EPISODE 7

1065 Words
Hindi maka tulog si andrea sa kakaisip sa sinabi sa kanya nang kanyang manager. Na pina cancel nang producer at director ang pag perma sana niya nang contrata para sa next modeling. Dahil sa nangyaring g**o nila ni joy monti mayor, ay marami nang umaayaw sa kanyang mga producer at director. Sirang sira na ang kanyang pangalan dahil lang sa g**o, nang kanyang kina kasangkutan na wala siyang kasalanan. Pinag hirapan pa niyang bouin ang kanyang pangalan at tumatak sa larangan nang industriya. Pero isang iglap lang ay nawala na ang lahat. Napatigil si Andrea sa kakaisip at napatingin sa kanyang cp. Na ngunot ang kanyang noo nang makita niya ang numero na tumatawag sa kanya dahil hindi niya ito kilala. "hello?" sagot niya dito. Sinagot parin niya ang tawag nito kahit hindi niya ito kilala. "miss Andrea, gusto ko lang malaman mo na nandito si joy monti mayor sa bar at alam mo bang para siyang nag pa party dahil sinagot niya lahat nang mga inumin dito" bungad nito sa kabilang linya. Agad nag panting ang mga tainga ni Andrea nang marinig ang balita. Nakuha pa ni joy na mag pa party samantalang siya andito parang priso na may naka bantay. Na ito ang dahilan kaya siya hinigpitan nang kanyang daddy. Mabilis siyang nag bihis kahit hindi niya alam kong totoo ba ang binalita nito sa kanya. At hindi rin niya na itanong kong sino ito. Malayang naka labas nang mansyon si Andrea. Dahil alas dose na nang hating gabi ay panigurado tulog na ang mga tao, at pati na rin ang kanyang mga body guard. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang kotse at mabilis siyang sumakay dito. Buti nalang ay meron siyang remote nang gate. Kaya hindi na niya kailangan nang guardiya para pag buksan siya nito. "whooo! yeeeeeees!! sa wakas naka labas narin ako na mag isa!" pag sisigaw niya dito. Masayang masaya siya dahil na miss na niya ang ganitong buhay na maging malaya. Hindi alam ni Andrea na may pasahero pala siyang natutulog sa likod nang kanyang kotse. "where are we?" tanong nang kanyang pasahero na napa hikab pa. Biglang na apakan ni Andrea ang prino nang may magsalita sa likod nang kanyang kotse. Takot siyang napalingun sa nag salita. Dahil hindi niya akalain na may tao siyang kasama. Boung akala niya ay malaya na siya sa gabing ito. "Dave!" gulat niyang sambit nang ito ang kanyang makita. "alam mo bang anong oras na at binulabog mo pa ang masarap kong tulog" pa angil nito. "bakit dito ka natutulog sa kotse ko!" galit niyang sabi sa lalaki. "dahil gusto ko, masarap kasi dito matulog" pag dadahilan nito. "damn you!" mura niya dito at mabilis niyang binuhay ang makina nang kanyang kotse. Tinumbok niya ang bar kong saan na roon si joy. Wala na siyang pakialam kong may kasama siyang asungot. "kilala mo ba kong sino ang tumawag sayo?" basag nito sa katahimikan. Na bigla siya sa tanong nito dahil bakit alam nitong may tumawag sa kanya. Alam rin ba nito kong saan siya pupunta?. At Bakit parang alam nito ang lahat nang mga ginagawa niya. "miss Martinez!" pukaw nito sa kanya na halatang nag pigil nang galit. Dahil hindi niya ito sinagot agad. "oo satisfied?!" pag sisinungaling niya dito. May sasabihin pa sana ito sa kanya pero pinili nalang nitong manahimik. Laking tuwa niya nang makita niya ang bar na sinasabi nang caller sa kanya. Mabilis niyang pinatay ang makina nang kanyang kotse at agad bumaba. Nakita niyang sumunod rin si Dave sa pag baba. Papasok sana siya sa loob nang bar nang harangan siya nito. "teka lang miss Martinez, parang may hindi maganda dito" sabi nito sa kanya. "ano ba Mr imperial!, tumahimik ka nga kailangan kong pumasok sa loob. Kaya umalis ka diyan sa harapan ko!" inis niya dito. Akma sana siyang mag lakad nang bigla siya nitong niyakap. "pwede ba huwag matigas ang iyong ulo dahil patibong lang ang lahat nang ito" bulong nito sa kanya. Napa pikit nang mariin si Andrea dahil na amoy niya ang mabango nitong hininga. Iba ang hatid nito sa kanyang katawan lalo na ang yakap nito. Dahil sa kanyang kilig na naramdaman. At pilit niyang iniwaksi sa kanyang isipan, ay hindi na niya namalayan na may mga kalalakihan na palang nakapaligid sa kanila. "Dave" takot niyang sambit dito nang makita niya ang mga lalaking naka ngisi sa kanila. "sssshh, don't worry I'm here to protect you" promise nito sa kanya. Ginagap nito ang kanyang palad. Kaya napahawak siya nang mariin sa kamay nito. "tsk, tsk, tsk para atang nag kamali kayong pinuntahan miss at mr" sita nito sa kanila na sa tingin ni Andrea. Ito ang pinaka leader sa lahat. "a-anong k-kailangan niyo" utal-utal niyang tanong sa mga ito dahil sa takot. "boss, totoo nga palang napa kaganda ni miss Martinez sa personal" puna nang isa sa mga ito at nakuha pa siya nitong kindatan. Nakaramdam si andrea nang pangilabot. Nang makita niya ang hitsura nito na balbas sarado. "ikaw lang sana ang aming kailangan miss Martinez, pero nandito ang hero mong nobyo. Kaya isasali na rin namin siya" walang gatol nang sagot sa pinaka leader nang mga ito. "segi na kunin niyo na sila!" utos nito sa mga kasamahan. "don't touch my girlfriend or else" banta ni dave sa mga ito. Na akma sanang lumapit sa kanila. Hindi maiwasan ni Andrea na kiligin. Kahit na nasa kalagitnaan siya nang panganib. "oy boss super hero nga!" naka ngising sigaw nang isa. "tsk, nag tapang tapangan! segi bigyan niyo nang sample para matauhan!" utos sa tinatawag nitong boss. "Dave, anong gagawin natin?" kinakabahan niyang tanong dito, dahil nag silapitan na ang mga tauhan nito sa kanila. "ang lumaban" sabi nito at agad inihanda ang sarili para sa bakbakan. Nakita niya ang mga mata ni dave na parang tinatansiya ang bawat galaw nang kalaban. Pag lapit nang isa ay agad sinalubong nang kamao ni dave. Napatili si Andrea sa kanyang nakita, dahil bumagsak ito na duguan. Nang makita nang mga kasamahan nito ay mabilis nag silapitan ang lahat kay dave. Napa atras si Andrea habang na nginginig ang bou niyang katawan. Sa kanyang pag atras ay napa layo siya kay dave. Hindi na namalayan ni dave na wala na siya sa tabi nito dahil busy na ito sa pakikipag suntukan. "gotcha!" ngisi nang pinaka leader sa lahat nang mahawakan siya nito. ____________________________________ (* ITUTULOY*)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD