ANGELA MAAGA akong nagluto, tinulungan ako ni Baste na siyang nagpaalam sa akin. Ihahatid niya ako saglit mamaya at saka siya babalik upang maligo at magbihis. Hindi ko alam kung anong oras niya ako susunduin pero sa tingin ko ay agad din siyang magtutungo sa bahay nila Grace upang bantayan ako. Hindi siya kampante kay Michael kaya naman alam ko na ang magiging kahihinatnan ng lahat, sa akin ngayong gabi. Magiging limitado lang naman ang galaw ko at magkakaroon ng ilangan sa lahat ng pagkakataon. Mahirap kumilos. Pero gayunpaman ay kailangan kong pumunta upang tumulong sa aming group work. "Huwag kang mag-apurang kumain. Hindi ka nila pakakainin doon kaya't huwag mong pabayaan ang sarili mo." Panay ang paglalagay niya ng ulam sa plato ko habang kumakain. Sinabayan na niya ako sa hap
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books