ANGELA
NAGISING AKO dahil sa malakas na ulan. Alas sais na pala ng umaga at balak ko sanang maglinis ng bahay upang sa ganoon ay mamayang hapon ay wala na akong iba pang gagawin bago ako pumasok.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Baste na nagkakape at nakatayo sa pagitan ng kusina at sala, nanonood ng balitang pang-umaga.
Nakashorts lang siya at walang pang-itaas. Nakapusod din ang kanyang buhok pataas dahil medyo mahaba na buhok niya.
"Wala kayong pasok, malakas ang ulan." Aniya saka tumingin sa akin habang patuloy na nagkakape.
"Titila iyan mamaya," sabi ko naman saka nagtungo sa kusina.
"May bagyo, wala kayong pasok." Sumunod siya sa akin sa kusina.
Nakita kong kasalukuyan din siyang nagpipirito ng pang-almusal.
"Ayan oh, pakinggan mo," aniya saka itinuro ang telebisyon.
Tumingin naman ako sa balita at tama nga ang sinabi niya.
WALANG PASOK SA LAHAT NG ANTAS NG PAARALAN SA BUONG PROBINSYA DAHIL SA NAMUONG BAGYO.
Iyon ang unang sinabi ng anchor sa balita kaya naman kompirmado na ang sinabi niya.
"Ayaw mo pang maniwala sa sinabi ko. Tumabi ka diyan at nagluluto ako." Tinabig niya ang kamay ko na nakahawak sa edge ng lababo.
Naalala ko na naman ang sagutan namin kagabi. Nasaan na nga kaya ang cup na ibinigay ko sa kanya? Nasaan na nga kaya ang basket ng mga damit niya?
At bakit parang ang aga aga niyang nagigising palagi?
Nakapagtataka lang talaga.
Kumuha ako ng baso saka ako uminom ng tubig at naghilamos ng mukha. Matapos iyon ay nagtimpla naman ako ng kape ko.
Habang nakaupo sa silya sa kusina at nagkakape ay tiningnan ko ang cellphone ko. Nagbukas ako ng mobile data saka naman sunud-sunod na pumasok ang mga messages sa group chat ng aming klase.
Wala nga talagang pasok dahil nagdiriwang na naman ang mga kaklase ko. Ngunit ako ay hindi nakakadama ng saya dahil kasama ko na naman maghapon ang lalaking hindi na yata magiging matino para sa akin.
"Aray! Aww!"
Napalingon ako sa kanya sa aking likuran. Tawang tawa ako nang makita ko siyang tila nakikipag-away sa nagtatalsikang mantika ng piniprito niyang isda.
"Hoy! Bakit mo ako pinagtatawanan ha? Imbes na ikaw ang gumawa nito ay tingnan mo, natalsikan pa ang kamay ko!" Naiinis niyang ipinakita sa akin ang natalsikan niyang kamay.
Pigil na pigil ang pagtawa ko dahil ayaw kong mas lalo siyang mabadtrip, ang ending kasi niyon ay ako ang mababadtrip kapag ako naman ang pinagtripan niya.
"Patayin mo muna kasi yung kalan saka mo takpan hanggang sa wala nang tumatalsik bago mo pihitin yung isda. Hay naku, wala ka kasing alam." Sabi ko pa saka ginawa ang mga sinabi ko bago maupo sa silya.
"Ako pa talaga ngayon ang walang alam?" Hinawakan niya ako sa kamay at inilapit ang mukha ko sa kanya.
Natatawa ako kanina ngunit heto at tila ba gusto ko nang magsisi dahil halos limang pulgada na lang ang layo ng mukha niya sa akin.
Mas nakikita ko na ang kanyang mukha, mas lalo ko nang natitigan ang kanyang mga mata, at mas lalo ko na ring napapagtanto na sobrang gwapo niya lang talaga.
"Bitiwan mo nga ako." Pinilit kong tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa akin ngunit mahigpit iyon.
"Baste, masakit," reklamo ko.
Ngayon ay mas malapit na mukha ko sa kanya, halos tatlong pulgada na lang iyon. Sobrang mapula ang kanyang mga labi, napakatangos ng kanyang ilong, makakapala ng kanyang kilay at pilik-mata, papatubo na ang kanyang mga balbas at bumagay naman sa kanya iyon.
"Huwag mo akong sasabihan na wala akong alam. Baka magsisi ka," aniya.
"Okay...sorry," mahina kong wika.
Binitawan niya na rin ang kamay ko at saka nagpatuloy sa ginagawa.
ALAS SYETE Y MEDIA nang matapos siyang magluto. Nakakaramdam na rin ako ng gutom kaya't eksaktong natapos siyang nagluto ay naghanda na ako ng mga pinggan at kutsara. Naghain na rin ako ng kanin.
Kalalapag lang niya ng piniritong isda sa mesa nang mayroong kumatok sa pintuan.
"Ako na," pagpepresenta ko sa sarili ko.
Agad akong nagtungo sa pintuan at binuksan iyon. Naroon ang dalawang dalaga na sa tingin ko ang isa sa kanila ay anak ng kumpare ni Sir Sebastian at ang kaibigan nito.
"Ate, nandiyan si Baste?" Tanong ng babaeng nakasuot ng maong na short shorts at hapit na t-shirt.
Wow ha? Inate niya ako samantalang hindi niya kinuya si Baste? Amazing.
"Nan-nandito siya," nauutal kong sagot.
Maya maya ay lumapit si Baste at saka nagsalita mula sa aking likuran.
"Oh, Abi, nandiyan ka pala? Bakit?"
Kitang kita ko ang pagningning ng mga mata ng dalawang babae nang makita si Baste, lalo pa at naka topless pa ang bwisit na katabi ko. Nagmukha akong manang sa suot kong pajama at malaking t-shirt.
"Ah, pinapasabi ni tatay na pumunta raw kayo mamaya sa amin, birthday ni Kuya Leonardo," sabi pa ng babae.
"Ah si Leo? Oo, pupunta ako mamaya," ani Baste saka nagkamot ng batok.
At inaakit niya pa talaga ang mga dalagita ha? May pakili-kili pose pa siya. Hindi ko alam pero bakit ako naiinis? Bakit ako parang nasisilihan sa aking nararamdaman ngayon?
"Isama mo na rin si ate kung gusto niya," bumaling ng tingin sa akin ang dalagitang nagngangalang Abi.
Ngumiti lang ako saka pinilit na magmukhang okay lang.
"Sige kuya, una na kami. See you," paalam ng isa sa kanila.
Nagbukas na sila ng payong at lumakad na paalis. Inihatid ko sila ng tingin at si Baste naman ay napapailing na lang talaga.
"Tsk, ang gaganda ng legs. Kung hindi ko lang talaga kinakapatid si Abi, linigawan ko na iyan. Pero pwede na rin naman yung kasama niya." Nakatingin pa talaga siya sa legs nilang dalawa.
"Ang manyak mo!" Umirap akong naglakad pabalik sa kusina.
"Sus, ang sabihin mo, nagseselos ka lang, Tiburcio!" Sumunod siya sa akin sa kusina.
"Nilalait mo ba ang apelyido ng tatay ko?" Bwelta ko sa kanya.
"Bakit? Mayroon ba akong sinabing mali?" Nagkibit balikat siya saka nakangiting tumingin sa akin.
"Huwag mo akong nginitian diyan, Baste! Baka..."
"Baka ma-fall ka?" Siya na ang nagtuloy ng sasabihin ko.
"Eew! Over my dead body!" Umirap pa ako.
"Naks! Kunwari ka pa! Patay na patay ka nga sa muscles ko eh." Itinaas niya ang kanan niyang braso saka humalik sa kanyang nagflex na musle doon.
Sa totoo lang ay maskulado pa rin siyang tingnan kahit na medyo chubby siya. Actually, bagay naman iyon sa kanya dahil matangkad siya.
"Hindi iyan muscles, taba iyan!"
"Asus, kung hindi ka pa makakakita ng katawan na katulad nito, hindi ka pa gaganahan kumain eh," aniya.
"Eeww. Naduduwal ako sa katawan mo. Walang abs!"
"Huwag kang magsalita ng patapos, Tiburcio, kung hindi ako nagkakamali, pantasya mo naman ako! Kunwari ka pang hindi nakatingin pero halos maputol na yung ugat sa mata mo makita mo lang ang katawan ko!"
"Never! At paano kita magiging pantasya? Wala ka pa sa kalingkingan ni Piolo Pascual!"
"Hindi ko kailangang maging Piolo Pascual, ineng. Kahit ganito lang ako, nakakadagit pa rin ako ng marami!"
"Whatever!" Umirap ako saka nagsimulang umupo.
"At sinong may sabing kakain ka sa niluto ko? Ako lang ang kakain ng lahat ng ito. Hindi ka kakain!" Aniya saka inalis sa harapan ko ang kanin at piniritong isda.
Naiinis akong tumayo at saka naghalungkat ng noodles sa cabinet.
Inilagay niya lahat sa tapat niya ang ulam at kanin at saka naglagay ng toyo at kalamansi sa saucer at mayroon pa iyong sili.
Talagang iniinggit niya ako. Palibhasa, damulag, matakaw!
Nagpainit na ako ng tubig at iniiwasan ko siyang tingnan dahil ang sarap ng kain niya.
Pairap akong nagbukas ng noodles saka iyon inilagay sa kumukulong tubig sa kaserola.
Pagkaluto ko ay agad na akong naupo sa tapat niya. Kukuha sana ako ng kanin ngunit inilayo niya iyon sa akin.
"Kumuha ka ng iba, huwag dito," aniya na parang nang-aasar.
Inis na inis akong tumayo at saka naglagay ng kanin sa aking pinggan.
Kakain na sana ako nang bigla niyang hawakan ang mangkok ng noodles at saka humigop doon.
"Ano ba Baste?" Inis na inis na talaga ako.
"Bakit? Sa amin din naman iyan ah! Bawal ba?" Aniya.
"Alam kong sa inyo, pero kakain ako! Bawal ba?"
"Oh eh di palitan ko!" Pinutol niya ang ulo ng kinakain niyang galonggong saka inilagay sa plato ko.
Sa inis ko ay hinawakan ko ang ulo ng isda saka ibinato sa kanya. Tumama iyon sa kanyang kanang dibdib at nagulat siya.
"Ano? Susuntukin mo ako?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Namumuro ka na sa akin ah! Matapos mo akong i-body shame at tawaging taba, ngayon binato mo pa ako ng galonggong?"
"Oink...oink...oink!" Sunud-sunod kong wika.
"Humanda ka sa akin mamaya!"
"Hindi ako takot sa'yo. Kahit suntukan pa tayo!" Panghahamon ko.
"Akala mo siguro ay nagbibiro ako ah? Humanda ka talaga ineng!"
"Whatever!"
"Ang arte arte mo!" Naiinis niyang wika.
Umirap lang ako saka kumain.
MALAWAK ang pwedeng pagsampayan ng mga nilabhang damit dahil mayroong bubong ang tapat ng bahay. Doon ay mayroong gawaan ng sapatos at minsan ay parking area ng sasakyan ng mag-asawang Ruby at Sebastian.
Nagsasampay na ako ng sandamakmak kong damit habang nakababad pa sa batya ang mga damit ng damuhong iyon na nakahiga lang sa sofa at naglalaro ng online games.
Sarap buhay ang tababoy.
Sinimulan ko nang labhan ang mga damit niya na halos puro malalaking t-shirts, sando at mga pantalon. Sinadya niya ring ni-lock ang washing machine sa kwarto niya kaya naman wala akong ibang nagawa kundi ang magkusot.
Parusa ko raw ito sa ginawa ko sa kanya.
Habang nagkukusot ako ay hinalungkat ko ang loob ng bulsa ng maong niyang pants. Mayroon akong nahawakan mula doon na parang malambot na bagay na nakabuhol at saka bahagyang lumobo ang dulo niyon sa pagkakatali.
Pinisil ko iyon at biglang parang sumabog. Inilabas ko iyon sa kanyang bulsa at pagtingin ko ay nabitawan ko iyon kaagad.
"Yuck! Bwisit ka Baste!" Sigaw ko sa kanya.
Sumabog sa kamay ko ang gamit na condom kaya't maging ang mga daliri ko ay nabasa ng likido mula doon.
Nakatingin pala siya sa bintana habang naglalaba ako. Panay ang tawa niya na parang wala nang katapusan habang ako ay naiinis.
Kumalat ang laman ng condom sa labahan which I suspected as semen dahil sobrang lapot at malakas ang amoy niyon.
So, ito ba ang ganti niya sa akin?
"Basteeeee!" Tumayo ako at susugurin sana siya nang pagsarahan niya ako ng pintuan.
Napakalakas ng tawa niya sa loob at ngayon ay totoong totoo nga ang ganti niya.
"May araw ka rin sa akin, Baste!"
"Diba nanghihingi ka ng t***d ko? Bakit mo kasi pinutok iyong condom?"
Tawa pa rin siya ng tawa habang nakasilip sa bintana.
"Hindi ka na nakakatuwa, Baste! Humanda ka talaga, isusumbong kita!"
"Eh di isumbong mo! Gawain lang iyan ng talunan."
Sa inis ko ay umalis na lang ako sa kinatatayuan ko at pinalitan ang tubig na pinagbabaran ng damit niya.
NAGSASABON na ako nang marinig kong mayroong bumagsak na kung ano.
"Dios ko!"
Kitang kita ko ang pagkabagsak ng lahat ng sinampay ko sa isang sampayan dahil napatid ang alambre.
"Basteeeeee!" Sigaw ko.
Kainis!