ANGELA
PAGDATING naming dalawa sa bahay nila ay agad na akong naligo. Siya naman ay nag-asikaso sa kusina.
Naninibago ako dahil bigla siyang naging masipag. Wala akong imik kahit nang dumating kami kaya't pagkaligo ko ay diretso na ako sa kwarto upang magpahinga lang saglit.
Wala naman sila ma'am at sir, wala rin ang bata at si Aling Krising na ayon kay Baste ay umuwi sa kanila kaya't wala akong aasikasuhin. Malaki at matanda na si Baste, bahala na siya sa buhay niya.
Nakaupo ako sa tapat ng aking study table nang makaramdam ako ng gutom. Kaya't tumayo ako mula sa aking kinauupuan at saka ako lumabas patungo sa kusina. Malapit lang ang kwarto ko sa doon kaya't paglabas ko ay kita ko na si Baste na nakatalikod sa akin. Nakaharap siya sa lababo at kasalukuyang nagsasalin ng tubig na mainit sa termos.
Basa ang kanyang katawan maging ang kanyang shorts dahil hindi pa siya naliligo. Iisa lang kasi ang banyo dito sa kanilang ancestral house kaya naman one at a time ang paliligo.
Nang lumingon siya ay agad akong gumalaw sa aking kinatatayuan.
"Magkakape ka?" Tanong niya sa akin saka inilagay sa kalan ang takuri pagkasalin niya ng tubig na mainit sa termos.
"O-oo sana."
"May mainit nang tubig diyan kasasalin ko lang. Maliligo lang ako," aniya.
Naiwan na akong mag-isa sa kusina at iyon na nga ang ginawa ko, nagtimpla ako ng kape at saka ako naghalungkat ng makakain sa kaldero at kaserola.
Mayroon pang kanin at mayroon pa ring naiwang ulam kaninang tanghali. Si Aling Krising siguro ang nagluto nito, paksiw na isda.
Ginutom ako bigla kaya't naghain ako at kumain habang nagkakape.
Hindi pa rin tumitila ang ulan. Malakas pa rin ang pagbuhos niyon kaya naman medyo nakabibingi pa rin ang ugong ng mga patak nito mula sa bubong ng bahay.
NASA KALAGITNAAN ako ng pagkain nang lumabas siya sa banyo. Nakasuot siya ng itim na shorts at walang pang-itaas. Agad siyang nagtungo sa kusina at mukhang ang bango bango niya lang sa kanyang hitsura.
Tumutulo pa ang mga butil ng tubig sa kanyang katawan kaya't bigla akong dinala sa ibang lugar ng kaisipan na sana ay tubig na lang ako upang sa ganoon ay maranasan ko ring dumaan sa mga parte ng katawan niya.
Maya maya ay isinuot niya ang hairband na kulay itim dahil medyo mahaba ang unat niyang buhok. Bagay iyon sa kanya, pormahang tambay pogi.
Sana lang talaga ay huwag na siyang magsasalita, okay na ako kahit nakatayo na lang siya sa harapan ko.
Hindi man siya biniyayaan ng batak na abs ay palung-palo naman iyon sa kagandahang lalaki niya na namana niya sa kanyang ama.
Sa tingin ko ay nasa five feet and seven inches ang kanyang tangkad, kaya't bagay pa rin sa kanya ang kanyang medyo pagiging chubby.
Maskulado pa rin naman siyang tingnan kahit pa medyo chubby siya.
Nahiya nga ako sa dibdib niya, kumpara sa boobs ko. Ouch, ang sakit!
"Ikaw lang ang may kape?" Aniya saka naupo sa tapat ko.
Biglang naamoy ko ang sabon na gamit niya. Amoy safeguard green iyon kaya't matapang sa ilong. Parehas lang naman kami ng ginamit na sabon pero bakit parang kapag sa kanya ko naaamoy ay malakas ang dating.
Parang ang bango bango niya lang talagang tingnan.
Para rin siyang baby na ang sarap pulbuhan sa singit.
Pero teka, nagpapantasya na naman ako sa lalaking matabil ang bibig.
Erase!
"Gusto mo ba?" Walang gana kong tanong bago ako sumimsim ng kape.
"Oo naman. Tinatanong pa ba iyan? Ipagtimpla mo ako, dali," very demanding niyang sagot.
Hindi na ako nakipagtalo pa dahil alam kong walang patid na naman ang aming magiging bangayan kapag nagsalita pa ako. Siya pa naman ang tipo ng lalaking mala-anghel ang mukha pero evil na kapag nagsalita.
Habang nagtitimpla ako ay nagtanong siya ng mga bagay tungkol sa akin.
"Anong kurso mo?"
"Med. Tech. ako," sagot ko.
"Anong year ka na?" follow up question niya.
Para akong nasa beauty pageant dahil sa kanyang mga tanong.
"Second year na ako."
"Ilang taon ka na?"
Seryoso ba siya sa kanyang ginagawa na question and answer portion naming dalawa?
"Twenty five." Ipinatong ko sa mesa ang tinimpla kong kape niya.
Gusto kong tanungin sa kanya kung ilang taon na siya ngunit nahihiya ako.
"Yung boyfriend mo, ilang taon na?"
Boyfriend? Anong sinasabi niyang boyfriend?
"Wala akong boyfriend," sagot ko saka nagpatuloy sa aking pagkain.
"Wala? Eh mayroon kang sinusulatan hindi ba?"
Naalala ko na naman ang ginawa niya kaninang umaga na kung saan ay nandidiri ako sa dumikit sa aking bibig.
"Hindi ko iyon boyfriend. Crush ko lang iyon," sabi ko saka umirap.
"Crush. Pambata lang ang crush." Aniya saka humigop ng kape.
"Bata pa naman ako ah," angil ko.
"Ikaw? Twenty five? Bata?" Hindi niya makapaniwalang wika.
"Oo, bata pa ako. Ikaw ang hindi bata, treinta ka na yata," sabi ko naman upang hulihin kung ano na ang edad niya.
"Beinte syete lang ako, ineng. Pero hindi uso sa akin ang crush. Kung gusto ko, gusto ko," inilapag niya ang kanang palad sa mesa saka iyon tumunog ng malakas dahilan para tumunog ang pinggan at kubyertos sa mesa.
Hindi na rin ako nagsalita pa dahil alam kong ibang bagay na naman ang patutunguhan ng usapan naming dalawa.
"Sinigang na baboy, gusto mo?" Tanong niya saka ibinaba ang tasa ng kape.
"Ako na ang magluluto," hindi ako nakatingin nang sabihin ko ito sa kanya.
"Sinabi nang ako eh. Ako na ang bahala."
"Sa hitsura mo, mukha kang walang alam na gawin Mister Corpuz," wika ko.
"Bakit? Masyado ba akong gwapo para sa mga bagay na dapat kong gawin?" Tumaas-baba pa ang mga makakapal niyang kilay nang sabihin niya ito.
Nakatitig siya sa aking mga mata kaya't kahit na medyo malamig dahil umuulan ay pakiramdam ko'y pinagpapawisan ako ng malamig.
Umiwas ako ng tingin dahil kapag nagpatuloy pa ako sa pakikipagtitigan sa kanya ay wala na akong ibang magagawa kundi ang matunaw sa mga titig na iyon.
Sa totoo lang ay gwapo siya, kung kapogian lang ang pag-uusapan. Eleven out of ten ang rating niya sa akin, iyon ay kung tatahimik siya.
Napakurap-kurap na lang ako nang pagkaiwas ko ng tingin sa kanya ay bumalik ulit ang tingin ko sa kanya upang titigan siya.
"Naks, gwapong gwapo ka na naman sa akin. Huwag kang magkaka-crush sa akin ineng, bawal iyan."
Parang lasing lang ang boses niya nang sabihin niya iyon.
"Feeling ka talaga, ano? At kung gwapo ka man, hanggang doon lang iyon. Wala kang kayang gawin, para kang spoiled brat na iniuutos lahat ng gustong mangyari. Daig mo pa ang boss," tugon ko sa kanya.
