ANGELA "SUMOSOBRA ka nang tababoy ka!" Inis na inis kong pinulot ang mga maruruming damit na kasasampay lang matapos maputol ang sampayan. Umuulan pa man din ngayon at mahirap magpatuyo ng damit. Disgrasya talaga ang dala ng lalaki na ito sa pagdating niya dito sa Calle Adonis. Lumabas siya at saka ako tinulungan sa aking pagpulot sa mga damit ko. "Umalis ka dito, wala ka nang ginawang maayos! Bwisit ka!" Hinampas ko siya ng sobrang lakas sa braso at natatawa siyang umiwas. "Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa itong masungit." Sinubukan niyang lumapit muli sa akin at damputin ang isang panty kong nahulog ngunit agad kong kinuha iyon sa hiya. "Tinutulungan? Tulong ba itong ginawa mo? Pinatid mo ang sampayan na puno ng basang damit. Tulong ba iyon ha?" Hinabol ko siya ng basang dam