Chapter Fourteen

1513 Words

ANGELA "MATULOG ka na nga sa kwarto mo, kung ano ano na naman ang sinasabi mo." Mas gusto ko na lang talagang hindi muna siya makita kaysa naman makita niya ang aking reaksyon ngayon habang nagtatanong siya ng bagay na hindi ko dapat naririnig dahil madaling umasa ang puso ko sa mga ganitong pangyayari. "Sus, kunwari ka pa, iyon naman ang gusto mong marinig eh." Lumingon siya sa akin saka ngumiti. Saglit akong napatingin sa kanyang mga ngiti na tila ba ngayon ko lang ulit masisilayan. Hindi ko kayang ipaliwanag ang hatid niyang karisma sa aking mga mata ngayon habang ang aking damdamin ay naghuhumiyaw sa kilig dahil sa kanyang matamis na ngiti. Iyon na nga yata ang pinakamatagal na five seconds ng buhay ko. "Tse! Asa ka naman, Baste." Umirap ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Hindi ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD