagkadisgusto dahil ayaw niyang malungkot ang mga ito. Minsan naisip niya na mas maganda din talaga ang may kapatid para hindi lamang siya ang pagtuunan ng pansin ang mga ito. "Kumain ka ng marami, hijo. Pumayat ka pa ngayon kumpara nung huli ka naming nakita. Kumakain ka pa ba sa lagay na iyan?" "Ma, hindi naman ako lumiliban sa pagkain, sadyang hindi lang talaga ako tumataba. Saka wala namang nagbago sa katawan ko dahi pareho parin ang timbang ko mula ng huli niyo akong nakita." "Ah, basta. Kumain ka ng kumain ng magkalaman naman ang katawan mo. Baka madaanan ka ng malakas na hangin ay liparin ka na." "Ma naman. Sobra naman kayo. Hindi naman ako, payat." Nakalabi niyang reklamo sa sinabi pa ng kanyang mama pero tinawanan lamang nito ang reaksyon niya. "Hala, kung hindi ka payat. Kumain ka ng kumain." "Mama naman eh." Napalabi siya pero hindi na din naman niya nahindian ang kanyang mama sa pagsisilbi sa kanya. At magana nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing naihanda. "Ihahatid ba nila ang papa pauwi dito sa bahay, mama?" Tanong niya makalipas ang ilang oras nilang panunuod sa maluwang na sala ng mansyon at nanunuod ng mga palabas sa TV. "Ang sabi ng papa mo ay tatawag siya kung maihahatid pa ba siya o magpapasundo na lang sa driver natin." "Ilang oras na din ang lumipas, hindi pa ba siya tapos sa pagtingin sa Duke?" "Alam mo naman na kapag nandoon na ang papa mo ay matatagalan ito dahil sa pakikipagkwetuhan pa ito sa mga kakilala sa kaharian." "Pero alam naman niya na nandito ako. Mas gugustuhin pa niyang makapigkwentuhan sa mga amigo niya?" "Huwag ka ng magtampo, hijo. Kung gusto mo naman ay pwede mong sunduin na lang doon ang papa mo kung nababagot ka dito sa mansyon. Gusto mo ba?" "Hmmm." "Pero mas maganda kung dito ka na lang. Magpahinga ka na muna at bukas na kayo mag bonding ng papa mo." "Yes, ma. Saka pagod pa ako hanggang ngayon. Ngayon lang ako nagmaneho ng ganun katagal." "Sino ba kasing nagsabing magmaneho ka. Sumakay ka na lang sana ng eroplano, hijo." "Yeah. Next time mama." Sagot na lang niya dito. Nasa kasarapan sila ng kwentuhan ng kanyang mama sa kaganapan sa kanyang buhay ng makarinig sila ng magkakasunod na sasakyang tumigil sa harapan ng mansyon nila. "Sino ang mga dumating, Sofia?" Tanong ng kanyang mama na tumayo na din para dumungaw ng bintana. "Ang duke Damon po, Señora." Sagot ng kanilang dama. "Kasama po ang Señor." Dagdag pa nito. "Huh! Bakit kasama ng papa ang Duke, mama?" Tanong niya pero pareho naman silang walang maisagot doon. "Halika, hijo. Salubungin natin sila." Sabi ng kanyang mama kaya tumayo na din siya sa kanyang kinauupuan at sumama sa kanyang mama para salubungin nga sa tarangkahan ng kanilang mansyon ang kanyang papa at ang hindi inaasahang bisita. Pero hindi pa man sila nakakalapit doon ay natigilan siya dahil sa pheromones na nalanghap niya. "Are you okay, hijo?" Tanong pa ng kanyang mama ng tumigil siya sa paghakbang. "Yes, mama. I'm fine." Sagot niya na binalewala ang nalanghap na pheromones galing sa labas at muling nagpatuloy sa paglapit hanggang sa buksan na iyon ng delta. Isa sa guard ng kanilang mansyon. Pagbukas pa lang ng malaking tarangkahan ng kanilang mansyon ay ang taong hindi niya inaasahang makita ang kasama ng kanyang papa. Napatitig siya dito. Nagtama ang mga paningin nila. "Amore." Narinig pa niyang salubong ng kanyang papa pero wala na doon ang atensyon niya dahil natuon na sa kasama ng nitong dumating. "What a pleasant visit, your Grace." Pagbati ng kanyang mama dito bago siya hinawakan sa kamay nito at binulungan na bigyang pagbati sa kanilang bisita. ○○○ EARLIER: Naipilig niya ang kanyang ulo ng malanghap niya ang pheromones ng lalaking Omega pero hindi iyon ganun kalakas. Parang dumikit lamang ito sa katawan ng kung sino? Kunot ang nuo niyang napatingin sa malaking pintuan ng kanyang silid na iniluwa doon si Dr. Velasquez. Hindi niya inabala ang sariling bumangon sa longue chair nakinahihigaan niya at hinintay na makalapit ito sa kanya. "Greetings, your grace." Magalang na pagbati ng doctor. Isa itong Alpha and a strong one but who cares? "Is that your pheromones, Dr. Velasquez?" Tanong niya dito na tila ikinagulat sa naging tanong niyo. Huminga pa ito ng malalim para lamang amuyin kung anong pheromones ang sinasabi niya. "No, your grace. And I have no intention of releasing my pheromones. And I don't dare, your grace." Magalang na sagot nito. Napatitig siya dito. Siya naman ngayon ang muling humugot ng hangin para muling langhapin ang pheromones ng lalaking Omega. Napapikit pa siya dahil malakas sa pang amoy niya na nanggagaling sa doctor ang pheromones ng Omegang inangkin niya kagabi. "Let me see your injury, your grace." Kuway sabi nito kaya nagmulat siya ng mata at napatitig dito na umabot ng halos isang minuto pero wala na siyang sinabi. Ilang sandali pa ay kumilos siya para dumapa sa kinahihigaan niya. Dahil wala siyang suot na pang itaas na damit ay kitang kita na ng doctor ang natamo niyang sugat sa likod. Bihasang kumilos naman ang doctor na maayos na inilapag ang mga gamit sa lamesang hinila ng beta nito palapit sa kanila. Inilabas ng doctor ang mga gamit nito saka nito inusisa ang sugat niya na pasimula ng naghihilom. "May I asked who treated your wound, your grace?" Tanong ng doctor sa kanya habang patuloy sa pag usisa sa sugat niya. "Someone I want to know who he is." Sagot niya dito. "An male omega helped me in the forest. He was the one who removed the stone from my back last night." "Excelent, your grace. He has the ability." Sabi ng doctor na itinigil na ang pagtingin sa sugat niya. "Wala akong nakikitang mali sa naging pagtahi sa likod niyo, your grace. Kung sino man ang gumamot sa inyo ay mahusay ang ginawa niya." Mahaba nitong wika na inayos na ang mga gamit. May isinulat na din itong mga gamot na pwede niyang inumin para doon pero hindi na niya iyon kailangan. "Do you have a son?" Kuway tanong niya. "Kanina pa ako nababahala, Dr. Velasquez. By any chance.. pheromones ng anak niyo ang naamoy ko mula sa inyo?" Tanong niya dito na umalis na sa pagkakadapa. Umayos ng upo at tinitigan ang doctor. "I have, your grace. In fact my son just arrived this afternoon." Sagot naman nito sa kanya na ikinangiti niya. May hinala na siyang ang lalaking Omega na nakilala niya kagabi ay ang anak nito. "Really? Is he also a doctor? an Omega?" Magkasunod na tanong niya kahit hindi naman niya ugaling magtatanong. Gusto lang niyang makasigurado na ang lalaking Omega na tumakbo matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan nila. "Yes, your grace." "Then, I know who helped me last night. I want to meet your son, Doctor Velasquez." Sabi niya dito na sinabayan ng pagtayo. "Huh! Come again, your grace?" "I want to meet your son, Dr. Velasquez. Let's go. I will accompany you home to meet your son." Sabi niya dito na hindi na pinansin ang doctor na tila nais pang magtanong kung bakit at anong dahilan niya sa biglaang desisyong gustong makita ang anak nitong Omega. Agad naman na lumapit sa kanya ang kanyang beta dala ang damit na isusuot niya. Ilang minuto lang ang ginugol niya sa pagbibihis hanggang sa sabay sabay na silang lumabas ng palasyo niya at lulan ng magarang sasakyan para ihatid ang doctor at makilala ang anak nitong posebleng ito ang omegang naangkin niya kagabi. Isang ngiti ang napaskil sa mga labi niya ng pumarada na ang sinakyan nila sa harapan ng mansyon ng doctor dahil agad niyang namataan ang Van ng lalaking Omega kagabi. Hindi siya nagkamali sa hinala. Hindi nabigo ang pagsama niya sa doctor at sa tagal ng biyahe na umabot ng halos isang oras. "Ang pagkakataon nga naman." Bulong niya ng bumaba na siya kasunod ni Dr. Velasquez. Hindi pa man siya tuluyang nakakababa ay naamoy na niya ang mahalimuyak na pheromones ng lalaking omega. "Come, your grace. Kagalakan ang pagbisita niyo sa aming munting tahanan." Sabi pa nito. Napatango na lang siya. Tumayo ng tuwid at pasunod na humakbang dito papasok sa tarangkahan ng kanilang mansyon. Sa pagbukas pa lang ng malaking tarangkahan ay ang lalaking Omega agad ang nakatawag ng pansin niya. Nagtama ang mga mata nila ng omega. "What a pleasant visit, your grace." Ang asawa ni Dr. Velasquez pero hindi na niya iyon halos pinansin. Pagtaas na lang ng kamay niya ang naging tugon dahil sa anak nila siya nakatingin. Dahil kahit ito ay hindi nagsalita kahit na binulungan ito at sinabihang batiin siya. "Tuloy kayo, your grace." Pagbibigay daan ng Dra. Velasquez na hinila pa nito ang anak. Walang sino man sa kanila ang nagpatalo sa titig. Saka lang sila napakurap at napatingin kay Dr. Velasquez na tumikhim. "He is my son, your Grace. Lian, hijo, this is Alpha Damon Marques, Duke of Nexus." Pakilala ng Doctor sa kanila. Humakbang siyang palapit dito. Nagbigay daan naman ang mama nito na umalis sa harapan ng anak. "Small world, Dr. Lian Velasquez." Sabi niya