ANGELA "KAKILALA MO?" Hindi ko napigilang tanungin sa kanya ito habang nasa motor kami. Hindi gaanong mabilis ang takbo ng motor kaya't sapat lang upang marinig namin ang isa't isa. "Hindi." "Kaibigan?" "Hindi." "Nililigawan." "Tapos ko nang ligawan." So, sila na? Sila na ba talaga? Akala ko ba wala siyang jowa? Kung sabagay mukha naman siyang playboy sa kanyang hitsura, hindi na rin ako magtataka kung maraming babae sa buhay niya. "So, kayo na?" Hindi siya sumasagot kaya naman nahiya na akong magfollow up question pa. Biglang huminto ang motor sa gilid ng kalsada sa kanto papasok sa Calle Adonis kaya't nagtaka ako. "Bakit mo tinatanong? Nagseselos ka?" Maya maya ay tanong niya saka tumingin sa akin mula sa kanyang likuran. "Nagtatanong lang, bibigyan mo kaagad ng malisya."