Mauvie's POV
"Hoy Mother Naturelables anyare sa feslak mo? Hindi ko ma paint paint, tulalables ka!" yan ang bungad saakin ng mabait kong bestfriend na si Kevin.
"W-wala" agad kong sagot. Promise hindi ako nawindang, ang dali dali ko lang mag move on. Sobra! Siya ba talaga yon? Ang nagligtas saakin kagabi?
"Waley daw oh! pakshet Adora kilalables na kita dai spill mo na yan" pangkukulit niya, hindi ako titigilan nito eh.
I look at her exhaling. wala ng inhale inhale!
"This morning....." nasa classroom na kami hinihintay ang prof namin sa literature, umupo si Kevin sa harapan ko.
Flashback
"Good Morning" I was shock to the man who just entered.
What is he doing here?
"Hijo, you're early" galak na pagpapasok ni dad sa kanya.
Close na agad sila?
"Gusto kong mapa aga kami eh! May activity pa kasi si Mauvie. Kailangang maaga" tinignan niya ako at ako naman gulantang na gulantang.
Is this true?
"Nakakahiya naman sayo hijo, sinundo mo pa tong kupad kong anak!" sabi ni mom. Hanggang ngayon hindi parin ako makakain sa gulat.
shiz. totoo ba itetch?
"Mavs di ka man lang ba kikibo dyan? boyfriend mo oh?" shaks! hindi ko talaga aakalaing nandito sya ngayon. Siya ang tinutukoy ni dad that I'm dating? Bakit?
"Giovanni halika sabayan mo kami" pag aaya ni mom.
Oo ang deuxieme. Siya ang nandito, pero hindi niya kaboses yung kagabi eh! Hindi tlga ang layo promise.
"Kumusta ang boses mo?" tanong ni dad. Parang sya narin ang nagtanong ng utak ko.
Anyare sa boses niya?
"Okay na sir. GoodMorning Adora?" tingin saakin ni Giovanni. Nakangiti medyo maaliwalas siya ngayon.
Hindi ko alam kung iaalis ko ang tingin or what? Or aastang walang narinig. Ano bang dapat kong ireact?
"Adora? Your boyfriend is greeting you goodmorning bakit di ka sumasagot?" medyo may pagka authority ang boses ni dad.
Medyo nataranta ako, OMG! Anong sasabihin ko?
"Huh? e-eh! G-goodMorning l-love" OMG! love? yan ba talaga ang lumabas sa bibig ko?
Mismo ako ay nagulat sa pinagsabi ko dito. Love? Pwede ko namang sabihin Gio nalang eh! bakit Love Mauvie?
"Aaaaaah it's cute" kilig na sabi ni mom.
"You eat now love. Marami ka pang activities this day magpalakas ka!" nakangisi ito saakin na parang tatawa na.
Yumuko lang ako at tinatapos na ang kinakain ko. OMG! so awkward katabi ko ang pangalawang leader ng Black Gang. OMG! ang sikat na si Gio.
___________
I can see my mom waving goodbye. Sinakay na ako ni Gio sa sasakyan niya, ang bango naman dito, hindi niya dala ang bigbike niya?
"Ba't tahimik ka?" nandito na pala sya. Inistart niya ang engine and off we go.
"B-bakit iba ang boses mo kagabi?" unang tanong ko nakalabas na kami ng mansion.
"Hahahaha yun ba? Trip ko lang you should have seen yourself nakakatawa ka!" tawa nito.
"Ha.Ha.Ha.Ha hndi nakakatawa. Anong ginagawa mo sa mansion namin kagabi?" naiirita ako sa lalaking to pinagt'tripan ata ako.
"Na curious ako sa bahay nyo kaya napadpad ako sa loob" patuloy lang ito sa pag d'drive. I'm hindi sya dumaan sa gate, dahil hindi nagkagulo ang mga guards. What do I expect from a gangster then?
"Bakit kailangan mo pang magpanggap na boyfren ko ah? pwede ka namang magbigay ng ibang dahilan" Oo nga bakit nga ba? He's dating me? medyo kinikilig ako ah?
"Chill! Ano naman ang sasabihin ko? kasama kita kasi nagpasama ako sa parlor?" natawa ako. Parlor talaga no?
"Wag mo kong pinagtatawanan..I'm dating you...that's what I said, mas safe. You're parents and mine are business partners" napa O nalang ako. Edi lusot na sya. May magagawa ba ako?
"So? a--are these for real?" kinakabahan kong tanong, actually AC ang buong sasakyan pero pinagpawisan ako bigla.
"Infront of your parents yes! with others? NO! magagalit mga chicks ko"arogante talaga ang lalaking to. Ang kapal, pinaglihi ata sa encyclopedia eh! Kapal!
"Tsaka ano nalang ang sasabihin nila? pumapatol ako saaaa uhmm flat?" namula ako sa sinabi niya. Flat? dibdibang usapan ba ito? Anong gusto niya huh?
"Abat mayabang karin no? hoy! hindi masyadong flat no!" namumula na ata ako sa inis. The first time nakarinig ako ng ganyan, at galing pa sa lalaki.
"Totoo naman ah? tignan mo nga oh!" aakmang hahawakan niya.
"Kyaaaaaaaaah manyak!" sinapak ko sya ng bag ko. Bastos na lalaki palibhasa sanay.
"hahahahahaha nakakatawa ka, wala akong balak hawakan iyan no? flat, wala ng mailalaki iyan" napuno na talaga ang mukha ko ng dugo. Walang hiya talaga ang manyak na to!
"Maaaaaaaaaaaaaaaaanyak ka!" tinawanan niya lang ako.Tawang tawa siya sa ginagawa niya ha.
Pinagsasapak ko sya mukha naman syang wala lang, sanayan sa bakbakan ang manyak nato! Tumatawa lang sya.
Paano sya nakakapagdrive ng maayos?
"Tama na! namumuro ka na!" napatigil ako bigla, nasaktan ko na ata sya.
Tahimik lang ako buong byahe, then we arrived to school. Bumaba ako agad, kainis kasi ang yabang yabang ng lalaking to, manyak pa!
Hindi na ako nag thank you agad akong lumakad palayo. when he pssssssst me.
Lumingon ako. Medyo wala pang tao since maaga pa at ang iba may classes na. Iritado akong tumingin sa kanya.
I saw a very cold look.
Tinaas ko kilay ko at hinintay mag salita. He was still, looking at me coldy and dark. Medyo natakot na ako, kanina lang nakikipag away pa saakin eh!
"If you're spying the black gang stop it! Pagbibigyan kita nung una mong subok pero pag nakita pa kitang sinusundan kami...Ako mismo ang makakaharap mo" he said.
Nagulat ako. What the hell is he talking about? I look at him kung nagbibiro lang ito pero hindi, wala sa mukha niya ang biro ngayon.
Hindi ako makahinga, I'm a stalker not a freaking Spy? hindi ako gangster tulad niya.
Nilagpasan niya ako at ako naman nanatiling nakatayo. I can't believe myself I can hear something like that. Mukha ba akong gangster?
End of Throwback Flashback
"Oh mooon dieu!" halos mabingi ako sa tili niya. Ano ba naman tong baklang to!
"Ang habables ng buhok mo bes. Ang deuxie----" kakalbuhin ko talaga tong baklang to, ang ingay may makakarinig eh!
Tinakpan ko ang bibig.
"Hinaan mo boses mo!" pinagdilatan ko sya ng mata.
"Oo na nga, pero shet lang OMGbles You're dating a gangster!" mahinang tili ni Kevin. Siya talaga ang kinilig no? Ako din naman eh! Pero kanina lang yon, nawala lang bigla nung nasa parking lot scene.
Pero si Premier ang gusto ko. Ang premier ang sinusundan ko hindi ang Deuxieme. Hindi ko dapat iniisip ang sasabihin ng Deuxieme.
"haaaays. Pero ikaw maderables tigilan mo na ang pagsunod sa kanila, you heard him baka saktan ka nya pag nagkataon!" he warned me.
Hindi ko alam medyo nanghina ako sa term na yon? I was born to be a stalker of Zaden Jace Kang. Wala pangang nangyayari eh tapos na agad.
Ayokong mag search lang ng mag search sa google at sss no? I want live action.
"No...Hindi ako magpapatinag sa kanya" with medyo determination yun.
"Wow! taas ng fighting spirituables mo ah? inlalables ka talaga sa Premier!" sabi ni Kevin.
inlove? ako? Oo nga pala anong rason ko bakit ko sinunsundan si Zaden Jace Kang? Saan ba talaga ako nagsimula?
"Maderables spacing outing ka nanaman" pagising ni Kevin saakin at nagsibalikan sa upuan ng dumating ang prof namin.
_________________
No one's POV
Exactly 12AM na nagsimula ang simulation ng mga baguhan sa loob ng headquarter. Binibigyan ang mga makikidalo ng initiation at task nila bago maging myembro sa gang at sinimulan ito tuwing hating gabi.
Ang Premier mismo ang nagpasimuno nito, nagsimula naring umalarma ang Black Gang dahil sa napapabalitang may sumusunod sa kanila. May gustong makatungtong sa Headquarters, at hindi nila matukoy kung anong gang sila.
Bilang premier ng grupo obligasyon niyang itago sa mga ibang gang ang headquarter at hanggang di nila alam kung kaninong grupo ang magpapasunod sa kanila wala silang dapat pwedeng gawim kundi maghanda.
"Deuxieme anong balita? napatahimik mo na?" tanong ng Troisieme bagong dating na si Deuxieme.
Tumango lang ito nakinood sya sa initiation at umalis din pagkalipas ng isang oras. nabored daw ito.
"Ba't di ka na bumalik kahapon huh?" pagtatanong ng troisieme.
"May inasikaso lang..alis na ako" sumakay na ito sa sasakyan at umalis.
"Babae yan!" Quatrieme naglalaro sila ngayon ng billiard.
"Kahit di mo na itanong" Cinqueme na nakaupo lang sa tabi.
"Sino daw ang nag iispiya? anong grupo?" tanong ng Quatrieme.
"Hindi nagreport ang Deuxieme..Malay ko!" Troisieme sya na ang maglalaro.
Bigla nalang pumasok ang Premier wala nanaman ito sa mood. Palaging walang emosyon ang mukha.
"Ano marami bang pumasa?" tanong ng Ciquieme, nakaupo na ito naninigarilyo.
"LOOK for another batch! They're too weak" humiga lang ito sa sofa at natulog na.
"Pang ilang initiation na ba to? Wala parin bang pasado?" inis na usad ng Troisieme.
"P*tangina nga naman Oo lampa na ba ang mga tao ngayon?" murang malutong na chicharon ng Quatrieme.
"Where's Deuxieme?" tanong ng Premier, the three just shrugged and continue to play.
Napabunot ang Premier sa bulsa ng may tumawag.
Mom calling......
"What she's up to?" napatingin ang tatlo sa Premier.
"Bakit tumatawag ang nasa taas?" tanong ng tatlo.