dito na may ngisi sa mga labi. "And thank you for helping me last night." Sabi niya dito na ikinagulat ng mag asawang doktor. "Ang anak ko ang tumulong sa inyo kagabi, your grace?" Hindi makapaniwalang tanong pa ng papa nito. "Yes, Dr. Velasquez. And he treated me very well. Like what you said, your son has excellent work." "Lian." Ang mama nito na nagpalipat lipat pa ng tingin sa kanilang dalawa. "I helped him last night." Sabi nito na binawi na ang tingin sa kanya. "He need a hand, so I helped him." "Yes, and in return for his help is..." "Let's get inside, ma, pa." Napangiti siya ng mapansing umiwas ito sa usapin tungkol sa nangyari sa kanila. Wala naman siyang balak sabihin iyon sa harapan ng mga magulang nito. Gusto lang niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito kung magbabanggit siya sa namagitan sa kanilang dalawa. At hindi siya nabigo dahil agad itong umiwas. "Pagpasensyahan mo na ang anak ko, your grace." Ang papa nito na humingi ng tawad sa biglang pag iwan nito sa kanila at nauna na ngang pumasok sa loob ng mansyon nila "Oo nga naman, your grace. Tumuloy na muna kayo." Ang mama na nag alok ng pumasok ng mansyon nila. "Thanks, Dra. Velasquez." Tipid niyang tugon dito na nauna ng naglakad papasok habang may ngiti at lihim na ngisi sa mga labi. "Take a seat, your grace." Tumango siya. Iginala ang paningin sa sala dahi hindi niya nakita ang anak ng mga ito. "And where is your son?" Tanong niya na hindi nagustuhan ang hindi pagharap sa kanya ng lalaking omega. "Sorry for that, your grace. I will call him right away." Sabi ni Dra. Velasquez na agad nagpaalam para tawagin ang anak nito. "Your grace, ipagpaumanhin ang asal ng anak ko. Hindi naman siya ganyan baka pahod lamang sa mahaba niyang biyahe galing ng Val Verde." "Val Verde? Does that mean your son doesn't live here?" Kunot ang nuo niya sa narinig na pangalan ng bansa. "No, your grace. My son lives independently on his own and a permanent resident of Val Verde." "Out of so many countries, why did he choose to live there?" Mahinang saad niya. "Come again, your grace?" "Nothing, Dr. Velasquez. I'm just curious." Sabi niya dito. "Your son is a dominant omega." "Yes, your grace. Kay may tiwala kami na kaya niyang protektahan ang sarili niya kahit na omega lamang siya." "Yeah! His pheromones can protect him. No wonder." Sabi niya dito na napalingon pa ng muli niyang maamoy ang pheromones ng anak nito na palapit na sa kanila. Seryusong ang tingin nito ng muling magtama ang kanilang mata. "Anong kailangan mo sa akin?" Pabalang na tanong nito sa kanya ng tuluyang makalapit. "Lian." "Hijo." Halos sabay pang pagpuna ng mga magulang nito ang naging tuno ng salita nito. Ngumisi siya. Tumayo at lumapit pa dito. Napatingala ito sa kanya ng halos isang dangkal na lang ang layo niya dito. Siya naman ay napayuko dahil hanggang lagpas balikat lamang niya ito. "I like your son, Dr. Velasquez." Kuway sabi niya na hindi inalis ang tingin niya dito. Ikinagulat naman iyon ng mga magulang nito dahil sa sinabi niya "Your grace." Halos sabay na naman ang mga magulang niya. "Can't I like your son, Dr. Velasquez. He got my interest. And we already...." "I don't like you, Duke Marques." Bitin nito sa pagsasabi na naman sana ng namagitan sa kanilang dalawa. "But I like you. Doesn't that count?" Sabi niya dito na hindi pinansin ang matalim na tinging ipinukol nito. "And we are compati..." "Okay, that counted. But that doesn't mean I have to like you. You are not my type." Seryuso nitong pagtanggi sa kanya na mas ikinangisi niya. "Your grace, sorry for interrupting but can we talk properly about what you really want? I mean, this was so sudden." "Yes, ofcourse, Dr. Velasquez. But I think your son will be able to explain everything I want to convey and he will decide to come with me in my palace." Puno ng kasiguraduhan ang boses niyang sabi sa papa nito. "Am I right, pumpkin." Pabulong na sabi pa niya dito ng mas yukuin at itapat ang labi sa tainga nito. "Think about it, if you don't like me to tell what exactly happened last night." He added followed by licking his ear. Tahimik na siyang bumalik sa kinauupuan na hindi inalis ang tingin sa lalaking omega na ngayon ay nagpapaliwanag sa kanyang mga magulang. At ngiting tagumpay ang napasikil sa mga labi niya ng marinig ang huli nitong sinabi na sasama nga ito sa kanya sa pagbabik niya ng kanyang palasyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD