Chapter 35: Act of Service

1606 Words
Victoria's Point of View I sent the organization my Whereabouts first and connect my phone in the GPS where they could easily track me just in case I'll be taken away again. " You don't have to put your guard on. Hindi naman ako nangangagat Victoria." Sabi ni Azithere habang pumapasok sa bahay nya. Medyo malaki lang sa bahay namin ito. " Talaga lang ha." Sagot ko " Please Your Highess. Wag kanang sumagot ng pabalang kay Azithere. He really meant no harm." Saway samin ni Cazen " Brazen." Parinig ko Umupo lang ako dahil pakiramdam ko masusuka ako. " Are you okay?" Tanong nya sakin nang makalapit ito. Tumango lang ako at saka sumandal muna sa sofa dahil feel ko nahihilo talaga ako. Ganito pala ang magbuntis. Hindi maintindihan ang mood swings. Kawawa naman si Skyler dahil si Valentine ang nagdadala ng paglilihi ko. Pero mukhang timamaan na din ako ng paglilihi dahil gustong gusto ko nang kumain ngayon ng chocolate na binili namin ni Valentine. Hinanap ko ito hanggang sa Kotse ni Azithere na pansin ko ay ito yung ZENVOST na binigay nya sakin. So dinala nya hanggang dito yung regalo nya sakin? Hinalungkat ko pa ang kotse pero hindi ko ito makita. Don't tell me nakay Valentine ang Chocolates at cake na binili ko. " Victoria?" Tanong sakin ni Cazen Sinundan nya pala ako sa Kotse. Lintik naman. Nagugutom ako. " May Cake kayo sa Ref?" " May binili ako kanina sa Cake store. Kainin natin yun." Sabi nya Pinagpapawisan na ako sa hilo at nasusuka. Gusto ko ng matamis talaga. Nang makita ko ang mga Cake sa ibabaw ng Lamesa ay walang sabi sabing kinutsara ko ito at agad ko itong kinain straight from the lalagyan. " Your Highness, sisindihan ko pa yung kandila." Nanlulumo nyang sabi. " Bakit? Ano bang okasyon ngayon? " It's August 8. Birthday ng Asawa mo. Ito din yung araw ng death anniversaries ng mga namayapa naming pamilya kaya gabi ang pagsindi namin ng Cake." Sabi ni Cazen So that's why nanduon sila sa Cake shop. I literally misunderstood them. Naramdaman ko na may paparating papunta dito sa kusina. " Uhm Kuya, pasensya kana. " Sabi ni Cazen at tinuro ang cake. " Sorry." Nakayuko kong sabi Naramdaman ko na hinalikan nya ako sa noo. " It's okay. Let's just eat. " Sabi nya at saka kumuha din ng kutsara at ginaya ako. " Ahm, Happy Birthday. " Sabi ko " Thank you." Sabi nya " Uy magbabati na yan." Sabi ni Cazen habang nakatingin saming dalawa. Azithere's Point of View " This will be your room." Sabi ko at tinuro sakanya ang master's bedroom. " You mean our room?" I just shake my head. " You'll have your own privacy here. It's the least I can do for you." " You didn't tell me about Cazen." She blurted Bumuntong hininga lang ako. " Ayaw lang nya ng masyadong atensyon mula sa mga Mafia. Few of us knows about her real identity but apart from that. Wala na syang pinagsabihan. I was really shocked when she just shouted that information in public. " Sabi ko Tumango lang sya. " I hope you have a goodnight sleep. " Sabi ko bago bumaba. " Happy Birthday Ulit. I'm sorry about the cake." Sabi nya I just smiled at her and pat her head. " Don't worry about it. Go rest." Si ko at tuluyang bumaba. Naabutan ko si Cazen na naglilinis ng baril ngayon. " How's my Confidant? I mean the corpse?" Tanong ko " Oh you mean that snake? Sorry, I did it." Natatawa nyang sabi " What did you do to her?" Tanong ko " Oh nothing, she pissed me off and I happen to be in a bad mood when I saw her. So I skinned her alive." Sagot nya I grabbed her hand and greeted her with my eyes. " I did it with no means of offense to anyone." Sabi nya at saka binalya ako na para bang hindi ako ang Emperor na tinitingala nya. " Pasaan ka?" Tanong ko " I saw Some critters around the corner and I thought I might play with them for a little bit." Sabi nya habang nay malawak parin na mga ngisi. " Don't go overboard okay. Be careful." Sabi ko " Yes Kuya." Sabi nya at saka lumabas na ng bahay She had those tendencies na sya mismo ang pumapatay kapag may naramdaman sya na may ibang mata na nakasunod samin. That goes without saying to my Confidant. If she tells me she's a danger, then it is a danger. I'm sorry if you have to die under Cazen's hands. Victoria's Point of View " What happened to Python?" Pabulong kong sabi habang tumatawag kay Charlie " Python was found dead and waa skinned alive." Sabi ni Charlie sa kabilang linya Kinuyom ko nalang ang kamao ko sa nangyari. Alam kong may alam na din si Azithere dahil isa si Python sa pumasok sa Europa para sagipin ako. " But we found a footage na nakasilid sa isang memory card na nasa kamay nya nang matagpuan namin." " Anong nakita nyo?" Tanong k " Mas mabuti pang ikaw na mismo ang manood Nito. Itatransfer ko sayo ang video. " Sabi ni Charlie. Pagkatapos ng tawag ay saka rin nag pop up ang video. Isang beses ko lang ito mapapanood dahil pagkatapos nito ay mawawala din. Ito ang link ng DWE at hindi dapat magkaroon ng ibang access ang outsiders. Huminga muna ako ng malalim bago panoorin ang video. Nakita ko si Python na binabalatan ng buhay ng hindi nakikilalang tao. " How dare you make a plot against the new Empress. " Sabi ng naka black cloak na tao. " Hindi ko alam ang sinasabi mo!" " Sinong pinaglilingkuran mo?" " Wala! Wala akong pinaglilingkuran. Cazen pakawalan mo ako dito." Sabi nya " Oh, Alexander fought with you that night na kinuha nyo si Victoria. If you're not loyal with Victoria and neither with the Emperor. Tell me. For whom do you serve?" " Wala akong sasabihin sainyo. Mabulok kayong hindi malalaman ang lakas ng mga Alon!" Sigaw ni Python Ilang sigaw at sunod sunod na putok ang narinig ko bago mag blurred Ang video. Hindi ko nasikmura ang ginawa kay Python pero. Bakit? Bakit Python? Biglang sumama ang pakiramdam ko kaya nagpasya akong mahiga nalang muna at matulog. Valentine's Point of View " Ahh." Sabi ni Skyler habang sinusubuan ako ng mango float na gawa nya. " Grabe naman maglihi yang kapatid mo. Nadadamay ka." Sabi nya " Ayaw mo non, napagsisilbihan mo ako." Sagot ko naman habang patuloy ang pagnguya sa Mango float " Sabagay, may point ka. Eto pa isa pa. " Nilapit nya ang kutsara sa bibig ko at nang akma na akong susubo ay saka nya inilayo ang kutsara " Ano ba! " Bulyaw ko sakanya " I've been thinking about this for so long Val. Eversince nag start ka na maglihi ay pakiramdam ko nag iba kana. Hindi kaya pwede na ako ulit manligaw sayo? Payagan mo na ako." Sinsero nyang sabi sakin habang hinahawakan ang magkabilang kamay ko Inilayo ko ang mukha ko sakanya. Ano nga ba ang nararamdaman ko kay Skyler? " Pinakilala mo na akong Asawa s***h girlfriend mo sa pamilya mo. Ano pabang pagpayag ko ang hinahanap mo? Eh hinahayaan na ngalang kita sa mga gusto mo." Sagot ko " Gusto ko yung galing mismo sayo. Yung pormal. Yung sa bibig mo mismo nagmula na pwede na. Ilang taon Val. Kaya kong maghintay ng ilang taon." Sabi nya at saka pinagpatuloy ang pagsubo ng mango float sakin. Natahimik naman ako sa sinabi nya. Ganun ba nya talaga ako kamahal? He's even in fact willing to wait even for another years to come just to hear my answer. Binalingan ko sya. " Salamat sa pagiging matyaga mo sakin Sky. Pero hindi ko alam. Baka masaktan kita. Hinfi ko alam magmahal. Sana maintindihan mo ako." Sabi ko Dati paman, hindi ako natuto na magmahal. Kung si Victoria ay madaling ma attach sa kung sino. Magkaiba kami. Gusto kong magmahal. Pero hindi ko nararamdaman yon. Ang pagbugso ng damdamin. Ang paru paro sa tyan. Ang oras na tumitigil kapag alam mo na may nararamdaman ka din sa taong yun. Nababasa ko yun lahat. Pero hindi ko alam kung anong mali sakin. Sinubukan ko naman. Kahit sino sinubukan kong mahalin. Madami akong nagustuhan. Pero sa tingin ko naiiba talaga ako. At sa hindi inaasahang pagkakataon. Yung taong dati kong kinaiinisan ay yung tao pa na sa isang paglapat lang ng labi nya sakin ay sabay sabay kong mararamdaman ang lahat ng nabanggit ko. I was stunned when he suddenly pressed hid lips towards mine. It stayed that way for about 30 seconds bago nya ito bawiin. " Ayos lang na ako ang masaktan mo. Pinapangako ko naman sayo na ni minsan ay hinding hindi kita magagawang masaktan. Kahit pa anong mangyari. Kahit magulo man ang mundo at kahit ilang beses mo pa ako makita na maging masama. Hinding hindi ako gagawa ng bagay na ikakaksakit mo. Nag iisa ka lang Valentine. Ikaw lang yung babae na siguro kahit kakambal mo pa ang kaharap ko. Ikaw parin ang pipiliin ko." And With that I think I fell in love for the first time. With the Man who continuously expressed his feelings for me. It took me a lot of years to finally feel those words that I only read in books. Gusto kong sampalin ang sarili ko. But I guess my new cravings is his love Language. His Act of Service.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD