ANGELA
MAAGA akong nagising umaga ng Lunes upang makapagluto ng almusal. Si Aling Krising ay hindi pa nakabangon dahil kagabi pa siya masakit ang likuran dahil sa paglalaba ng sangkatutak noong isang araw.
Alas kwatro ng umaga ay naghahanda na ako ng almusal habang nasa ibabaw ng lamesa ang aking notebook na siyang binabasa ko upang makapaghanda sa quiz namin mamaya sa isang subject.
Nagkakape na rin ako upang mainitan ang aking sikmura. Kasalukuyan akong nagpiprito ng hotdogs nang maramdaman kong mayroong tao sa mesa.
Napalingon ako at tiningnan kung sino ang naroon.
Hmp. Ang lalaking damuho na naman na laging sakit ng ulo ko, si Baste, ang anak ng mga amo ko.
"Bitiwan mo iyang notebook ko!" wika ko sa kanya na mayroong kaunting sigaw.
Binasa niya ang mga nakasulat doon kaya't narinig ko ang boses niyang medyo garalgal.
Maaga ba talaga siyang nagising or hindi pa siya natutulog?
"The sperm of a male reproductive system should be healthy in order to..."
Hindi niya natapos ang pagbabasa niyon dahil nilapitan ko siya upang agawin ang notebook ko. Ngunit hindi ko nakuha iyon sapagkat itinaas niya ang kamay niyang may hawak niyon.
Nakasuot siya ng itim na sando at boxer shorts na checkered kaya't kita ko na naman ang kanyang mga binti maging ang kanyang chubby muscles.
"Binabasa ko lang, ang damot mo," aniya.
"Akin na nga kasi, nagrereview ako." Pilit kong inaabot ang notebook sa kanyang kamay ngunit masyado siyang matangkad.
"Abutin mo kung kaya mo," wika niya na walang kahirap-hirap na nakatayo lang habang nakataas ang kanang kamay.
"Baste, Lunes na Lunes bina-bad trip mo ako," give up na ako.
Tumayo na lang ako sa kanyang harapan at tiningnan siya ng masama sa mata. Tumaas ang gilid ng kanyang labi saka nang-aasar na ngumiti.
"Pinag-aaralan niyo talaga ang t***d? Parang ang sagwa naman niyan." Wika niya saka ibinaba ang kamay.
Isa pa ito sa problema ko. We need to get a specimen para sa subject ko sa laboratory kaya't hindi ko alam kung kanino ako hihingi.
"Kasama iyan sa aking course, saka akin na nga iyan, huwag kang mangialam ng gamit ng may gamit," sabi ko pa.
Binasa niyang muli ang nakasulat doon.
"When the semen is thick, it means that..."
"Baste, akin na nga iyan. Kay aga aga nambubwisit ka na naman!" Pilit kong inagaw ang notebook ko ngunit inilayo niya iyon.
Sa paglayo ng kanyang kamay ay nahulog ang isang piraso ng papel na nakaipit sa notebook ko.
Agad niyang pinulot iyon at binuklat. Hindi ko rin naman alam kung ano ang laman niyon kaya't hindi ko inagaw.
Inilapag niya sa mesa ang notebook saka walang pakialam na umikot sa kabilang bahagi ng mesa.
Kinuha ko naman ang notebook at dinala sa tabi ng lutuan at saka sana magpapatuloy na magluto ng almusal nang magbasa siyang muli.
"Dear Michael," panimula niya.
Sa mga binasa niyang iyon ay agad namilog ang mga mata ko. Naalala kong bigla ang nilalaman niyon. Agad kong pinatay ang kalan saka lumapit sa kanya.
Ngunit agad siyang lumayo sa akin dahil nakita niyang aagawin ko iyon sa kanya.
"Akin na iyan. Hindi mo pwedeng basahin iyan," wika ko.
Pero mabilis siya. Umikot siya sa kabilang bahagi ng mesa at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Una sa lahat ay nais kong sabihin na salamat sa pagpapahiram mo sa akin ng payong mo noong nakaraang araw," pagpapatuloy niya.
"Baste, please, kung wala kang magawa, matulog ka na lang ulit. Maaga pa." Naiinis akong lumapit sa kanya ngunit umikot siyang muli.
"Nakapagsulat ako nito upang sabihin sana sa'yo ang mga bagay na nais kong ibahagi na nahihiya kong sabihin sa'yo sa personal," patuloy pa niya habang lumalayo sa akin.
Gosh, malalaman na niya iyon. Bwisit naman kasi itong lalaking ito, napaka-pakialamero.
"Baste, akin na kasi iyan. Nakakainis na ha? Hindi ka na nakakatuwa." Hinabol ko pa siyang muli.
"Michael, gusto kita at sana ay hindi ka magbabago kapag nalaman mo ito," patuloy niya.
Doon na ako nagsimulang humabol ng mabilis sa kanya. Ngunit kasimbilis ng aking paglabit ay ang bilis din ng paglalagag niya ng papel sa loob ng kanyang brief.
"Baste!" Naiinis kong wika.
Nagkibit-balikat siya sa harapan ko saka lumabi.
"Kunin mo kung gusto mo. Makakakita ka ng sawa na galit aa pusa diyan," aniya na mayroong mapang-asar na ngiti sa mukha.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Nang-iistorbo ka! Kita mo namang nagrereview ako ag nagluluto ng almusal dahil mayroon kaming quiz mamaya pero heto ka at nambubulabog."
"Mayroon bang nagrereview na mayroong dalang love letter?"
"Hindi iyan love letter!"
"Oh eh ano ang tawag doon? Suicidal note?"
"Akin na kasi iyan. Wala iyan, trip ko lang iyan dahil bored ako. Umalis ka na sa harapan ko at mahampas kita ng syansi." Pagbabanta ko saka ko pinalo ng notebook ang braso niya.
"Hindi pa ako nakakaganti sa pagkagat mo sa akin ha? Masakit iyon! Tandaan mo, kailangan kong gumanti sa'yo!"
"Eh di gumanti ka! Huwag lang ngayon dahil kailangan kong mag-review para sa quiz, akin na iyan," sabi ko saka ko inilahad ang kamay ko.
"Tapos kapag ibinigay ko sa'yo, aamuyin mo yung papel dahil dumikit sa junjun ko? Alam ko na ang mga galawang ganyan ineng, hindi mo ako maiisahan!" Pinitik niya ang noo ko na dahilan para mapapikit ako.
"Hoy, Mister Bwisit, hindi ako katulad ng iniisip mo ha? At kung iniisip mong mayroon akong pagnanasa sa'yo, hello, magkape ka nga para kabahan ka naman!" Idinuro-duro ko siya sa inis ko.
"Tsk tsk, pare-parehas lang kayong mga nagsabi sa akin niyan. Tandaan mong pinag-aaral ka ng mga magulang ko, bawal kang magkagusto sa akin, at isa pa, bawal kang magkaroon ng nobyo. Imbes na ang pamangkin ko ang alagaan mo, paglalandi ang inaatupag mo. Kangkarot ka talaga!" Naging strikto na ang mukha niya at parang tatay na nagsesermon sa akin.
Napapikit ako at saka bumuntong hininga at tumingin ng deretso sa kanya. Nagtaas ako ng isang kilay at sinubukan siya.
"Excuse me, never akong magkakagusto sa'yo ano! Hindi ako mahilig pumatol sa childish. Kaya't huwag kang asa, akin na!" Agad kong hinawakan ang garter ng kanyang taslan shorts.
Hindi siya pumalag at nakangiti lang na nakatitig sa akin habang nakasilip na sa ibaba ang kanyang briefs na kulay puti.
Ayaw kong tingnan iyon ngunit nakikita ko pa rin.
"Kunin mo kung kaya mo!" Nanunubok niyang wika.
"Talaga," umirap pa ako.
Ibababa ko na ang kamay ko nang makita ko ang buhok sa kanyang puson pababa sa garter ng kanyang brief.
Napalunok ako at tila ba umurong ang tapang ko na gawin iyon.
Dios ko, mayroon nga sigurong sawa sa kagubatan na ito. Nakakatakot at baka matuklaw ako.
Tumingin akong muli sa kanyang mga mata at nakakita ako ng ngiti doon na parang inaasar ako.
"Akala ko ba, kaya mo? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Bwelta niya sa akin sabay taas baba ng kanyang mga makakapal na kilay.
"Kaya ko," taas noo kong wika.
"Sige nga!" Sinubukan niya ako saka inilagay ang kanyang mga kamay sa bewang.
Nakahawak ako sa kanyang taslan shorts at kitang kita ko ang brief niyang puti.
Pagtingin ko doon ay nakalawit ang papel sa labas ng garter ng brief niya. Napalunok na naman ako at unti-unting inilapit ang aking kamay doon.
Habang papalapit ng papalapit ay mas lalo akong kinakabahan. Dumadagundong ang dibdib ko at sa palagay ko ay namumula na ang mukha ko sa sobrang pagba-blush ko. Nag-iinit na rin kasi ang pisngi ko sa aking nararamdaman na hiya at pagkailang.
"Ano na? Naghihintay ako sa'yo, akala ko ba kaya mo?" Nanunubok siyang nagsabi nito.
Tumikhim ako at saka nag-isip saglit bago ako magsalita.
"Di bale na lang, huwag na lang. Sa'yo na iyan. Wala na akong pakialam diyan." Saka ko binitawan ang garter ng kanyang taslan shorts saka iyon tumunog nang lumapat ang garter nito sa kanyang balat.
Umatras ako akmang babalik na sa aking ginagawa nang bigla niyang dukutin ang papel at ipaamoy sa akin.
"Uuhhm!" Reklamo ko nang ayaw niyang tanggalin ang kamay niya na hawak ang papel habang nasa ilong at bibig ko.
Nang hampasin ko siya ng hampasin ay lumayo siya at natatawang itinuro ang mukha ko.
"Bwisit ka tal..." Natigil ako dahil naramdaman kong mayroon pa ring nakadikit sa bibig ko kahit na nahulog na ang papel sa sahig.
Unti unti kong hinawakan ang labi ko at nang tingnan ko kung ano iyon ay nakita kong mayroong dalawang hibla ng buhok sa aking kamay at makakapal ang mga iyon at medyo kulot.
"Yyuuuucckkkk!" Sigaw ko saka nasusukang nagtungo sa lababo.
Hindi maipaliwanag ang kanyang pagtawa habang ako ay nandidiring nagmumog at naghugas ng mukha.
Bwisit talaga ang lalaking ito. Nakakainis!
HABANG KUMAKAIN kami nina Ma'am Ruby, Sir Sebastian, Aling Krising at Baste ay tahimik lang ako.
Tulog pa ang bata na alaga namin kaya't kami pa lang ang nandito.
Nakasuot na ako ng uniform na pamasok kaya naman pagkatapos ng almusal ay si Aling Krising na ang bahala sa paghuhugas.
"Gelai, hindi ka muna maihahatid ng asawa ko dahil hindi siya dederetso sa bayan. Aalis kasi kami mamaya kasama ang apo namin, one week kami sa isang anak namin kaya't kayo muna ang bahala dito," ito ang sabi ni Ma'am Ruby.
"Okay lang po ma'am, magcocommute na lang po ako," mahinang wika ko.
"Hindi hija. Iiwan ni mahal ang motor. Iyan ang gagamitin ninyo sa pagpasok mo," dagdag pa niya.
Napatingin ako kay Ma'am Ruby sa sinabi niyang iyon.
"Baste, ikaw ang magiging hatid sundo ni Gelai simula ngayon," striktong wika ni Sir Sebastian sa anak.
"Tay naman. Ayaw ko. Ano ako? Utusan? Kaya naman niyang magcommute tay ah," aniya sa tonong nagrereklamo.
"Baste, kapag sinabi ko, ay sinabi ko. Kailangan mong madisiplina ngayon dahil sa mga ginagawa mo!" Wika pa ng tatay niya.
Tumingin sa akin ng masama si Baste na parang mayroong masamang binabalak.
"At Gelai, huwag kang magdadalawang isip na magtext sa amin kung ano ang ginagawa ng anak namin. Malalagot siya pag-uwi namin dito," dagdag pa ni Sir Sebastian.
"Opo, sir," nakangiti kong wika.
Nakangiti akong lumingon kay Baste na ngayon ay umuusok na ang ilong habang nakatitig sa akin ng masama.
"SAKAY NA at nang maihatid na kita!"
Naiinis niyang wika habang nakasakay na sa Aerox na motor ng tatay niya.
Wala akong imik na sumakay. At dahil nakapalda ako ay patagilid ang aking pagsakay.
"Kumapit ka, at baka mahulog ka," paalala niya.
At dahil hindi ko alam kung saan ako kakapit ay hindi ako kumilos.
"Ang arte arte, parang hindi mo naman gusto. Oh, ayan."
Naiinis niyang kinuha ang kamay ko at ipinulupot sa kanyang bewang.
Shocks, para ko na rin siyang niyayakap ngayon habang nalalanghap ko ang natural niyang amoy.
"Okay na?" Tanong niya.
"O-oo. Okay na," sagot ko.
"Natural, okay na okay ka na. Nakatyansing ka na naman sa akin, diba?"
Naiinis niyang wika.