ANGELA HINDI ko namalayan ang sarili ko na bigla na lang yumakap sa kanya. Wala ako sa sarili kong isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap mula sa kanyang kinatatayuan. Halata kong nabigla siya at tila ba natahimik na lang nang yakapin ko siya. "Dito ka lang." Mahina kong wika saka hinimas ang likuran niya. Unti unti kong naramdaman ang kanyang kamay na humahagod sa aking likuran. "Oo, dito lang ako. Hindi naman talaga ako maglalasing, sinusubukan lang kita." Tumingala ako at saka ako tumingin sa kanyang mga mata. Mayroong kislap doon at walang halong pagiging pilyo ang kanyang mga ngiti. Natagpuan ko siyang manghang-mangha sa akin dahil sa aking pagkakayakap sa kanya. Napalunok ako nang dumako ang mga mata ko sa kanyang labi. Mapula iyon at makintab. Mata