"Huwag kang judgemental Miss Tiburcio," aniya.
Saan niya naman nalaman ang apelyido ko?
"Sa ID mo," aniya.
Teka, nababasa niya ba ang naiisip ko? Plastado na ba talaga sa mukha ko ang mga nilalaman ng utak ko?
"I am sure with my judgement, Mister Corpuz."
"Masarap ba iyang ulam?" Itinuro niya ang kinakain ko.
"Natural, luto ito ni Aling Krising," sagot ko.
"Nope. Ako ang nagluto niyan, diba nasarapan ka?" Sumandal siya sa upuan saka nagtiklop ng mga kamay at proud ang mukha niyang tumingin sa akin.
Para akong napahiya sa aking sarili nang malaman kong siya ang nagluto niyon. Sa totoo lang ay masarap ang pagkakaluto niya nito. Hindi ko talaga iyon ine-expect kaya naman hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Nasarapan ka, aminin mo na ineng," naningkit ang kanyang mga mata kaya't nakita ko ang makakapal niyang pilik-mata.
"Kung ikaw talaga ang nagluto nito, anong ginamit mong pampaasim?" Sinubukan ko pa siya sa bagay na ito.
"Kili-kili ko," agad niyang sagot saka natawa.
"Yuck!" Natatawa ako ngunit pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makita niya na nadala ako sa biro niya.
"Mabango ako kahit hindi ako maligo ng ilang araw ano." Depensa niya saka nag-amoy mismo ng kanyang kili-kili.
Hindi na lamang ako umimik pa at hinayaan na siyang gawin ang gusto niya. Gusto niyang patunayan ang sarili niya da pamamagitan ng pagluluto kaya let him do it.
Kaya't para akong nabigyan ng pagkakataon na maging prinsesa kahit saglit lang.
Pagkakain ko ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan. Balak ko nang pumasok sa kwarto ko upang maidlip sana ngunit nagsalita siya.
"Hoy, tulungan mo akong magluto." Wika niya habang nagtsa-chop ng karne.
"Akala ko ba magaling ka at sinabi mong ikaw na ang maghahanda ng ulam? Bakit ngayon ay nagpapatulong ka pa?"
"Wala man lang akong makausap? Para akong tanga dito na magluluto tapos wala man lang makausap?"
"Hindi mo kailangang makipag-usap sa akin kung nagluluto ka."
"Huwag kang kakain ng niluto ko ha?
"Tapos na akong kumain, kahit bukas na ako kumain ulit ano?" Bwelta ko sa kanya.
"Ttsss, corny. Kapag naamoy mo ito, lalabas ka rin sa kwarto mo."
"Whatever!"
Naglakad na ako papasok sa kwarto ko at hinayaan na lang siyang gawin ang gusto niya.
NAKAHIGA ako sa kwarto ko at nakatihaya na nagbabasa ng nobela dahil wala naman kaming upcoming quizes at mga gagawin sa schools. Mamaya na lang siguro ako mag-aaral dahil nawala na rin naman ang antok ko. Nasa pagkakatihaya ako nang pumasok siya da kwarto ko, kaya naman nagulat ako.
Hindi man lang kumatok.
"Tikman mo nga," aniya na may dalang sandok.
Ano ba ang dapat kong tikman? Iyong hawak niyang sandok na mayroong lamang sabaw o yung pawis sa kanyang tagiliran na parang ineengganyo akong lumapit at lantakan.
Teka? Kailan pa naging green minded ang isang inosenteng babae na no boyfriend since birth na katulad ko?
Paano ba naman kasi, hulmado ang kaunting bilbil niya ngunit nakakaakit pa ring tingnan. Ayaw ko kasi sa lalaking ma-abs, parang walang alam gawin kundi ang magpaganda ng katawan. So, heto, naaakit ako sa bwisit na ito.
Napailing ako sa kawalan at tinanggal ang pagkakatitig ko sa kanyang pawisang katawan.
Dios ko, ilayo niyo po ako sa tukso, baka makagat ko na lang ito ulit. Nakapanggigigil.
"Bakit ka ba bigla bigla ka na lang pumapasok dito? Paano kung nakahubad ako?"iritado kong wika saka umirap upang sa ganoon ay hindi siya makahalata.
"Wala akong pagnanasa sa'yo ineng. Ikaw nga riyan ang mayroon eh. Kung makatangin ka sa akin parang ako na ang gusto mong ulamin. Mas maasim pa ako sa sinigang kaya't huwag ako, ineng. Bawal iyan!" Seryoso niyang wika.
Napatingin ako sa kanyang mukha, sa noo niyang pawisan dahil sa init sa kusina, or sadyang hot lang talaga siya kahit katatapos lang ng ulan.
"Kahit na, babae pa rin ako Baste. Hindi ka dapat pumapasok na lang ng basta basta sa kwarto ng may kwarto!"
"Okay, e di babae ka. Mabuti na lang sinabi mo. Pero wala akong paks. Oh siya tikman mo nga ito," sabi niya saka itinapat ang sandok sa aking mukha.
"Bakit, wala ka bang panlasa?" Naiirita kong tanong.
"Tikman mo lang, isa, itatapon ko ito sa higaan mo," pagbabanta niya.
"Nakikita mong nagbabasa ako diba?"
"Sandali lang naman ah. Mas gugustuhin mo pa yatang langgamin kaysa tikaman ito!"
"Alin ba ang titikman ko?" Naiinis akong bumangon sa pagkakahiga
"Ano ba ang ipinatitikim ko? Malamang itong niluto ko! Ikaw ha? Iba ang laman ng isipan mo. Madumi kang babae. May pagnanasa ka sa katawan ko, ineng! Bistado ka na. Sa presinto ka magpaliwanag." Pinahid niya ng kanyang braso ang namumuong pawis sa kanyang noo kaya't sumilay na naman sa akin ang kanyang mighty kili-kili.
Maasim kaya iyon?
"Apaka feeling mo, taba!" Naiinis akong bumangon sa pagkakahiga ko at sumunod na lang sa sinabi niya.
Tinikman ko nga ang luto niya at maasim iyon, tamang tama talaga sa aking panlasa.
"Okay ba?" tanong niya na naghihintay sa akin ng magandang feedback.
"Okay na iyan, sige na, alis na dito," pagtataboy ko sa kanya.
"Wala kang kwentang ipagluto, diyan ka na nga," naiinis na siyang umalis.
NAKATULOG ako sa pagbabasa ng nobela at nasa mukha ko na ang libro nang maramdaman kong mayroong kumalabit sa aking paa.
"Hoy, kakain na," ani Baste.
"Uuhhmmm. Ikaw na lang," naiinis kong wika saka dumapa.
"Kakain ka o hihilahin kita palabas!"
"Ano bang problema mo? Hindi ko naman dala ang kaldero hindi ba?"
"Kakain na kasi, para isahan lang," wika niya.
"Ikaw na lang." Tinakpan ko ng unan ang ulo ko upang sa ganoon ay makita niya na hindi ako interesado.
Ngunit sa gulat ko ay bigla na lang niya akong binuhat. Para lang talaga akong magaan na bagay sa kanya nang buhatin niya ako.
"Bitiwan mo nga ako!" Piglas ko.
Ngunit nagulat ako nang paluin niya ako sa pwet na parang wala lang sa kanya.
"Bwisit ka talaga!"
Ibinaba niya ako sa kusina at doon ay nakita kong nakahain na pala siya ng hapunan.
Gabi na pala.
HABANG kumakain kami ay walang umiimik sa aming dalawa. Ngunit bago ako matapos ay nagsalita siya.
"At dahil pinagluto kita ng ulam ngayon, ikaw ang maglalaba ng mga damit ko bukas, maliwanag?"
Iyon pala ang goal niya kaya't nagluto siya.
"Ay ganoon pala iyon? So, kailangan palang mang-uto ka para ipaglaba kita?"
"Sa ayaw at sa gusto mo, ipaglalaba mo ako bukas. Hindi ko gustong naglalaba ako kaya't maglaba ka bukas, maliwanag?"
"May pasok ako bukas!"
"Nakita ko sa schedule mo, panghapon ka pa, 4 to 8 o'clock."
At saan niya na naman nakita ang schedule ko? Siguro ay nakita niya sa study table ko kanina.
"Kailangan kong mag-review," palusot ko.
"Isusumbong kita kay nanay, ang tamad tamad mo dito kapag wala sila!" Itinuro niya pa ako.
"Ikaw ang tamad, ngayon ka lang naman nagluto ah," sagot ko.
"Kailangan mong maglaba ng damit ko, ineng. Seryoso ako, isusumbong kita kapag hindi mo ako ipinaglaba, tandaan mo iyan."
ALAS ONSE na ng gabi nang magdecide akong matulog. Katatapos kong magbasa ng lessons ko kaya't ready na akong magpahinga ulit.
Ngunit kahihiga ko pa lang ay namroblema na ako kaagad sa nalalapit na pangangailangan ko ng sperm para sa subject ko. Sa isang araw na iyon pero heto at parang relax pa rin ako.
Hanggang sa marinig ko ang malakas na tugtog sa kwarto ni Baste. Nakaiirita ito kaya't sinamantala ko na ring puntahan siya.
Pagdating ko doon ay kinatok ko siya ng malakas. Pagkatapos niyon ay nagbukas siya ng pinto. Nakasuot pa rin siya ng itim na taslan shorts at walang pang-itaas.
"Bakit?" aniya na naka-kunot noo.
Dala ko ang isang specimen cup ngunit nakatago iyon sa likuran ko.
"Bawal sa barangay na ito ang mag-ingay ng mga ganitong oras. Baka mayroong pumuntang barangay dito," sabi ko.
"Ninong ko naman ang kapitan dito, si Ninong Arc."
"Kahit na."
"Eh di patayin, oh, masaya ka na?" Pinindot niya ang cellphone niya saka tumingin sa akin.
"Akin na ang mga lalabhan ko, maaga ako bukas."
"Bukas na," aniya.
"Ngayon na at baka hindi ka magising ng maaga."
"Okay, saglit lang," aniya saka pinaghintay ako sa labas.
Maya maya ay inabot niya sa akin ang dalawang basket ng maruruming damit.
"Ito lahat? Ilang araw ka pa lang dito ah," pagtataka ko.
"May reklamo?" Isinandal niya ang kanyang braso sa hamba ng pintuan dahilan para makita ko ka naman ang isa sa favorite spots ko sa kanya, ang kili-kili powers niya.
"Wala naman. Pero dahil may ipagagawa ka sa akin, mayroon din akong favor sa'yo." Ibinaba ko ang isang basket saka huminga ng malalim
"Ano?"
Huminga akong muli ng malalim saka inabot sa kanya ang isang specimen cup.
"Ano iyan?" Nagtataka niyang tanong.
"Lagyan mo ng laman," sagot ko.
"Anong laman?" Inabot niya iyon at tiningnan.
"Kailangan kasi namin ng sperm sa aming next na lab class, wala na akong mahingian, please!" Para akong batang humihingi lang ng barya.
"t***d?"
Shocks, brutality.
"Pwede sperm na lang o semen para di marumi sa pandinig?"
"Kahit anong sabihin mo, t***d pa rin iyon."
"Oh ano, papayag ka ba? Para alam ko." Iritado kong wika.
"Ayaw ko," saka niya binitawan sa sahig ang cup at pabalibag na sinara ang pinto.
"Eh di huwag. Bye!" Ibinaba ko rin ang hawak ko pang basket at saka bumalik sa kwarto.
Inis na inis akong nahiga at nag-isip kung paano ko nga ba mairaraos ang subject na iyon.
Paano nga ba? Kanino ako hihingi?
"Napaka-arte naman kasi. Akala mo naman kung sino siyang artista. Wala namang abs, hmp."