LlMauvie's POV
Sa wakas tapos na ang classes ko kanina pa ako atat na atat umalis baka hindi ko na maabutan si Zaden Jace Kang.
Ako ang pinaka unang lumabas nagulat nga ang iba kong mga classmates eh! Bahala kayo dyan kailangan ko ng umalis.
Sakto lang ang paglabas ko ng school kasi kasasakay lang nila sa mga sasakyan nila. Saktong may taxi'ng dadaan pumara ako at sumakay.
"Manong sundan mo po yon pretty puhleaaase, take note wag kayong papahalata ah?" nagsalut pa si koya habang nagd'drive na.
Nakarating kami sa lugar na super gulantang! Grbe bakit ganun?
Para lang sila nagra'racing sa kahabaan ng highway. Ang bilis ng pagpapatakbo na taranta sa koya sa pagd'drive hindi niya kaya ang ganun ka bilis.
Bumalik kami sa katauhan nagbayad na ako at dinoble ko pa. Pagkababa ko natawa pa ako kay koya sa nag salut nanaman ito. Gabi na sigurado akong hindi ko sila maaabutan. haays. sumuko ka na Mavs.
Pero napatago ako sa malaking halaman ng nakita ko silang lima na susuong pa lamang sa iskinita. Naglalakad lang silang 5.
Ang gwapo nilang lima!
oh wait? this is my chance hindi pa tapos ang gabing to! Hindi pa ako nakakauwi na luhaan.
Nagsimula na akong sundan sila nang may distansya na sila galing saakin.
♬♬heto ako ngayon nag iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim♬♬
Dapat maingat na ako, di ako pwedeng ma epic fail. Kailangan kong malaman ang headquarter na pinagsasabi sa sss fan page niya.
Nacurious ako, gusto kong makita personal. PERSONAL!
Dahan-dahan at para di rinig ang hakbang ko, naka paa lang ako. Di bale na ang mga fungi at bacteria dyan. Matuloy lang ang mission ko, hahahahaha exciting to!
May nakita akong halaman na malaki. Basta hindi ako magaling magdescribe. Pwede na to!
Paglumilingon sila sa likuran yun ang camouflage ko, wala kasi akong mapagtataguan eh! Syempre madilim, masikip kaya wala talaga akong ibang mapagtataguan.
Ohryt. Kaya mo yan Mauvie. fighting!
Nakalipas ang 20 minuto naglalakad parin sila, hindi ko alam ang layo pala no? Kanina pa kami paikot-ikot, may mga lugar na pabalik-balik lang kami.
Yung tipong sasabihin mong "Galing naman dito. Same wall lang to sa isang kanto ah?"
oh kaya.
"Dito ako nanggaling kanina diba?"
Nakapagtataka, bakit pabalik-balik lang kami dito? Kadadaan lang namin sa damping site banda ah? Bakit nandito nanaman kami ulit dito? Takip ilong ulit mode.
Lakad lang sila ng lakad, ako rin lakad lang din ng lakad, buti may water ako dito. Hinihingal ako.
Hay nakakainis naman to ang sakit na ng mga legs ko eh, tsaka madilim na talaga sigurado ako'ng hinahanap na ako saamin.
Nandito na eh! Panindigan mo yan Adora.
Hinang hina na ako, binalik ko ng suot ang sapatos ko, mukhang ipagpapabukas ko na lang to!
Pero nang nakita ko sila medyo malayo layo na, I easily change my mind. Nandito na ako noh! Ehy back out hindi ganyan ang gals scout.
Kinailangan kong tumakbo, sayang ang ng effort ko kung mawawala sila sa paningin ko.
Ito na nga tumatakbo na ako ng hindi nila namamalayan. Tsaka ko lang napagisip na..possibling alam nila na may sumusunod at nililigaw nila....
"Hmmmmmmp" may humila saakin at tinakpan ang bibig ko.
Bigla kong naramdaman ang paghina ng mga binti ko marahil pagod na pagod na ito at ang lakas din ng hatak ng taong to saakin.
Lalo akong nanghina ng nagsalita na siya, nasa likuran na ang dalawa kong kamay at ginapos niya gamit lang ang isang kamay niya.
"Bakit mo kami sinusundan? Ang Monster Gang ba ang nagpadala sayo? o ang Turn it Up Gang magsalita ka!" malamig na sabi ng lalaki saakin. Mahigpit niyang hawak ang mga kamay at bibig ko.
"Hmmmmmp" yan lang ang sagot ko.
"Ginagago mo ba ako? sigurado akong spy ka nila. Anong motibo nyo? Magsalita ka!" sinigawan pa niya ako, ano ba tong pinagsasabi niya? Stalker ako hindi member kung anong sinasabi niyang gang.
Ako member ng gang? Mukha ba akong gangster? I'm more like innocent kaya. Pinagsasabi ng mamang to!
Infairness mabango siya, hindi strong scent. hmmmm ang bango bango niya.
Naramdaman ko na nakasandal siya sa wall at kinakayang hindi ako mabitawan. Tsaka familiar ang boses ni koya, parang bago ko lang narinig from somewhere.
"Hoy, bakit tahimik ka sumagot ka! Pinadala ka ni Haru-Haru? Hindi pa ba kayo sawa matalo ha?" na space out pala ako, pero totoo familiar talaga boses niya.
"Hmmmmmp" yan lang ang kaya kong sagutin.
"Ginagalit mo ba ako? Hindi mo ba ako kilala ha? Kaya kitang patayin ngayon din, kaya magsalita ka" natakot ako sa sinabi niya. Katapusan ko na ngayon, papatayin niya ba talaga ako? As in walang tawad?
Mahigpit ang pagkakahawak niya saakin, kaya no choice ako. Ayoko ko talaga siyang saktan pero kailangan kong gawin.
1
2
3
"Aaaaaaaarghh" nabitawan niya ako agad at sumigaw pa ito ng napakalakas.
Hindi ko intensyon na saktan siya pero kasi..Hindi ako makakasagot sa napakarami niyang tanong kasi tinatakpan niya ang bibig ko.
"Gago ka ba? Gusto mo na bang mamatay ha? bakit mo ako tinadyakan ha?" impit na impit ito sa sakit.
"Hindi ako gago no! Kanina mo pa kaya ako sinisigawan aba! masakit na tenga ko no!" nagpamewang pa ako, bagay naman pala sa kanya ang ginawa ko.
"Abat sumasagot ka...Babae sa garden?" nagulat ako. OMG si..si.. Giovanni? The Deuxieme?
Bigla nalang kasing umilaw sa poste. Kaya nakikita nanamin ang isat isa.
May ilaw pala dito? Bakit may intense pang conversation in the dark?
"Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba kami?" gulatang ako sa nakita. At the same time Paktay na ako nito. Huli na ako sa akto!
Anong gagawin ko? Tumakbo ka na Adara Run for your life. Kailangan ko ng kumuha ng visa at pumunta ng America, doon nalang ako magtatago sigurado akong ipapapatay ako ng Premier pag nalaman niya ito.
"Huh? Ako? S-sinusundan kayo? P-pinagsasabi mo dyan?" pagtanggi ko. Tama Adora, ideny mo ang lahat ng itatanong niya. Ito lang ang paraan para mabuhay kapa ng 70 years.
Wala ng extension Mavs? Pinagplanuhan? Punta kana sa insurance company or something.
"Ikaw din ba yong sumusunod saamin nung isang araw?" malamig nyang sagot.
Napanga-nga ako, Ohmy sapol na sapol nabubuko na niya na ako nga yon.
"Hoy. Sumagot ka?" na space out nanaman ako.
"H-ha? Hindi ha? Nawawala ako..Oo tama nawawala ako. Tumakas ako sa sundo ko, hindi ko alam ang daan pauwi, hindi ko alam kung anu-ano yang binibintang mo saakin" TAMA yan Adora. Maniniwala na yan just act like an innocent liar.
Tinignan niya ako ng masama. Nakakatakot Ohmy. Kailangan ko na ba ng Plan B: how to escape in the case like this?
"Umuwi ka na, hindi ka dapat pumapasok sa ganitong lugar" command iyon.
"Oo nga. Pauwi na nga ako oh cge bye bye ingats ka! Take care, care bear" nag wave pa ako patalikod na.
"Ihahatid na kita" sabi nito bigla.
Eh? ihahatid niya ako?
TAMA ba ang dinig ko? Ihahatid niya ako? mag s'sweet escape na sana ako eh!
Kasi ba hilain niya ako bigla tapos dadalhin niya ako sa headquarter nila. Tapos ipapaharap nila ako sa Premier. Tapos magdedesisyon silang ipakasal ako kay Zaden Jace Kang, joke! Baka ipasalvage nila ako o kaya hazing? or something.
jeez, kanina ka pa sa something na yan Adora ha? Bagong words naman.
"Ha? eh? B-bakit naman ako maniniwalang ihahatid mo ako? baka pag sumama ako, nasa headline na ako ng news bukas" lumayo ako ng konti, bakit ba ako nagkakaroon ng conversation sa gangster na to?
Tsaka naisip ko na, na p'percieve ko na ang mangyayari saakin bukas.
Headline: Heiress of Santibanez Global Corporation -- was just raped and found dead in Manila Bay.
Ohmy. Kailangan ko na talagang tumakbo.
"At ano naman ang gagawin ko sayo? ha? hindi ko nakakalimutang nireject ako ng isang katulad mo!" matalim na sabi nito, nakasandal lang ito sa poste! Prenteng-prente, gwapong-gwapo shocks! mamatay na nga ako namimigay pa ako ng puri.
"Eh..Wag na nating pag usapan yon..Uuwi na ako bye bye good riddance peace for life" bastos ba? Pero kailangan ko pang mabuhay so. Ako'y eexit na bahala siya sa buhay niya.
"Akala ko ba hindi mo alam pauwi, ba't kabisadong-kabisado mo ata?" I felt like he is smirking behind me. OMO mahuhuli na niya ako.
Patay na. Baka sasaksakin na niya ako sa likod. Back Stabber siya, patalikod kong pumatay, mamatay ako na sinaksak sa likod. Bakit paulit-ulit lang ako?
♬Crayon ring tone♬
"Premier" nagsitaasan ang balahibo ko. Ohmygasp! Si Zaden Jace Kang.
Napahinto ako bigla, hindi ako makagalaw. Sana hindi ko nalang siya sinundan, ito na pala ang huling gabi ko.
Teka lang..Kung papatayin lang naman niya ako, dapat kanina lang. May pag asa bang may awa ang lalaking ito saakin?
"Wala akong naabutan na sumusunod saakin..False Alarm..I'll be there in a while..." did he just..
"Ihahatid na kita" hinila niya arms ko at naglakad palabas sa iskinitang ito.
"Diba..P-pinaghihinalaan mo ako? B-bakit di mo ako s-sinumbong sa Premier?" tanong ko, hawak hawak parin niya kamay ko.
"Ang sabi mo saakin, nawawala ka. Hindi mo alam kung saan ang pauwi sainyo" sagot niya. Nasa unahan siya hinihila niya ako.
"So?...Hindi mo ako sasaktan?" nagpapahila naman ako sa kanya.
"Hindi, tumahimik ka na, dami mong tanong" napa zip nalang ako sa mouth ko. Patuloy parin kami sa paglalakad.
After one minute.
"Pwede ba tayong maging friends?" hindi ko talaga kayang patahimikin ang bibig ko.
"Hindi" tipid na sagot nito.
"Okay" taray naman ni koya. Ako na nga nag aalok tumatanggi ang lolo niyo medyo lumalaban.
After a long walk, nakalabas na kami sa masikip na iskinita. Hindi ko rin pala natanggal ang arms ko sa kanya.
"Wait here" he never gave a gaze and left. Sabi niya wait here. So I will wait.
After 5 minutes, may humintong bigbike sa harapan ko. Medyo pahambog ang may ari nito, wala lang feel ko sa aura niya. Pasikat! Sa harapan ko pa talaga nagpasikat edi sya na ang may magandang bigbike, ikaw na koya.
"Hoy. Bakit palagi kang tulala" napaatras ako ng may lumipad palalapit saakin?
Si Giovanni pala ang may ari, hahaha hindi ko naman alam eh! Marami tuloy akong nasabi.
"Sasakay ka ba o hindi?" sabi nito.
Agad kung sinuot ang helmet at sumakay, buti naka jeans ako.
"Let's go" pagkasabi ko nun, umandar na at napayakap ako bigla sa kanya. Kung makadrive naman to! Nakakamatay, gusto niya ba talaga akong patayin?
Ikaw Deuxieme ha? Pa simple karin sa tsansing eh.