CHAPTER 2: AZITHERE

1552 Words
Victoria's POV "Hayy boring." sabi ko habang nakapangalumbaba sa kusina habang nilalantakan yung cheesecake na inorder ko kahapon. Walang misyon ngayon sa Org. Lie low kami ng ilang linggo bago bumalik ulit sa ilang misyon dahil baka kami ang gilitan ng leeg ng mga may ari ng accounts sa Dark web na binura namin at ininfiltrate. Napatingin naman ako dito sa halimaw sa bangang to.Grabe naman kasi to si manong. Magdadalawang araw nang hindi nagising ang kumag na to. Ang haba haba na siguro ng pinanaginipan nito. Konting konti nalang talaga at tatawagan ko na talaga ng tauhan sa hospital. Kasi naman, hindi naman ganun ka lawak ang alam ko. Paano nalang kaya kung mamatay to dito, edi cargo ko pa pag nagkataon. Nilipat ko na rin sya sa isang room dito kasi nangangamoy na yung couch . Buti nalang dumating na yung mga kasambahay namin at pinapalitan ko yung couch. Binihisan ko na rin Ang Pasyente ko, at chinecheck ko rin before kumain.Paano ko binihisan? Aba syempre hinubaran ko. Nakita ko pa nga yung ano . Tinatanong nyo kung malaki? Akin nalang yun wag kayong uhaw jan, bibigwasan ko kayo eh. Teka ichecheck ko muna sya.Maaga pa naman kaya mamaya na ako maliligo. Azithere's POV Nagising ako sa sikat ng araw. Hell my Head is Splitting. Teka? Posas? Unbelievable! And I can clearly remember what exactly Happened to me. *Flashback* I was Running for my life. Because I forgot the most Important thing, That I never should have left behind my back. Kaya ako ngayon ang Naaagrabyado. s**t . I saw a House. I run there for my own sake, Medyo may kalayuan sa main road pero kaya lang, at yun lang din ang unang bahay na nakita ko, Walang ilaw. Bakit ba sa ganitong eksena lagi nalang brown out kung hindi man brown out umuulan. Inakyat ko ang bakod. Kinalampag ko ang pinto, Nang malaman kong hindi naka lock ay binuksan ko. KAso Nakalimutan kong sarhan dahil kumikirot na ang tama ng bala at saka nakikita ko na kasi sa malayo ang ilaw ng Motor na sinasakyan ng bumaril sakin. Kaya nagtago nalang ako sa may malapit sa bintana. May tao dito malamang . At nasesense ko na may bumababa sa hagdan. " Sino Ka?" Tanong ko " Ang kapal naman ng bagang mo. Hindi ba dapat ako ang magtatanong sayo nyan?" Tumayo ako at lumapit sakanya para sana humingi ng tulong " Wag kang lalapit" sabi nya Pero nanghihina na talaga ako kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, tuluyan akong natumba. End of Flashback Ahh s**t ang sakit talaga ng ulo ko. Puro puti lang din nakikita ko sa paligid. Nasa ospital ba ako? Pero hindi naman to mukhang hospital. At saka saan nanggaling ang posas? Pina aresto ba ako ng babaeng yun nung nahimatay ako? " Gising ka na Pala? Kamusta lagay mo?" " Nasaan ako??" " Ang galing ng sagot mo , Tinatanong kung kamusta tapos ang sagot mo nasan ka?" " Okay na ako." Akma kong tinayo ang sarili ko pero bigla akong nahilo kaya napaupo ako ulit " Oy pare pinaghirapan kitang gamutin wag mo namang sayangin, kapag bumukas yang sugat mo ililibing nalang kita ha." yan ang sabi nya habang naka cross arms. Pero teka, sya ang gumamot? "Ikaw ang gumamot sakin? Paano? Ang bata mo pa ah. How did you manage to do that?" " Well, my family's a doctor. Kaya easy lang sakin ang mga ganyang bagay, besides I only knew few surgeries by all means pero wala pang actual experience. Swerte mo at hindi ako sumablay. But you're safe now kasi nakuha ko na yung dalawang bala. I didn't bother to call a doctor or police kasi hindi ko trabaho na makialam ng buhay ng iba." Like,seriously? Kinaya nyang kunin ang bala? Ni hindi sya natakot sakin or sa sugat ko? " Ikaw ba yung kagabi?" tanong ko " Anong kagabi? Dalawang araw ka na dyan sa hinihigaan mo." That long?Buti hindi nila ako nahanap dito. I have to find my phone. "Nagugutom ako" yun lang sabi ko para matignan ko ang kabuuan ng lugar. " Okay, wait here." Sabi nya saka lumabas Victoria's POV Nagising na sya, But it will take a week or two to heal those wounds completely. " Nay tulungan nyo nga po akong maghiwa nito" sabi ko saka inilabas ang mga carrots, patatas , at cabbage. " Opo maam" sabi nila nanay dalawang personal na katulong ko dito sa bahay " Sabing Victoria nalang po Mga nay" sabi ko habang hinihiwa ang manok " Victoria Iha pwede bang magtanong?" sabi ni NAy Andrea " Ano po yun NAy?" sabi ko " Boyfriend mo ba yung nasa guest room?" singit naman ni Nay Suzy " Naku nay hindi po. BAkit nyo po natanong?Pasyente ko lang po yun" " BAgay kasi kayo. " sabi ni nay suzy saka nagkatinginan pa silang dalawa ni nay andrea at nag apir. To talaga parang mga bata " Haha NAku nay mamamatay muna lahat ng lamok bago ako magkaboyfriend." sabi ko -------- " Wow Anak ang bango naman ng Sopas na niluto mo" Puri sakin ni nay Andrea " Salamat po NAy, TAmang tama dahil may Kimchi ako dyan sa ref. PAra po to sa atin, Oh ayan luto na," " Ako na ang magsasalin sa malaking bowl" presenta ni nay Suzy " Salamat po" sabi ko habang kinukuha ang kimchi sa ref NAglagay ako ng sopas sa bowl at naglagay ng kimchi sa platito tapos nagsalin ako ng fresh milk sa baso. " NAy mauna na kayong kumain, aasikasuhin ko pa ang pasyente ko eh" Sabi ko " Aba nagising na pala?" Sabay pa nilang sabi " Hmm opo, kani kanina lang" sabi ko naman ---- " tao po" tawag ko sa pinto at pumasok Kinuha ko muna ang bed table. Akalain mo yun may pakinabang na pala to? " Sorry natagalan, " " Okay lang salamat" sabi nya at ngumiti KUmain lang sya habang ako pinagmamasdan ko lang, Infairness ngayon ko lang napansin na gwapo pala to. MAhaba ang pilik mata. Dark Green ang mata. Tapos ang puti nya . Kissable Lips. Ponyeta talaga, Kung tatamaan man ako wag naman ngayon. " Hindi ako makakain ng maayos kung tititigan mo ko. Alam kong gwapo ako" sabi nya habang nakangisi " By the way, have you seen my phone?" " Sandali kukunin ko lang, tinago ko muna saka chinarge ko na rin." Azithere POV In fairness, she cooks so well. The place so far looks safe and I think I can recuperate here for a few days. The best food I've tasted so faf Pati kimchi di nakaligtas sa taste buds ko. "Oh eto phone mo ilalagay ko lang dito sa desk. Grabe gutom na gutom ah " bungad nya pagkapasok " It's great" sabi ko, gutom pa talaga ako " Gusto mo pa ba?" Tumango lang ako at kinuha nya yung tray. Lumabas sya at ako naman inopen ang phone ko Sumabog agad ang notification ko sa daming mis call at messages, halos puro kay Alexander at Tyronne . Nag aalala na siguro sila sakin matawagan nga si Tyronne muna ( Oh boss nakanamputcha akala namin patay ka na!) " Son of a b***h, buti na ngalang nabuhay pa ako dahil nasayo ang baril ko. Wala kang salary this month makikita mo." Sumbat ko ( Sorry naman, Di ko naman alam na aambushin kayo ni Alexander ng Dominic na yun) " HOw's ALexander?" ( HE's fine, He is currently on his home town.) " buti naman" " Oh Dude heto na ang sopas mo, dinamihan ko na ng lagay pati kimchi at gatas dinamihan ko na rin." ( Who was that?) " My life saviour, Ohsya mag usap nalang tayo mamaya" I ended the call " I owe you." " Wala yon,Basta wag ka magloko dito sa pamamahay ko kundi babangasan kita." " Mind Introducing yourself miss?" tanong ko sakanya " Sa lahat ng tao ikaw talaga yung makapal. Kagabi tinanong mo pa ako kung sino ako eh diba dapat line ko yun? Pero sige since mabait ako, I am Victoria Graciana Melendez. Ikaw? " sabi nya " Azithere nga pala, Azi nalang Im 26 Years old." " Nice to meet you Azi, Although it was a bad start, but I guess you can be a good friend. I hope so. Ano nga pala ang nangyari sayo at ganon nalang ka lala yung situation? Don't tell me nagnakaw ka at hinahabol ka ng mga pulis?" Good Riddance Im not a good friend, Im afraid. " I was ambushed by a person. He is our family's enemy a long time ago. Pinatay nya ang parents ko and he is also after me. Ilang taon ka na ba Victoria?" TAnong ko " Im 18 years old. Just call me Tori. Grabe kawawa ka naman. Don't worry since,I know your name and probably hoping your story is legit. I'm going to let you stay for a couple of days." " Seriously?" " Mukha ba akong nagloloko?" " You are too young to do a surgery, too young to accompany a stranger." " Being a life saver runs in the family, Pero sandali lang ah, MAgreready pa ako sa Home School ko eh. Jan ka lang. Wag kang aalis. " So She has Home school.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD