ANGELA "MAHAL!" Pinilit kong sigawan siya sa ganoong paraan upang sa ganoon ay ihinto na niya ang kanyang pagsugod kay Michael. Maya maya ay huminto siya at lumingon sa akin. Nakikita ko ang ngiti sa kanyang mga mata na agad naman niyang binawi. "Totoo ba iyan? Baka inuuto mo lang ako!" Umarko ang bibig niya na para bang naiinis sa akin. "Totoo nga kasi! Halika na. Umuwi na tayo!" Lumingon siyang muli kay Michael at saka binigyan ng matalim na tingin. "Halika na." Hinila ko ang braso niya palayo. "Mahal mo ako?" "Ang daming tanong. Uwi na Baste," pilit kong itinatago ang mukha ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ako sa sobrang hiya. "Sabihin mo munang mahal mo ako." Huminto siya sa paglalakad. "Baste ano ba? Tara na!" "Sabihin mong mahal mo ako, unano!" Pumiki