ANGELA SOBRANG sakit sa pakiramdam na mapaso sa tambutso ng motor. Mahapdi, naiiyak na ako at hindi ko na alam kung anong santo ang tatawagin ko. Naiiyak na lang ako at hanggang sa hindi ko na mapigilang mapangawa sa sobrang sakit. "Nanaaayyyy koooo!" Sigaw ko. Hanggang sa pumasok sa loob ng kwarto ko si Sir Sebastian na halatang kagigising lang. "Hija, anong nangyari?" Nag-aalala niyang wika saka yumuko at tiningnan ako. Nagulat siya nang makita niya ang sugat sa aking paa. "Anong nangyari diyan, hija?" Naupo siya sa tapat ko. Agad namang pumasok ang kanyang ginang. "Anong nangyari?" Parehas na sila ngayon na nakatingin lang sa akin habang ako ay umiiyak. "Napaso po sa tambutso ng motor, ma'am." "Bakit napaso? Saan?" "Sa labas po. Si Sir Baste po kasi hinabol ako!" Naiiyak k