chapter 12

1727 Words
Aila Sunday ngayon may pasok kami ni Sunshine. Maaga pa lang nakagayak na ako,naligo pa ang kasama ko. Hindi na ako ulit pupunta nang bar dalawang araw sumakit ang ulo ko. Nagsisi tuloy ako kung bakit ko pa niyaya SI Gavin. Mabuti na lang hindi halata na matamlay ako sa trabaho. Humingi ako nang pasensaya kay Gavin,dahil nadamay tuloy siya sa kalukuhan namin. Nong gabing hinabol kami ni Aarush kung wala si Gavin baka naka usap na niya ako. Mabuti na lang pumasok agad kami sa kotse niya at umalis sa lugar na iyon. Ayoko siyang kausapin o harapin man lang,masama ang loob ko sa kanya. "Bastard"Nagulat ako sa sinabi ni Gavin,nakita ko ang pag igting nang kanyang panga nakakuyom rin ang kanyang mga kamao. "Sorry Aila."Hinging paumanhin niya, Gavin kilala mo ba siya? "Hindi baka ikaw kilala mo."Napa kurot naman ako sa aking kamay,dahil sa takot. Bigla kasing tumaas ang boses niya,sabay buntong hininga. "Bakit ka takot sa kanya?"May kasalanan ka ba sa taong iyon. Nag simula nang magmaniho si Gavin,tahimik namin binabagtas ang daan pauwi. Biglang tumunog ang tiyan ko,natawa naman si Gavin dahil sa lakas nang tunog. Napahiya tuloy ako,pinagtawanan naman ako ni Shine. "Girl mukhang gutom ka na."Tiningnan ko siya nang masama. "Saan ninyo gustong kumain.?"Tanong ni Gavin,agad naman kumislap ang mata ni Shine. Saan ba dito ang masarap na kainan,hindi kasi ako familiar sa lugar. Lumiko siya sa kanan,may natanaw kaming barbequehan. Nag park siya sa tabi saka bumaba,Inayos ko ang aking sarili,at bumaba narin. "Ang bango nakakabusog saad ni Shine."Pumili kayo kung anong ulam gusto ninyo. Habang nagsasalita siya hindi ko namalayan nakakapit na pala ako sa matigas na braso ni Gavin. "Aila anong gusto mo."Halos nalanghap ko na ang hininga niya sa sobrang lapit. Nag order kami nang chicken barbeque,liempo at isda. Pumasok kami sa loob,sobrang dami nang tao,sa tingin ko masarap ang pag-kain dito dahil hindi tumigil ang mga taong mag o-order. Pinaghila naman ako ni Gavin nang upuan,tahimik lang kaming naghintay. Sorry dito ko kayo dinala mukhang hindi kayo bagay dito. Nagkatinginan naman kami ni Shine, "Bakit hindi kami bagay dito?"Inis kong saad tao naman kami. Pasensya na wala kasi akong pera kaya dito ko kayo dinala sa mumurahin. Nang dumating ang order namin nagsimula na kaming kumain,nakakagutom ang amoy nang ulam. Tahimik kaming kumain hanggang sa natapos,hindi na rin kami nag tagal agad kaming umuwi. Inaantok na rin ako kaya hindi na ako nagsalita. "Salamat Gavin sa uulitin."Kinabukasan maaga kaming pumasok ni Shine. Pag dating nang lunch time kumain kami sa canteen. May mga grupong dumating pero hindi na ako lumingon,nagpatuloy kami sa pagkain. "Aila."Napalingon naman ako,nakita ko ang Groupo ni Clouie. Mabuti nakita ka namin may party tayong pupuntahan bukas nang gabi. "Umupo siya sa tabi ko,anong oras at saan?"E send ko sayo ang address maghanda ka nang kakantahin mo. Sabihin mo lang sa akin kung anong tittle mag du-duet tayong dalawa. Okay,teka party ba iyon?"Engagement Party alas sais nang gabi kailangan nandoon na tayo." Tumango ako at nagpasalamat umalis rin agad ang groupo ni Clouie. "Girl ang gwapo naman nila,balato muna sa akin yong isa." Puro ka kalokohan Shine may mga jowa na sila. Aminin mo na lang na gusto mo silang masulo. Pinanliitan ko siya nang mga mata,kaya nag peace sign siya. Samahan mo ako bukas may racket ako,magpapahatid tayo kay Gavin. Hmm.. "Gusto ko iyan."Taas kilay pa niyang saad. Pumasok na kami,last subject na namin ito,wala kaming quiz pero ang dami naming homework. Alas singko lumabas na kami ni Shine,natapos rin ang mahabang araw sa School. Kakausapin ko si Gavin para samahan tayo bukas. Nang makarating kami sa paradahan ng tricyle wala si Gavin. "Himala wala ngayon ang jowa mo." Baliwalng saad ni Shine. Bunganga mo Shine baka isipin nang mga tao totoong jowa ko si Gavin. Ayokong magkaroon nang isyo,please lang naiinis kong saad. "May wrinkles ka na Girl."Sabay hawak ko naman sa mukha ko. Haha biro lang,masyado kang seryuso sa buhay. Lukaret ka talaga pinalo ko siya nang mahina sa braso,madami akong inisip. Nang makarating na kami sa bahay agad akong nagbihis,nagsout ako ng maiksing itim na short pinarisan ko ng tube na kulay puti. At tinali pataas ang aking mahabang buhok. Nakataas naman ang kilay ni Shine habang pinasadahan ako. Bagay na bagay sayo ang ganyang damit lutang ang pagkaprobinsyana mo. Hindi ko na siya pinansin dumiritso ako nang kusina,tulongan mo akong magluto para makakain na tayo nang hapunan. Sa kusina abala kami sa paghahanda ng lulotuin. Girl parang may taong kumakatok sa labas,ang cellphone mo umiilaw rin. Dumiritso ako sa pinto upang pagbuksan ang taong nasa labas. I'm sure si Betty ito baka maningil na siya sa renta namin. Hinanda ko ang aking sarili bago ko binuksan,nagulat at napanganga ako dahil si Gavin ang nakatayo. Napaiwas siya nang tingin nang makita ako,nanlaki naman ang mata ko sabay takip sa aking dibdib. Anong ginagawa mo dito?Nag alala kong saad,bumuntong hininga siya at nagsalita. Kanina pa ako tumatawag hindi mo sinasagut ang cellphone mo. Nakakunot ang noo niya,sabay pasada sa kabuoan ko nahiya naman ako sa itsura ko. Malay ko ba na pupunta siya dito."Girl sino yan?" Gavin?Teka bakit nandito ka?Baka mapagalitan kami ni Betty bawal ang lalaki dito. Lumabas na si Shine at nataranta ito,wait magbihis muna ako sa labas tayo mag usap saad ko naman. Gavin tara sa baba tayo malalagot kami kay Betty babe kapag nalaman niyang may lalaking pumupunta rito. Sa tuno ni Shine naiinis na rin ito."Baka palayasin kami".Sa halip na bumaba si Gavin tumuloy ito at pumasok sa loob,dumiritso siya sa sala sabay libot ng tingin. Sinarado naman ni Shine ang pinto,maya maya may kumatok,ako na ang tumayo at pinagbuksan ang nasa labas. Betty? Humahangos ito marami siyang dalang platic. "Sir sorry po natagalan ako".Nagkatinginan naman kami ni Shine,magkakilala kayo? Sabay naming tanong. "Betty pakipasok ang mga dala mo."Opo Sir Gavin. Dumiritso si Betty sa kusina at inilapag ang mga plastic,sumunod si Gavin kaya sumundo na rin kami. Gavin puwidi bang malaman kong magkakilala kayo ni Betty. Sira pala ang gripo nila,bakit hindi mo pinaayos? Bumuntong hininga ito na para bang may kinaiinisan. Sorry Sir Gavin bukas po tatawagan ko ang maintenance. Hindi na siya nag salita,lumabas na rin si Betty,naiwan namin kaming tahimik sa tabi niya. Gavin puwidi bang mag usap muna tayo. "Later pagkatapos kumain." Girl kain na tayo may dalang pagkain si babe. Hindi na ako nag reklamo gutom na rin ako,pero bago kami kumain nag palit muna ako nang damit. Nakakahiya naman sa bisita namin kong ganito itsura ko. Natapos kaming kumain nang walang imikan. Puno naman nang katanungan ang isip ko, marami akong hindi alam kay Gavin at ngayon unti-unti nang lumalabas ang tunay niyang pagkatao. "Sino ba talaga siya?"Umupo kami sa sala,gusto kong kausapin si Gavin. Binasag niya ang katahimikan."Aila puwidi huwag muna natin pag usapan. Alam kong nagtataka ka."Okay fine." Please Sweetheart huwag ka na magtampo,I'll explain sa tamang panahon. Hinawakan niya ang mga kamay ko, tumikhin si Shine sabay alis at pumasok nang kuwarto. Kami na lang ni Gavin ang niwan sa sala, babawiin ko sana ang kamay ko pero mahigpit niya itong hinawakan. "Sweetheart kailan mo ako sasagutin." Napa angat ako nang tingin sa guwapong mukha niya,matagal na kaming magkakilala ni Gavin. Pero ni minsan hindi niya tinanong sa akin ang bagay na ito. Gavin paano kita sasagutin kung lahat nang bagay tinatago mo sa akin. Hindi pa kita kilala,napahikbi na ako sa sobrang inis,naiinis ako kay Gavin sa hindi ko malaman na dahilan. "Wala ka bang tiwala sa akin sweetheart?" Hinawakan niya ang aking mukha,pinahid ang mga luhang umaagos sa aking pisngi. Hindi ako nagsalita panay ang hikbi ko,niyakap niya ako at pinasandal sa matigas niyang dibdib. Hinimas niya ang aking likod at hinahalikan ang aking noo. Shh.. Tama na iyan sweetheart,please don't cry huwag ka mag-alala darating ang tamang panahon,makilala mo ang tunay kung pag katao. Huwag ka matakot hindi kita sasaktan pangako,tahan na huwag ka na umiyak. Tinaas niya ang mukha ko."Sorry hindi na ako magtatanong handa akong maghintay kahit gaano pa katagal." Hinalika niya ulit ang noo kamay at buhok ko. Fine para hindi ka na mag-isip nang masama sa akin,ako ang may ari ng flat na ito. Ano? Tumingin ako sa mga mata niya. "Sweetheart tama ang narinig mo ako ang may ari nito." Kaya pala ang lakas ng loob mong pumasok dito,lumayo ako sa kanya,at inirapan siya. Nakakainis ka sumakit tuloy ang ulo ko sa kakaisip kong anong sasabihin kay Betty. Tumawa siya nang malakas pinasadahan ako nang tingin. "Alam mo ba mas lalo kang gumanda kapag nagagalit ka." Parang nabunutan naman ako ng tinik sa sinabi niya,napanatag rin ang kalooban ko. Happy!.. Ramdam ko ang pagmamahal ni Gavin sa akin,feeling ko safe ako sa kanya. Hindi naman siguro masama kung magkaroon ako nang boyfriend (18) na ako nasa tamang edad na. Dalawang taon na lang matatapos na ako sa kolihiyo,mas magiging masaya ang pamilya ko kapag nakapagtapos ako. Mabait at mapagmahal na lalaki si Gavin,suwerte ang babae sa kanya. Iwan ko ba dito sa lintik kong puso ayaw talaga tumibok sa iba. Gavin may lakad ako bukas puwidi samahan mo ako. "Saan ka pupunta.?"May Engagement Party kaming pupuntahan sayang naman kung hindi ako sasama. Kakanta lang naman ako pagkatapos uuwi na. "Sinong kasama mo?"Mga ka banda ko bumuntong hininga siya. "Anong oras tayo aalis bukas."Alas sais nang gabi huwag ka mag alala isasama ko si Shine. "May gagawin ka ba ngayon?"Wala magpapahinga na kami,nagmamadali ka ba?. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko at hinila ako palabas. Wait lang magpapaalam muna ako kay Shine. "No need mabilis lang tayo."Bumaba na kami at nagmamadaling umalis. Sumakay kami sa kanyang motor mahigpit kong hinawakan ang matigas niyang tiyan. Pinaharurot niya nang mabilis ang motor, ang sarap pala sumakay sa ganito. Saan ba tayo pupunta?"Basta surprise." Kinurot ko ang tiyan niya."Hey masakit" Natatawa siya habang nagsasalita. Ilang sandali lang pumasok kami sa isang Subdivision. Napatingin naman ako sa maganda at malaking bahay. "let's go inside."Pumasok na kami,pag bukas niya sa doble door napa nganga ako. Ang ganda malinis at malaki,bahay mo ito? Yeah! Gusto mo nang juice or tubig."Thank you Gavin pero ayos lang ako." After ten minutes bumaba na siya, may dala siyang malalaking paper bag. Lumapit siya sa akin sabay lapag nang mga dala niya. Para saan yan? Para sayo. Ano kaya ang laman nang mga paper bag na ito?"..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD