"hello boss, hawak ko na si Andrea Martinez" biglang kinutuban nang masama si Andrea nang marinig niya ang convo ni Joseph at ang taong tumawag dito.
"ok boss masusunod at papunta na kami diyan" sumulyap ito sa kanya sa salamin na naka ngisi.
"what the hell are you saying!" galit niyang sigaw dito.
"we'll ibibigay kita sa boss ko dahil mas malaki ang binayad nila sa akin!" prangka nitong sabi.
"hayop ka, traydor ka talaga! nag tiwala pa sayo si dave! tapos trinaydor mo lang siya! hayop, hayop!" pag bubuno niya dito.
"s**t! stop! baka mabangga tayo!" pigil nito sa kanya sa isang kamay. Habang ang isa namang kamay ay patuloy sa pag mamaneho.
"mamatay muna ako bago mo ako madala sa boss mo!" sigaw niya at patuloy parin niya itong pinag bubuno at pilit rin niyang inaagaw ang manubila.
Dahil sa kanilang pag aagawan ay hindi nito napansin na may maka salubong silang sasakyan. "damnit!" pag mumura nito nang makita ang isang delivery truck na paparating. Pilit nitong iniwasan ang truck pero huli na dahil mabilis ang kanilang takbo at patuloy parin niyang inaagaw ito. Dahil sa lakas nang impact nang kanilang pag bangga ay tumilapon siya sa likod nang sasakyan. Pilit ni Andrea na edilat ang kanyang mga mata pero hindi na niya kaya. Ang huli niyang narinig ay may mga taong nag usisa sa kanilang paligid bago siya na walan nang malay.
_______,________________,
Samantalang sa mansyon. Hindi mapakali si mia habang hinihintay ang update kong anong nangyari sa kanyang anak. Ang huling nabalitaan nila ay napa away si dave kasama si Andrea.
"my gosh adrian, wala parin bang balita tungkol sa anak natin?" alala niyang tanong sa kanyang asawa na tahimik lang sa kanyang tabi.
"Wala parin babe, wala pang update si Marco sa akin kong nasaan na sila andrea". at napahilamos nalang ito sa mukha.
"Hindi ko alam kong anong gagawin ko adrian kong may masamang mangyari kay Andrea". ma ngingiyak niyang sabi.
"huwag kang mag alala babe, alam kong hindi siya pababayaan ni dave" pang assure nito sa kanya. Habang ginagap nito ang kanyang palad para pakalmahin siya.
"Aiisst, ito kasing si Andrea ang tigas nang ulo. Hindi makaintindi parang bata" sabat ni Mrs guada.
"paano kasi guada nag mana sayo" sagot naman ni manang ester.
"muysit ka talaga ester, bakit sa akin nag mana. Hindi naman ako ang gumawa at lalo nang hindi ako ang umiri don" sita ni Mrs guada kay ester.
"ay talaga guada, so nag mana pala ki-" naputol nito ang nais sana nitong sabihin nang sabay tumikhim sina mia at adrian.
"hehe, nag mana pala sa akin guada" napa ngisi ito nang alanganin.
Sasagot pa sana si guada nang marinig nilang tumunog ang intercom.
"boss adrian, andito po yong nanay at kapatid ni ma'am mia" sabi nito sa nag salita sa intercom.
Nagtatakang nag katinginan sila ni mia at adrian. "ok papasukin mo" sagot agad ni adrian sa security.
Mga ilang sandali pa ang lumipas ay nasa harap na ni mia ang kanyang inay at si Kate. "nay, kate bakit kayo nandito?, alam niyo bang napaka dilikado ang aming sitwasyun dito?" takang tanong ni mia sa mga ito.
"eh kasi ate ayaw mag pa awat ni nanay, nong nabalitaan kasi namin na nasangkot si Andrea sa isang g**o. Ayon gusto nang pumunta dito at gustong maka siguro kong ok ba kayo dito" mahabang lantiya ni kate.
"teka lang bakit ngayun lang kayo. Medyo mahaba-haba na rin ang ep na aming natapos" sabat ni ester sa kanila.
"paano kasi ester, pandamay na covid nag quarantine pa kami ni kate nang dalawang linggo" sagot ni Miranda kay ester, na nanay nila ni kate at mia.
"hala! pati ba naman dito may covid!" hindi makapaniwalang tanong ni ester.
"nimals ka talaga ester, hindi mo alam pero huwag kang mag alala. Hindi ka matatamaan dahil pang tao lang yan" anito ni Mrs guada kay ester.
"muysit ka guada, pareho lang tayo mga nimals" ganti ni ester kay guada. Pero hindi na umimik pa ai guada at naka titig na kay kate.
"Aiisst guada, bakit titig na titig ka naman kay kate" puna ni ester dito. Pero hindi nito pinansin si ester. Bagkos kay kate ito nag salita.
"Pambihira yan kate, hindi ba nahuli ang salarin niyan" nguso nito sa tiyan ni kate.
"huh? bakit?" maang tanong ni kate kay guada.
"kasi talagang boung bola ang pinalunok sayo, bilog na bilog" napatawa pa ito.
"muysit ka talaga Mrs guada!" gigil sambit ni kate kay guada.
"Pambihira ka guada, hindi nga hinuli si senyorito na dalawang bola ang pinalunok niya kay senyorita mia" sabay tawa ni ester.
Hindi na mapigilan ni adrian ang pinagsasabi nang dalawa ay minabuti nalang niyang umalis baka ano pa ang kanyang magawa sa harap nang kanyang manugang at bayaw.
"yon nga lang ester, si mia lang malakas" at sabay pang dalawang humahalakhak.
"mga muysit kayong dalawa! mag sitahimik nga kayo!" iritang sita ni mia sa dalawa.
Maya't maya ay nakita nilang tumatakbo si adrian na hinihingal pabalik sa kanila.
"mia! si Andrea" bitin nito sa iba pang sasabihin.
"bakit anong nangyari sa anak ko?" tarantang tanong niya kay adrian.
"tumawag sa akin si Marco at sinabi niyang bumangga ang sasakyan na sinakyan ni Andrea".
"h-h-hindi! adrian ang anak ko!" napa sigaw siya at napa hagulhul siya nang marinig niya ang sinabi nito sa nangyari sa kanilang anak.
"adrian saang hospital dinala si Andrea?" alala nang kanyang nanay. Habang ina alo siya ni kate.
"may binigay si marco kong saan hospital dinala si Andrea" sagot nito na mangiyak-ngiyak din
"sasama ako, anak" presenta nang kanyang nanay at Mabilis silang nag si alisan at puntahan kong saang hospital si andrea na roon. Akma sanang sasama din si kate sa kanila pero pinigilan ito ni Mrs guada.
"huwag kanang sumama pa kate, dahil delekado kapag nakita ka doon sa hospital" pigil nito kay kate.
"ano ba yan Mrs guada, bakit naman" inis nitong tanong kay guada.
"dahil tingnan mo nga ang iyong sarili kate, dahil sa payat mong yan para kang poste na may naka sabit na bola baka bigla pang mag ka roon nang lega doon at mapa refire pa si adrian di oras sayo". natatawang paliwanag nito kay kate.
"muysit ka talaga guada kahit kailan!" tanging sambit nalang ni kate kay Mrs guada. Na asar na asar sa matanda na walang magawa.