BASTE PATAY tayo diyan. Anong nakain ni tatay at natanong niya ang mga bagay na iyon? "May relasyon ba kayong dalawa? Tinatanong ko lang naman, bakit kayo natahimik?" nakangiting wika ni tatay na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. "Sir, wala po." Agad na sumagot si Gelai mula sa likuran. Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko ang kanyang pamamawis na halata sa kanyang noo. Maging ako ay nakakadama ng kakaibang bagay na hindi ko maipaliwanag. Matanda na ako para magmukhang teenager. Wala na ako sa edad na teenager para maging masyadong apektado sa tanong na iyon ni tatay. Kaya naman pinilit kong maging natural lang. "Si tatay talaga, kung anu anong tinatanong sa akin." "Bakit, masama bang tanungin ko kayo niyon, Baste?" "Hindi naman po tay. Pero bakit niyo po natanong? Mukha bang p