chapter 4

1416 Words
Amaya Napabalikwas ako ng bangon,umaga na pala nakatulog ako. Nasaan ba ako? Kinapa ko ang aking katabi,at humarap ako,laking gulat ko dahil mukha ni Aarush ang bumungad sa akin. Nakanganga pa siya,ang sarap ng kanyang tulog. Nakayapos siya sa maliit kong baywang,hindi tuloy ako maka galaw. Bigla kong na alala ang nangyari sa aming dalawa kagabi. Parang gusto ko ng lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Hindi ko akalain na nagawa ko ang bagay na iyon,muntik na akong bumigay. Mabuti natauhan ako,lumandas ang masaganang luha sa aking mga mata. Na-alala ko ang lahat ng sakripisyo ni Aarush,sa relasyon naming dalawa. Lahat sinunod niya huwag lang sumama ang aking loob. Kaya kagabi gusto ko ng isuko sa kanya ang p********e ko. Pero mali pala ang magpadalos dalos,hindi pala dahilan ang awa,para pagbigyan ang isang taong mahalaga sa iyong buhay. Dapat pag isipan mo ng maayos bago ka mag desisyon. Pero ganun pa man,hindi ako nagsisi,nagpasalamat na rin ako dahil hindi natuloy. Dahan dahan kong inangat ang aking braso,upang tanggalin ang kamay ni Aarush. Nakahinga naman ako ng maluwang, dahil hindi siya nagising. Bumaba ako sa kama at tinungo ang pinto,binuksan ko at lumabas. Dahan dahan ang aking hakbang,baka magising ko si Manang. Ayaw kong makita nila ako na galing sa kuwarto ng amo nila. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao dito. Mabilis lang akong nakababa,lnagulat pa ako,dahil naka upo ang aking kapatid at nakatingin sa akin. Tulala siya,nakatingin sa kawalan,lumapit ako sa kanya at kinalabit. Nanlaki ang kanyang mata,niyakap niya ako ng mahigpit sabay iyak. Ate,akala ko iniwan mo na ako? Bakit ko naman gagawin iyon? Nakatulog lang si Ate kaya na late ako sa pagbangon. "Ate,saan ka galing?" Bakit doon ka natulog sa kuwarto ni kuya Aarush? Napa iwas ako ng tingin dahil nahiya ako sa kapatid ko. Wala akong maisagot sa kanya,nalungkot ako,dahil natulog siyang mag isa kagabi. I'm sorry hindi na mauulit,niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Sorry kung iniwan ka ni Ate,tahan na,magbihis ka na at a-alis tayo. Hinimas ko pa ang kanyang likuran. Ate okay ka lang ba? May problema ka ba? Umiling ako sa kanya,i'm fine Aila. Ate,may ginawa ba si kuya Aarush sayo? Sinaktan kaba niya? H-hindi,huwag kang mag isip ng ganun sa kuya mo. Aila,huwag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo sa bandang huli. Huwag ka mag lihim kay Ate mo,kapag may problema ka. Ate,bakit ang wired mo ngayon? Tumingin ako sa kanyang mga mata,hindi sa lahat ng oras nandito si Ate. Dapat marunong ka ng tumayo sa sarili mong paa. At huwag mong pababayaan si Mama, mag aral ka ng mabuti para matupad ang pangarap mo. Diba gusto mong makasakay ng Eroplano? Hinila ko siya kaya napahiga kaming dalawa. Hinayaan kong humiga si Aila sa aking dibdib. Mahal na mahal ka ni Ate lagi mong tandaan yan. Tumulo ang butil ng luha sa aking mga mata. Ramdam ko na naman ang sakit,iniisip ko pa lang na mawawalay ako sa kanila. Parang hindi ko kaya,pero ano ba ang magagawa ko kong hindi ko na malalampasan,ang sakit na ito? Hindi ko namalayan nakatulog pala si Aila,mas lalong bumuhos ang masaganang luha ko. FLASHBACK Amaya,anak bakit ang putla putla mo? Anong nangyari sayo? Nakatitig si Mama sa akin,kumapit siya sa aking balikat at pina upo ako. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Lately kasi lagi akong matamlay,masakit palagi ang aking ulo,pero hindi ko pinapahalata sa kanila. Mama naman,nakakagulat po kayo,maayos lang po ako. Naningkit naman ang mata niya,anak huwag na huwag kang magtatago sa mga problema mo. Mama puwidi po ba ako humingi ng pabor? Oo naman anak,ano ba iyan? Pero promise mo po Ma,na wala kang pagsasabihan. Tumango si Mama pero nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ma,puwidi samahan mo po ako bukas sa bayan? Gusto ko po mag check up,gusto kong kumpermahan kong ano ba talaga ang sakit ko? Matagal ko na po itong nararamdamn pero binaliwala ko. Akala ko kasi normal lang,pero habang tumatagal mas lalong humina ang katawan ko. Humagulgul na ako ng iyak,niyakap ako ni Mama at hinimas ang likuran ko. Anak huwag mong isipin iyan kung ano man ang sakit mo gagaling ka. Mag tiwala tayo sa taas,bukas a-alis tayo,at pangako hindi ko sasabihin sa mga kapatid mo. Salamat po Mama! Kinabukasan maaga kami umalis ni Mama,pagdating namin sa bayan dumiritso kami sa Hospital. Naghintay kami ng ilang minuto,hindi ko maiwasang kabahan,iniisip ko kasi kong ano ang sakit ko. Amaya Criselle Reyes, Nagulat pa ako sa tawag ng Nurse, naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa kamay ko. Inakay na niya ako papunta sa loob, kinakabahan talaga ako. Dalangin ko na sana maging maayos ang lahat. Kung ano man ang resulta nito,buong puso kong tanggapin. "Hello Miss.Amaya!" Ngumiti lang ako ng tipid,bago humarap sa kanya. Kumusta ang pakiramdam mo? Habang nag tatanong siya kinuhanan niya ako ng dugo. Napakislot ako sa sakit,panay naman ang check niya sa likod at bandang dibdib ko. Kinuha rin niya ang blood pressure ko,matapos iyon,pinaghintay niya kami sa labas para sa resulta. Nag hintay pa kami ni Mama ng isang oras bago ulit kami tinawag. Nang makapasok kami,agad kong sinara ang pinto. Misis Ikaw ba ang Ina ni Amaya? Yes Doctor! May sakit ang anak mo at malala na pala ito. Bakit ngayon mo pa lang naisipan na dalhin dito? "Anong sabi mo"?Gulat na wika ni Mama may Blood Cancer ang anak mo misis. Napakapit si Mama sa balikat ko! Pero Doctor walang sakit ang anak ko. Sabihin mong nagbibiro ka lang? Misis matagal na pong may karamdam ang anak mo. Ilang beses na rin siyang inatake hindi n'yo po ba napapansin? Doctor wala akong nakikita o napapansin sa kanya,masayahing bata ang anak ko. Tumulo na ang luha ni Mama,pati ako napa iyak narin. Doctor may lunas ang sakit niya diba?Magagamot pa siya,sabihin mo sa akin magiging okay rin ang lahat. I'm sorry,pero kahit dalhin pa natin siya sa ibang Doctor ganun rin ang sasabihin sayo. Kumalat na ang Cancer sa boong katawan niya. Kung may kakilala po kayo puwidi kayo magpatulong para maipatingin siya ulit sa iba. Tahimik lang akong umiyak habang nakikinig sa kanila. Anak tara na umuwi na tayo,hindi ako mawawalan ng pag asa para sayo. Salamat po Doctor! Inalalayan ako ni Mama,dahil nanghihina ang boong katawan ko. Hindi ako makapaniwala na malala na pala ang sakit ko. Walang imik si Mama ng dumating kami sa bahay. Sinalubong kami ng mga kapatid ko. Ate Amaya,saan po kayo galing? Bakit po matamlay ka? May sakit ka ba? Magkasabay pa nilang tanong. Kayo talaga hindi porket matamalay si Ate may sakit na. Hindi ba puwiding napagud lang si Ate,niyakap ko sila ng mahigpit. Nakamasid naman si Mama sa aming lahat. Sumapit ang gabi,hindi ako makatulog dahil sumasakit ang dibdib ko. Hindi rin ako nakakain ng maayos,dahil sa sobrang pag-iisip. Iniisip ko kong paano ako gagaling,at saan kami kukuha ng pera para sa aking pagpapagamot. Kahit siguro ibenta ko ang sarili ko,hindi pa rin sapat. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala si Mama. Kanina kapa ba dito anak? Hindi naman po Ma,umupo si Mama sa tabi ko binalabal niya ang likod ko dahil malamig. Anak pinaalam mo na ba ito kay Aarush? Ma,hindi po ayaw ko pong abalahin siya,saka po kahit po tutulongan niya tayo hindi na po ako gagaling. Ayaw ko pong maging pabigat sa lahat,lalong lalo na kay Aarush. Anak hindi naman siguro masama kong ipapa alam natin kay Aarush ito. Hindi porket ipinaalam natin ay hihingi tayo ng tulong. Atles alam niya ang kalagayan mo ngayon. Bou na po ang disisyon ko Mama,hindi po ako magpapagamot. Napabuntong hininga si mama,nakikiusap po ako ilalaan ko na lang po ang natitira kong panahon sa mga kapatid ko at sa inyo. Kaysa naman po mamalagi sa hospital,walang kasiguraduhan kong gagaling ako. Mama please po mas masaya ako kong pag-bibigyan mo ako sa kahilingan ko. Mahal na mahal ko po kayo Mama salamat sa lahat ng sakripisyong ginawa minyo sa akin. Nag iyakan kami ni Mama,alam kong nahihirapan siya,ito lang ang alam kong tamang paraan. Lumipas ang anim na buwan hindi na maganda ang pakiramdam ko. Pinipilit ko pa ring maging masigla sa harapan ng aking pamilya. Hinahayaan rin ako ni Mama sa gusto kong gawin,dahil alam niya na dito ako masaya. Binuhos ko ang aking oras sa mga kapatid ko,namasyal sa bukirin at kung saan. Feeling ko kasi dito ako makakabawi sa lahat,at masaya ako. Tumigil na rin kasi ako sa pag-aaral kaya nasa bahay na lang ako. END OF FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD