Chapter 37: Jollibee

1682 Words
Victoria's Point of View " Lumayas ka sa harap ko Azithere." Sabi ko habang nakabusangot na ngayon " What did I do again?" Kakamot kamot nyang sabi sakin. Actually wala naman talaga. Gusto ko lang na maiwan ako sa loob ng national bookstore para hindi nya marinig ang usapan namin ni Alpha. " Gusto kong bumili ng payapa." Sabi ko " Can I atleast just tag along with you?" Tanong nya " Hindi ako tatakas kung yan ang iniisip mo." Inis kong sabi sakanya. Please lumayas kana sa harap ko. Bumuntong hininga sya at saka binigay sakin ang black card galing sa wallet nya. " Tap everything you buy here. It's on me. I'll be waiting here outside." Sabi nya. Tumango lang ako at saka pumasok. Kumuha ako ng cart at pumasok sa loob. Nandito nalang din naman ako edi bibili nalang talaga ako. Sinadya ko talagang dito para hindi halata. Sino ba kasing tanga ang pipili ng Bookstore para makipag meet sa kapwa mo killer. AKO. Inuna kong puntahan ang mga notebook medical section ng bookstore para hindi halata. Kumuha ako ng iilan na sa tingin ko ay maganda. Next kong pinuntahan ay ang mga novel section. Mahilig talaga ako magbasa lalo na at kapag bagot na bagot ako dati at walang misyon. " I've been waiting for quite some time Tori. How are things?" Bulong ni Alpha. " It's been a while Alpha." Sabi ko habang nagtago sa mga shelves away from Azithere's sight. " Playing house with your husband I guess?" " Uhm- Fuck bakit ba kapag minemention sya sakin lagi nalang akong aakma na magdeny. " Since you're married to him. I'll give you a special mission." Sabi ni Alpha " Wait. I don't think it's a good idea for me to be on a mission while pregnant." Sabi ko habang hinihimasnang tiyan ko. " It's not a heavy task." Sabi ni Alpha. " Your mission is to make sure your husband will not be a hindrance to our Organizations purpose. We're not the bad ones here and I hope he'll be a good husband for you." Sabi ni Alpha " Alam ko na he's asking you to reveal our organization. It's up to you if you reveal us or not. Again, we're not the bad ones here. Alam mo na kung ano ang mas makabubuti. And I think Mr. Azreal only want what's best for you that's why he married you." Makahulugan nyang sabi Just how much does this guy know about everything? He looks like a fortune teller who guess nothing but good things in life. That's why he's the Alpha. He just wants what's best for the whole lot of people. That's our Alpha. The greatest leader of DWE. " Here's a copy of Mafia organizations we need to watch out. I had Falcon and Peregrine gather this for me and since you're in a special mission. I'm giving you this copy. That's all COMMANDO DELTA. Best wishes snd Congratulations." Sabi ni Alpha at biglang kinuha ang treasure chest ng Harry Potter na libro. Nagulat ako dun kaya kunwari nagbabrowse ako ng mga libro. Bahala na kung anong makuha ko. Nagpunta din ako sa school supplies section para mas kapani paniwala na bumili talaga ako ng mga kakailanganin. Nang mapuno ko ang cart ay pumila na ako sa cashier. Nakalabas na si Alpha at nakita ko si Azithere na nasa labas ng national bookstore. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi sya umalis sa pwesto nya. Nang matapos akong magbayad ay nagulat ako na sobrang bigat pala ng pinamili ko kaya nagkandahirap ako sa pagbuhat. " Allow me." Sabi ni Azithere at saka inagaw sakin ang paper bags. Wala kasing plastic. Asar! " Wag na, kaya ko na to." Asik ko sakanya. " Don't be stubborn wife please." Sabi nya kaya natahimik nalang ako. Napadaan kami sa mga restaurant at naamoy ko yung pagkain na gustong gusto kong kainin. Bigla namang kumulo ng malakas ang tiyan ko dahilan na napalingon sakin si Azithere. " You're hungry?" Tumango lang ako sakanya. " Then let's eat. Where do you want to go?" Tanong nya sakin " Uhm- sa ano. Doon." Turo ko sa fastfood restaurant na hindi pa gaanong marami ang kumakain. " No, you're not pointing at that red mascot who has weird bee design right?" " Ano bang masama kung kakain ako ng Jollibee." Sagot ko " It's for kids. Let's go somewhere else." Sabi nya " Nagtatanong ka kung saan ako kakain tapos sa iba mo ako papakainin. Tara umuwi na tayo." Sabi ko. Inakyatan nanaman ng toyo, patis at suka ang utak ko. " Aish, let's go let's go." Sabi nya habang naunang maglakad. Pero napatigil sya sa harap mismo ng entrance. " Ano? Hindi naman nangangagat si Jollibee ah." Natatawa kong sabi. Ibang klase. May ganitong side pala ang CEO ng Azreal at Emperor ng mga Mafia. " Tara na, libre ko na saka sigurado ako na magugustuhan mo dito." Sabi ko at saka hinigit sya sa kanyang braso. Hindi ko mahawakan ang kamay nya dahil bitbit nya yung mga paper bags ko. Pina upo ko muna sya sa malapit sa bintana dahil maganda ang pwesto dun. May pa couch kasi. " Uhm, stay here. Mag oorder lang ako." Sabi ko at saka pumunta na at pumila. Gusto kong kainin lahat kaya nang ako na ang mag order ay dinamihan ko na. Bahala na gutom na gutom talaga ako. Kapag hindi naubos edi itatake out. Pagkatapos kong magbayad ay kinuha ko na ang buzzer mula sa cashier. Bumalik na ako sa upuan ko dahil idedeliver naman dito sa table ang order namin. Umupo lang ako sa couch katabi ng mga paper bags ko habang si Azithere naman ay sa isang upuan sa harap ko. Para naman ma sense yung pagkukunwari ko ay kumuha ako ng isang pocket size na medical book at nag browse browse lang. " You seem to be comfortable here." Basag nya ng katahimikan ko. " Maarte ka lang kaya hindi ka comfortable dito." Sagot ko " I'm not. I just don't like that red mascot." Sabi nya habang naka cross pa ang dalawang kamay. Hindi naman nagpachismis si Jollibee at biglang bumaba galing sa second floor at nag greet sa mga tao dito. " I swear if that thing happens to come over hear, I'll scatter it's brains." Bulong ni Azithere sa sarili nya. Pero alam nyo naman ang mga Jollibee Mascot, nature na nila na maging makulit kaya lumapit ito samin. " Hey, get away." " Azithere, you're being a killjoy." Saway ko sakanya habang natatawa. My goodness I could watch this scene everyday. Kinuha ko ang cellphone ko at saka sinet sa camera. Sinenyasan ko ang mascot na mag posing. Nagselfie ako at captured ang mukha ni Azithere na hindi na ma drawing. " Omg haha, magandang pang wallpaper to. Thank you!" Sabi ko Nagpaalam na ang mascot at saka bumalik sa taas. " That's not funny wife." Inis na sabi ni Azithere " Umayos ka. I'm having fun here " Sabi ko habang nagpipigil ng tawa ko Para syang batang inagawan ng laruan habang tinitignan ako ng masama. " What?" Natatawa ko paring sabi. This time ngumiti na sya sakin at nawala ang kulimlim sa mukha nya. Tumayo sya at saka biglang nilapit ang mukha nya sakin. Ganun nalang ang gulat ko nang nakawan nya ako ng halik. Parang nag lag ako sa ginawa nya. Nahimasmasan lang ako nang may mag flash sa mukha ko mismo. " This photo deserves an award. Don't you think this is worth millions kapag binenta ko?" This time sya naman ang Nagpipigil ng tawa. " Hey- Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang buzzer ko at ilang segundo pa ay paparating na ang mga waiter dala dala ang order namin. My foods! Omg gutom na gutom na ako. " Good afternoon ma'am and sir. Here's your food." Sabi ng tatlong crew at saka isa isang nilagay ang food namin. " Bakit ang dami naman yata? Mauubos ba natin yan?" Tanong ni Azithere sakin. Especially ang dalawang bucket ng chicken joy at family size na spaghetti. Nginitian ko sya ng malapad. " I'm hungry. Kapag hindi naubos. We can just take it out or give to the less fortunate." Sabi ko Ganun naman talaga ginagawa ko. Madalas akong pumupunta sa mga orphanage at mga taong hindi gaano nabiyayaan ng mga materyal na bagay. Mayroon din kaming sanctuary para sa mga bata, babae at mga teenagers na nasagip namin. Minsan dalhin ko tong asawa ko sa mga bahay ampunan para magising sa katotohanan na masama ang ginagawa nya. Binigyan ko sya ng isang plate. " Be my guest and eat." Sabi ko at saka inumpisahan na kumain. Sya ay sumubo din. Napahagikhik ako nang makita syang ganado sa pagkain lalo na sa spaghetti at chicken. Inumpisahan din nyang atakihin yung burger at french fries. " Zee, tignan mo to." Sabi ko at saka pinakita sakanya ang ginagawa ko Dinidip ko yung fries ko sa sundae. He did not disappoint me dahil sinusunod nya naman ako. " You really know your food Wife." Sabi nya habang nilalantakan parin ang fries. " This is better than ketchup. I'm sure this isn't the last time na kakain tayo dito. Minus the red mascot please. He's terrifying." Sabi nya " My goodness. Don't tell me you have phobia sa mga mascot?" " I was diagnosed with Masklophobia when I was a child. That's the reason I never go to restaurants with Mascots. Not even McDonald's." Sagot nya sakin Napatampal naman ako sa sarili ko dahil hindi ko naman alam. " Next time, let's eat somewhere else okay. I apologize." Sabi ko Hinawakan nya ang mukha ko at saka marahan na hinimas. " I always want to see you smile. Even my greatest fear will never be a hindrance to your happiness. Enemies or not. My Love for you is not something I have to hide. " Sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa mukha ko. I guess I'm really Bewitched by this Mafia Emperor
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD