08 - Getting to Know

1674 Words
“Paano ako magiging komportable sa ‘yo kung hindi nga kita kilala?!” pasigaw niyang sambit habang nakaharap siya sa vanity mirror. Kanina pa niya kinakausap ang sarili dahil hindi niya talaga alam kung ano ang gagawin. Mababaliw yata siya nang wala sa oras dahil lang sa pésteng kondisyon ng gobernador. “Can he just fúck me like how normal people do? Bakit may pa gano’n pa? Para saan?” Hindi niya talaga maintindihan kung bakit kailangan pa nilang gawin ‘yon. Pero wala, eh, iyon ang gusto kaya wala siyang ibang pagpipilian kundi ang pumayag na lang. At isa pa, nabasa naman niya sa terms and conditions ng kontrata na may karapatan siyang humindi at magreklamo kung sobra na para sa kanya ang ginagawa nito. “Safe word,” sambit niya at muli na namang tumitig sa salamin para mag-isip ng safe word, o salitang bibigkasin niya sa tuwing pakiramdam niya ay sobra na ang ginagawa ng lalaki o ‘di kaya’y kailangan na nilang tumigil. Napakamot na lang siya sa kanyang ulo nang walang maisip. Bago talaga sa kanya ang ganito kaya wala siyang ideya kung ano ang dapat gawin. This isn’t the first time she had séx with someone. She has hooked up with a few guys before but all of them were just one night stands. Tinikman niya lang ang mga lalaki sa mga bansang napuntahan niya. Siguro ito na rin ang karma niya sa ginagawa niya. Nakatagpo na rin siya sa wakas ng lalaking tatalian siya sa leeg—literal. Muli niyang tiningnan ang mga papel na ibinigay ni Alfonso sa kanya. Binasa niya itong muli, “...a type of séxual practice that involves bóndage, discipline or domination, sádism, and másochism...” Napailing na lang siya bago kinuha ang cellphone at nagsimulang mag-research tungkol dito sa internet. Pero sa loob lang ng ilang minuto ay napapikit na siya nang makita kung paano ito ginagawa. Ramdam niya ang sakit sa buong katawan niya habang nanonood. “Hindi naman siguro gano’n,” bulong niya sa sarili bago muling nag-research. Tiningnan niya kung may mild version ba ito at napanatag siya nang may makita. “Bet ko ‘tong tatalian ako ng satin fabric,” aniya at napangisi. Pero agad nawala ang ngiti niya at napalitan ng kaba nang makita niya ang iba’t ibang kagamitan na ginagamit para ma-restrain ang movement niya, gayon na rin ang iba pang mga kagamitan kagaya ng leather whip at iba pang panghampas. “No, no. Hindi. Hindi ko kaya ‘to,” aniya bago ini-skip ang pahina at nagbasa ng iba pang impormasyon. Iyon ang ginawa niya sa mga panahong ibinigay sa kanya ni Alfonso para basahin ang buong content ng kontrata. Nag-research din siya ng tungkol sa gagawin nila at kung ano ang pwede niyang gawin para hindi siya mabigla. --- AT DUMATING na nga ang panahon kung kailan sila magkikita. Napagkasunduan kasi nilang magkita para pag-usapan ang request niya nitong nakaraan—ang kilalanin muna nila ang isa’t isa. Tinaon nila na sa Sabado magkita dahil sarado ang kapitolyo. “Here I am again,” naibulalas niya nang makababa sa tapat ng El Caridad. “Feeling ko talaga natatandaan na ako ng mga staff dito,” aniya bago nagpatuloy. At tama nga siya—hindi na siya tinanong ng staff at agad nang ginabayan papunta sa private room kung nasaan si Alfonso. Nang makarating sila ay nadatnan niya ang lalaki na may kausap sa cellphone. Nang makita siya nito ay sinenyasan siya nitong umupo, ni hindi man lang siya nito pinaghila ng upuan. ‘What a gentleman,’ sa isip niya at hindi napigilang pasimpleng iikot ang mga mata. Umupo na lang siya at pinilit na ngumiti kahit na gusto niyang batukan ang lalaki. Hindi pa rin ito tumitigil sa pakikipag-usap sa cellphone kahit na nasa harap na siya nito. Pinapamukha talaga nito sa kanya na hindi siya ganoon ka-importante; na isa lamang siyang hamak na séx slave. Matapos ang ilang minuto ay ibinaba na nito ang cellphone at tumingin na kay Agatha. “So, have you read everything I gave you?” tanong nito bago nagbasa ng menu. “I believe I gave you enough time to read it.” “I did,” mabilis niyang sagot. “Don’t worry, binasa ko lahat,” paninigurado niya rito. “So, do you still want to do it? I don’t want to force you,” sambit nito bago siya sinilip mula sa menu. “But if you refuse, then your project will be rejected once again. At hindi lang ‘yon, lahat ng mula sa kompanya ninyo ay agad-agad na ire-reject ng opisina ko—and that will go on as long as I am in the position.” Hilaw na napangiti si Agatha. Sa loob-loob niya ay gusto niyang sabunutan ang lalaki dahil sa mga pinagsasasabi nito. Hindi raw siya pinupuwersa pero may kasamang pananakot at pagbabanta. “Well, you don’t have to scare me like that. Pumayag na ako at hinding-hindi na ako aatras. Pagbigyan mo lang ang huling request ko and I will let you do whatever you want to do with me,” sambit niya bago huminga nang malalim. Nakita niya ang pagsilay ng ngiti ng lalaki bago ito tumango. “Deal,” maikli nitong sagot. “What’s your last request, Ms. Agatha?” tanong nito sa mapaglarong tono. “Let’s go out and know each other. Nasabi ko na ‘to sa ‘yo before, so I hope you already made up your mind,” sagot niya habang nakatingin sa kulay kapeng mga mata nito. “One week. Let’s get to know each other in a week and if I happen to refuse to be your slave after that, then drop the project.” “Okay. You got a deal,” nakangising sagot ng gobernador bago ito tumayo at inilahad ang kamay nito. “Let’s go?” “To?” kunot-noo niyang tugon. “To my house. You want to know me, right? Iyon ang lugar na dapat nating unang puntahan,” sagot nito. “You’re familiar with the phrase ‘a house says a lot about a person who owns it’, aren’t you?” Umiling lang si Agatha pero hindi ibig sabihin na hindi niya naintindihan ang nais ipunto ng lalaki. “But I do get it,” sagot niya bago tinanggap ang kamay ng lalaki. At saglit pa siyang natigilan nang maramdaman ang init at lambot nito. His hands feel so gentle that she couldn’t believe he’s into those things. --- “I’m Riguel.” Napatitig si Agatha sa kamay ng isang lalaki na kasing-tangkad at ka-edad lang yata ni Alfonso. Nakangisi ito sa kanya at halatang naghihintay na tanggapin niya ang kamay nito. “I’m Governor Alfonso’s head of security,” dagdag pa nito. Ito ang nadatnan niya nang pumasok siya sa kotse ng gobernador. Akala niya ay silang dalawa lang ni Alfonso ang pupunta sa bahay nito, pero napagtanto niyang hindi pala basta-basta ang posisyon ng lalaki sa probinsiya ng San Miguel. Of course he needs to be accompanied with securities. All in all, tatlo ang sasakyang gamit nila at napapagitnaan ang sasakyan kung nasaan sila. Nasa back seat silang dalawa ni Alfonso habang sa harap naman si Riguel at ang isa pa na siyang ngamamaneho ng sasakyan. Hindi tuloy mapigilan ni Agatha ang kabahan at baka may um-ambush sa kanila. “I’m Riguel...” Napatingin siyang muli sa lalaki nang ulitin nito ang pagpapakilala. Wala na siyang nagawa kundi ang abutin ang kamay nito dahil parang ang awkward naman kung patuloy niya itong hindi papansinin. Pilit siyang ngumiti rito at inabot ang kamay. “I’m Agatha.” Ngumisi ang lalaki at marahang tumango. “What a beautiful, sweet name. Bagay na bagay sa ‘yo ang pangalan mo,” sambit nito. “Nice meeting you, Agatha.” “Nice meeting you, too, Riguel,” sagot niya at nakipag-shake hands sa lalaki. “Too bad you’re already in Governor’s hands,” tila nanghihinayang nitong saad. Tanging ngiti lang ang iginanti ni Agatha dahil hindi siya komportableng makipag-usap dito. She has dealt with a variety of guys before and that made her able to tell their character in a few glances. This Riguel guy is nothing but a womanizer. Ang hindi niya lang talaga mabasa ay si Alfonso. The governor is shrouded with clouds of mystery. There’s also something in him that tells Agatha he’s dangerous—dangerously handsome. “Stop bugging her, Riguel. Don’t scare her,” saway ng gobernador bago bumaling kay Agatha. “Don’t worry, he may not look like it but he’s harmless.” “Vaccinated ako ng anti-rabies,” hirit nito. Hindi ‘yon inasahan ni Agatha. It was so ramdom kaya hindi niya napigilang matawa. “That was good, Riguel,” nakangiting sabi niya. “You got me there.” “Well, I can make you laugh harder than that, but too bad, ayokong sayangin ang jokes ko sa ‘yo dahil hindi ka na pwedeng pormahan,” sagot nito. Pabirong ngumiwi si Agatha kaya natawa na lang ang lalaki. Nakitawa na rin si Agatha. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nang matapos siyang tumawa ay tumingin siya sa gawi ni Alfonso at nakita itong nakatitig lang sa kanya nang walang kahit na anong bahid ng emosyon ang mga mata. “Gov?” tawag niya rito. Ibinaling lang ng lalaki ang tingin sa labas. Kumunot naman ang noo ng dalaga sa naging reaksyon nito. Hindi niya talaga maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Napaisip tuloy siya, ‘Paano ko makikilala ang lalaking ‘to kung hindi ko makausap nang maayos?’ Hindi na sana niya ito papansinin pero natigilan siya nang may mapagtanto—kung hindi niya makakausap nang maayos ang lalaki, mataas ang tiyansa na lumipas na lang ang isang linggo pero wala pa rin siyang alam tungkol dito. Kaya naman ay desidido na siya. She will do her best to get to know him. Ngunit may tanong na hindi niya masagot-sagot, at ‘yon ay ‘paano?’.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD