SEBASTIAN JR. SABADO ng umaga nang dumating sila nanay at tatay. Kasama nila ang pamangkin ko na anak ni kuya Ismael na si Andrei. Lulan sila ng kotse ni tatay kaya't maaga rin silang nakauwi dito galing sa isang kuya ko sa San Alfonso. At dahil maagang nagising si Angela ay siya ang sumalubong sa kanila at tumulong sa pagpasok ng mga gamit nila. "Nasaan si Baste? Tulog pa rin ba?" narinig kong tanong ni nanay. Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama nang marinig ko iyon. Nagse-cellphone pa kasi ako at wala pa akong balak na bumangon ngunit nang marinig ko iyon ay kaagad na ring nagising ang aking kalamnan. "Tulog pa po yata," ani Angela. Inayos ko na ang aking higaan at saka naman kumatok si nanay. "Baste gising na! Tanghali na!" Katok ni nanay sa pintuan ko. Sinanay kaming gisin