EPISODE 3

1150 Words
Dahil sa nangyari kanina sa bar ay nandito na siya sa may prisento nang mga police. Gusto na sana niyang umuwi pero hindi siya pinagbigyan nang mga police dahil wala pa ang kanyang mga magulang. Maya't maya ay nakita niya ang kanyang mommy na patakbong papunta sa kanya at agad nag alala ang mukha nito nang makita ang kanyang hitsura. Pero agad siyang kinabahan nang makita niya ang madilim nang mukha nang kanyang daddy. "my gosh! Andrea anong ginagawa mo, nasaktan kaba?" sabay suri nang kanyang mommy sa kanyang katawan. "mom, I'm ok" taas kamay niyang saway dito dahil kong mag alala ito para siyang bata kong suriin nito. Talagang hindi maka ligtas ang maliit na galos sa paningin nito. "stop mia, dapat lang sa kanya yan dahil kong hindi dahil sa katigasan nang ulo. Hindi sana mangyayari sa kanya ang mga iyan!" galit ang kanyang daddy nang sawayin nito ang kanyang mommy. "adrian ano ba, nandito tayo sa loob nang presento". pabulong saway ni mom kay dad. Na napabuntong hinga nalang ito nang walang magawa. "Mr and Mrs Martinez, paki permahan nalang po tong record book at saka pwede na kayong umuwi". singit nang isang police sa kanila. At agad namang pinirmahan nang kanyang mommy. ______, Nang makarating na sila sa mansyon ay agad siyang pumasok sa loob nito. Akma sana siyang aakyat papunta sa kanyang kwarto para maka iwas sa sermon nang kanyang daddy. Pero mabilis itong humarang sa kanyang harapan, habang naka cross ang mga kamay nito sa may dibdib. "what do you think, where you going?!" sita nito sa kanya. "dad pagod na pagod na po ako kaya kailangan ko nang mag pahinga" paliwanag niya dito. "so ayaw mo talagang makinig sa amin andrea!, ok! mag pahinga kana dahil grounded ka ngayon!" bulyaw nito sa kanya na agad niyang kinagulat ang sinabi nitong grounded siya "but dad! don't do this to me!" ma ngingiyak niyang pakiusap dito. "i don't have a choice andrea, kundi kailangan mong ma parusahan. "dad!" sambit niya dito at tuluyan na siyang iniwan. "mom please" baling niya sa kanyang mommy at dito naki usap. "sorry anak, desesyon yan nang dad mo, wala na akong magagawa" sabay talikod nito sa kanya. Naiwan siyang napa iyak dahil hindi niya kayang manatili lang dito sa mansyon. ________, Kinabukasan ay maagang na gising si Andrea dahil yon ang nakasanayan niya. Hindi siya mapakali habang walang ginagawa at nanatili lang sa loob nang kanyang kwarto. Naisip niyang tumakas dahil hindi na niya kaya ang katahimikan sa loob nang kanyang kwarto. Hindi muna siya pinapasok sa kanyang trabaho bilang modelo dahil sa nangyari sa bar. Mabilis siyang na ligo at agad nag bihis. Nag lagay lang siya nang kunting make up kasi maganda naman siya dahil namana niya ito sa kanyang mommy. Pagkatapos ay huminga muna siya nang malalim bago niya dahan-dahang binuksan ang pinto nang kanyang kwarto. "ngeek!" gulat na gulat si Andrea nang pagkabukas niya sa pinto ay nakita niyang naka abang ang dalawang matanda sa labas nang kanyang kwarto. Na may hawak na palakol at naka uniform pa nang pang security guard ang mga ito. "mga nimils kayo! anong ginagawa niyo diyan!" bulyaw niya sa dalawa habang hawak niya ang kanyang dibdib. "ang bantayan ka" sagot ni Mrs guada sa kanya. "at bakit?" taas kilay niyang tanong sa matanda. "for your info andrea, inutusan kami nang daddy mo na bantyan ka, kaya huwag kang umangal diyan". ani ni Mrs guada Huminga muna siya nang malalim para mag change mood para kunin niya ang loob nang mga ito. "hehe, pwede naman seguro nating pag usapan nang mahinahun nanay guada at nanay ester, diba?" pag puppy eyes niya sa dalawa. "bibilhin ko kong anong gusto niyo at libre ko na, basta payagan niyo pang akong maka labas dito" suggest niya sa mga ito. "ano bang gusto mo guada?" tanong ni manang ester kay Mrs guada. "kong anong gusto mo ester" sagot naman ni guada dito. "ok, andrea ang gusto namin ay.." medyo na inis si Andrea dahil talagang binitin pa ni manang ester kong anong gusto nang mga ito. "ang gusto namin ni guada ay, pumasok ka na sa kwarto mo kong ayaw mong mapalakol!" galit nitong utos ni manang ester sa kanya. "nanay, please?" pag mamakaawa niya dito. "no, Andrea alam mo naman kong paano ma galit ang iyong daddy, nakakatakot kaya yon kapag nagagalit dahil parang may umu usok, kaya pumasok kana" sabay tulak nito sa kanya papasok nang kanyang kwarto at agad naman nitong sinara ang pinto. Walang nagawa si Andrea kundi sumigaw sa galit sa loob nang kanyang kwarto. Talagang na babagot na siya sa loob dahil wala siyang ginagawa, kaya kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan niya sa news feed kong may kumakalat na balita tungkol sa nangyari kagabi sa loob nang bar. Nagtataka siya dahil wala ni isang balita ang lumabas tungkol sa nangyari. Tok tok tok tok "andrea" katok ni manang ester dito. "what!" inis niyang sagot sa matanda "Andrea labas ka muna dahil may nag papadala sayo nang package" sagot naman nito. Na ngunot ang kanyang noo sa kanyang narinig. Wala naman siyang hinintay na package. Bakit may package na dumating para sa kanya. "haist kanino kaya galing yon?" sa loob-loob ni Andrea. Kahit nag tataka ay lumabas parin siya para tingnan ang package. "sino ang nag papadala niyan nanay ester?" tanong niya dito nang buksan na niya ang pinto. "ewan, walang nilagay kong kanino nang galing" sagot nito at agad nag kibit balikat. "tsk, hindi ako interesado niyan, paki tapon nalang yan nanay ester" utos niya dito. "ay huwag naman, tingnan muna natin kong anong laman nito" at agad nitong binuksan ang package. "ay! anak ni guada!" sambit ni manang ester sa gulat nang kanyang nakita sa loob nang kahon. Napasilip na rin sina andrea at mrs guada kong ano ang laman sa loob nang kahon. Na ganon maka sigaw si manang ester. "muysit ka ester! bigyan mo nga lang ako nang anak, chaka doll pa!" ani ni mrs guada nang makita nito ang ulo nang isang malaking manika. "sorry guada, na gulat lang kasi ako" paliwanag ni ester dito. "nimils ka magulat ester, ma bigyan mo ako nang anak at chaka pa" napa iling nalang si Mrs guada kay ester. ____, Agad pumunta sina mia at adrian sa kwarto ni andrea nang marinig nang mga ito ang sigaw ni manang ester. "anong nangyari?" tanong ni mia sa kanila. Agad itong napatutup sa bibig nang makita nito ang isang manika na puno nang dugo. "my gosh, adrian ano to?" takot niyang tanong sa kanyang asawa na nabigla rin sa nakita. "retreat to, senyorita" sabad ni manang ester. Na na patanga ang apat at napatingin kay manang ester sa sinabi nito "muysit ka talaga ester! death ret yan, hindi retreat!" sita ni Mrs guada rito. "ay ganon ba guada?,death ret pala yon, iba pala yong nabasa ko, hehehe".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD