ANGELA ILALABAS ko na sana ang pera sa wallet nang biglang mayroong humablot niyon sa akin. Nagulat pa ako nang makitang tumakbo ang kumuha niyon at walang kasing-bilis ang pagtakbo niya na dahilan para mawalan na ako ng dahilan para maghabol pa. "Kuya! Hindi sa akin iyan! Bumalik ka rito!" Naiiyak kong sigaw sa taong kumuha niyon. Ngunit maging ang mga tao sa paligid ay walang nagawa dahil na rin sa pagkabigla. Nanginginig ako sa pagkabigla, nawalan ako ng lakas, nanghina ako at saka ako napaupo na lang sa aking kinatatayuan. Umiyak na ako at wala na akong iba pang kayang gawin kundi ito na lang. Paano ko ipaliliwanag kay ma'am na na-snatch ang perang sana ay pamalengke ko? Paano pa ako makakabili ng mga bilin niya? Nasaan na ba si Baste? Kung sana ay nandito siya'y baka naiwasan p