ANGELA "ISUBO MO!" Utos niya. Panay ang pagtanggi ko dahil hindi ako sanay. "Isa, kapag hindi mo ito isinubo, malalagot ka sa akin!" Namilog pa ang mga mata niya nang sabihin niya iyon. "Ayaw ko nga kasi! Bakit ka ba namimilit?" Umirap ako at saka ako tumingin sa kanan. "Hoy, kangkarot. Ikaw na nga itong pinakakain, ayaw mo pa! Subo!" Naiinis ako sa kanya dahil ginagawa niya akong parang aso na sinusubuan na lang ng pagkain. "Mayroon akong kamay Baste, kaya ko nang kumain mag-isa. Fishballs lang naman itong kinakain natin. Walang kasosyal-sosyal!" Tinusok ko ang isang fishball saka kumain niyon. "Buti nga nilibre pa kita ng fishball. Ang arte arte mo. Akala mo naman kung sino kang maganda, namake-upan ka lang, umarte ka na." Sinuntok niya ang balikat ko ng bahagya. "Ang daming ta